webnovel

Gusto mo rin ang tag-ulan (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Tumango si Qiao Anhao, naintindihan nito ang sinabi niya, pero ng umalis ang assistant ni Lu Jinnian nawala ang ngiti niya.

Buong hapon magulo ang isip niya tungkol kay Lu Jinnian at Qiao Anxia. Ayon sa sinabi ng kapatid niya maganda ang relasyon nila ni Lu Jinnian.

Nang simula, sumang-ayon siya sa hiling ni Han Ruchu, na sana magkasama sila ng mahabang panahon na magkaroon sila ng pagkakataon siya at si Lu Jinnian, pero sa huli si Qiao Anxia, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon...

Nalungkot siya. Matagal siyang nasa harap ng hotel bago pumasok sa kuwarto. Matapos mahanap ang telepono niya. Naghanda na siya. Nang dumating ang assistant ni Lu Jinnian, nang sabihan siya, tumawag siya sa hotel ng restaurant at nag-order ng hapunan.

Ito ang oras kung saan maraming crew ang nasa elevator, kaya mataas ang pagkakataon na makakita siya ng kakilala niya. Takot siyang makita pinili ni Qiao Anhao ang hagdan kahit mainit ang pagkain.

Nang oras din iyon, may natanggap na tawag si Lin Shiyi galing sa producer pero nasa isa itong maliit na pagpupulong, kaya umalis siya para sagutin ang tawag. Nag-uusap silang dalawa.

Maraming taong naglalakad sa emergency staircase pero ng itulak niya ang pinto nakita niya si Qiao Anhao sa maliit na salamin. Hawak ang food tray papunta sa taas.

Nagduda si Lin Shiyi, sino ang dadalhan niya ng pagkain?

Nagdalawang-isip siya kung susudun ito pero pinatay niya ang telepono at sinundan si Qiao Anhao ng tahimik.

Binuksan ni Lu Jinnian ang pinto ng makita niya si Qiao Anhao.

-

Huminga ng malalim si Qiao Anhao. Malalaki ang hakbang niya ng pumasok sa kuwarto at sinara ang pinto.

Mukhang pumasok sa shower si Lu Jinnian dahil sa agoos ng tubig. Nilagay sa coffee table ni Qiao Anhao ang hapunan harap ng sofa. Inabot niya ang mga naka ayos na documents sa lamesa. Itatabi niya sana ito ng lumabas sa banyo si Lu Jinnian.

Mahigpit ang hawak niya sa documents at malumanay nagpaliwanag "Sinabi ng assistant mo na hindi ka pa kumakain ng kaya kinuha kita ng hapunan."

Chapitre suivant