webnovel

Tignan mong mabuti kung sino ako (5)

Éditeur: LiberReverieGroup

Pitong taon na ang nakakalipas noong magumpisa siyang manigarilyo pero agad ding siyang pinahinto ng isang tao…Ngayon, hinihiling niya sana biglang magpakita ang taong iyon at galit na galit na agawin sakanya ang sigarilyong hawak niya. Hinihiling niya na sana dumating ito para papagalitan siya. Pero pangarap lang ang lahat ng ito dahil hindi niya na pwedeng makita muli ang taong iyon…

Iniling ni Song Xiangsi ang kanyang ulo para hawiin ang mga alalaang matagal niya ng sinubukang kalimutan. Humithit siya ng malalim at naglabas ng isang bilog na usok at nakita niya si Lu Jinnian na nakatulala sa kawalan. 

Dahan-dahang tinuktok ni Song Xiangsi ang kanyang sigarilyo sa ashtray. Namamaos siyang nagsalita, "What's wrong? Bad mood?" at walang preno niyang dinagdag, "Dahil kay Qiao Anhao?"

Oo, dahil kay Qiao Anhao…

Isa pa, sa tuwing naiinis siya, lagi lang naman itong konektado kay Qiao Anhao…

Naramdaman ni Lu Jinnian na parang may bumara sa lalamunan niya kaya muli siyang humithit ng malalim, at ibinaling ang usapan. "Bakit ikaw lang ang nagcecelebrate ng birthday ng kaibigan mo? o ng taong mahal mo?"

"Hahaha.." humalakhak si Song Xiangsi na parang may narinig lang siyang nakakatawa. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa maiyak na siya. Hindi nagtagal, biglang naging seryoso ang mukha niya at muli siyang tumingin kay Lu Jinnian. "Patay na siya."

Sa kaibuturan ng kanyang puso, parang may isang patay na tao.

Sa likod ng isang mukhang masayahing tao, sinong magaakala na may kwento palang itong sobrang sakit sa puso.

Hindi gaya ng mga babae, bihira sa mga lalaki ang usisero kaya hindi na nagtanong pa si Lu Jinnian at bigla nalang siyang nanahimik.

Hindi na rin nagsalita si Song Xiangsi at tahimik nilang ipinagpatuloy ang paninigarilyo. Hindi sila nakuntento sa tig isang stick kaya marami pang mga sumunod. Matapos ang matagal na pananahimik, muling nagsalita ng mahina si Song Xiangsi, "Totoo ang mga chismis tungkol sa naging simula ko, nagumpisa talaga bilang escort."

Natigilan si Lu Jinnian at inalala niya ang mga naging chismis tungkol kay Song Xiangsi noong kakasikat palang nito. 

Pero ipinanganak talaga si Song Xiangsi para umarte kaya lalo pa siyang sumikat at nabalewala ang mga chismis na yun.

Lumapit si Song Xiangsi kay Lu Jinnian at muling nagsalita ng walang emosyon, "Pero sa isang tao ko lang binenta ang sarili ko, para sa fifty thousand RMB."

Itinipat niya ang kanyang kamay sa mukha ni Lu Jinnian para bigyang diin ang 'five' sa pamamagitan ng kanyang mga nakaunat na daliri. Biglang nabalot ang itsura niya ng lungkot at pagkalumo. "Binenta ko ang sarili ko ng pitong taon, hindi worth it no?"

Pinatay ni Song Xiangsi ang sindi ng sigarilyong hawak niya na para bang wala lang siyang sinabi. "Lumalalim na ang gabi, uwi na ako. Bye bye, Lu Jinnian!"

Hindi na niya hinintay pang magreact pa si Lu Jinnian at naglakad na siya palabas na may suot na mataas na takong.

Nabalot ang buong office ng katahimikan matapos umalis ni Song Xiangsi. Samantalang si Lu Jinnian naman ay nanatiling nakatayo hanggang sa tumunog ang midnight alarm. Dumungaw siya sa isang bukas na bintana at pinagmasdan ang mga kumikinang na ilaw para sulitin ang pagtatapos ng kanyang kaarawan.

He stared on for a long while, remembering the night five years ago that he would never forget....

Matagal siyang nakatulala habang inaalala niya ang isang gabing hindi niya makakalimutan, limang taon na ang nakakalipas…

Chapitre suivant