webnovel

Do You Know Who He Likes? (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Okay lang ba siya? Sobrang seryoso ba?"

"Nandito ako sa ospital ngayon at under control naman ang lahat… Pwede mo ba akong sunduin… nandito ako ngayon sa Nation Hospital."

Pagkatapos ibaba ni Qiao Anxia ang kanyang phone, bumalik siya sa ward pero bago pa man din siya makapasok, nakita niya sa isang maliit na glass window na nililinisan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao.

Napatigil sa paglalakad si Qiao Anxia, ang kanyang mga mata ay nakatuon lang sa dalawa.

Seryoso at maingat ang kilos ni Lu Jinnian na para bang gusto nitong tanggalin ang lahat ng bakas ni Producer Sun kay Qiao Anhao pero ayaw rin nitong masaktan ito.

Matapos nitong siguraduhin na malinis na si Qiao Anhao, kinuha nito ang malinis na damit na dinala ng kanyang assistant. Kahit na natatakpan nito si Qiao Anhao, masasabi talaga ni Qiao Anxia mula sa kanyang back view nito na maingat nitong binibihisan si Qiao Anhao.

Pagkatapos nitong bihisan, inayos naman ni Lu Jinnian ang pagkakahiga ni Qiao Anhao at saka ito umupo sa tabi nito. Medyo matagal din itong nakatitig sa natutulog na mukha ni Qiao Anhao bago dahan-dahang hinaplos ang noo nito, ang mahahabang daliri ni Lu Jinnian ay binagtas ang korte ng mga kilay nito.

Habang tinitignan ang kilos nito, kitang-kita ni Qiao Anxia ang pag-aalala at pag-aalaga na kahit kailan ay hindi pa niya nakita mula rito sa matagal na panahong magkakilala sila.

Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Qiao Anxia na para bang hindi ito ang Lu Jinnian na nakilala niya, tila ba ibang tao ito na hindi niya kilala.

Nanatili si Qiao Anxia sa kinakatayuan niya, hindi makagalaw habang nakatingin sa dalawa. Nahimasmasan lang siya noong may biglang nagvibrate na phone. Pagyuko niya nakita niya na ang tawag ay galing kay Cheng Yang na agad din naman niyang sinagot, "Xia Xia, nandito ako sa hospital entrance."

Pinilit kumalma ni Qiao Anxia at saka malumanay na sumagot, "I'm coming."

Pagkababa niya ng phone, muli siyang sumilip sa ward sa huling pagkakataon at nakita niya si Lu Jinnian na nakayuko at hinahalikan ang noo ni Qiao Anhao. Pinilit niyang tanggalin pagkakatitig niya sa dalawa at agad na umalis ng hindi nagsasalita.

Bago siya makababa, nakasalubong niya ang assistant ni Lu Jinnian. "Miss Qiao, aalis ka na ba?"

"Nandito na si Cheng Yang, aalis na muna ako."

"Then good bye, Miss Qiao."

"Goodbye." Nakangiting sabi ni Qiao Anxia bago ito bumaba ng hagdanan.

Pagkapasok niya ng sasakyan ni Cheng Yang, hindi rin nagtagal ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata matapos ang konting paguusap. Noong naramdaman ni Cheng Yang na pagod na si Qiao Anxia, tuminggil na ito sa pagsasalita at tinanggal ang jacket nito para ikumot sakanya. 

Dumiretso sila sa apartment ni Cheng Yang na nasa city. Matapos nitong magpark, hindi na nito ginising pa si Qiao Anxia at dahan-dahan nalang siyang binuhat nito paakyat.

Inihiga siya ni Cheng Yang sa kama nito at kinumutan, sinisiguradong komportable at hindi siya giginawin. Yumuko ito para halikan siya at saka ito dumiretso sa bathroom.

Nakapikit lang si Qiao Anxia habang nakahiga sa kama pero noong sandaling narinig niya na nagbukas ang shower, agad nagtalukbong siya siya ng kumot at hindi mawala sa isip niya ang mga nakita niya sa ospital.

Noong nagkasalubong sila ni Lu Jinnian sa CR kanina, gusto niya sanang humingi ng confirmation patungkol sa mga suspetya niya, kung si Qiao Anhao ba talaga ang babaeng matagal na nitong minamahal.

Pero ngayon….mukhang hindi na kailangan pa.

Chapitre suivant