webnovel

Mga Alaala Ng Ating Kabataan (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos umalis ang babae, naglakas loob si Qiao Anhao na magtanong. "Kayo na ba nung babae?"

Kinagat niya ang dila niya pagkatapos niyang magtanong. Titignan ba siya ni Lu Jinnian bilang isang tsismosa?

Nababahala man, pa-tagong pa rin tinignan ni Qiao Anhao ang ekspresyon ni Lu Jinnian. Sumimangot si Lu Jinnian at tumingin kay Qiao Anhao mula sa librong binabasa at marahang sinabi, "Hindi."

Tumango si Qiao Anhao at lumikha ng tunog na "oh."

Bumalik sa katahimikan ang kuwarto at bumalik naman si Lu Jinnian sa pagbabasa nang matapos ng mahabang katahimikan ay nagsasalita ulit ito, "Ang class natin ang bahala sa pag-organisa ng mga activities at tayong dalawa ang in charge."

Hindi umalis ang tingin ni Lu Jinnian sa libro pero seryoso niyang sinabi ito.

Nagtago sa kumot si Qiao Anhao at ngumiti.

Binigyan ng nurse si Qiao Anhao ng pain killers para sa buwanang dalawa. Binigay ni Lu Jinnian ang 30 dollars.

Paglabas nilang dalawa sinundan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, kinuha ang wallet niya at inabot ang 50 dollars kay Lu Jinnian.

"Salamat sa tulong, heto pala yung doctor's fee."

Tumingin si Lu Jinnian sa 50 dollar na banknote na hawak ni Qiao Anhao at sa bukas nitong wallet. Naglalaman ito ng makapal na 100 dollar bills. Ang sama ng tingin ni Lu Jinnian at agad na umalis palayo kay Qiao Anhao.

Pangalawang beses na nagsipag si Qiao Anhao sa pag-aaral ay yung matapos ng picnic. Nang mga panahong iyon si Xu Jiamu ay nag-iihaw sa labas. Imbitado din ang mga kaibigan nila at maging si Lu Jinnian ay kasama.

Maganda ang panahon ng mga araw na iyon. Matapos kumain nahiga sila damuhan. Ang lahat ay nag-uusap tungkol sa kanilang ambition at mga pangarap na university. Nang pabalik na si Qiao Anhao narinig niyang tinanong ni Xu Jiamu si Lu Jinnian, "Ikaw Bro? Saang university ka mag-aaral?"

"A university."

Kilala sa buong mundo ang A university at tanging mga nasa top ang maaaring makapasok. Nang malaman ito ni Qiao Anhao hindi niya na tinangkang pangaraping na makapasok.

May nagtanong na rin sa kanya kung gusto niya pumasok sa university ng Hang Zhou, wala siyang preference kung saang university pero dahil magandang lungsod ang Hang Zhou, naisip niya na magandang mag-aral sa university na doon.

Chapitre suivant