Umalis si Tangning sa kwarto ng nakataas ang noo, ngunit ang eksena sa audition ng pelikulang
ito ay naiwan na nagkakagulo!
Walang sinuman ang mag - aakala, ang aktres na makakatanggap ng nakatayong papuri mula sa
buong kwarto, ay ang taong dati nilang pinagkakampihan na iboykot - si Tangning!
Lalong hindi nila inaakala na gagamit si Tangning ng ganun paraan upang patunayan ang
kanyang sarili at ang kanyang galing sa pag arte.
Bawat isang tao na nakasaksi sa kanyang pagganap ng araw na iyon ay hindi maiwasang
bumuntong hininga. Kung si Tangning ay kinukunsiderang zero acting ability, paano naman ang
batang idolo at mga aktor na mayroon lamang iisang ekspresyon sa buong pagganap nila sa
pelikula?
Si Tangning ay hindi zero acting ability. Sa kabaliktaran, ang kanyang pag arte ay natural at
malinis.
Ang mga hurado ay nagtamo ng malaking tama. Hindi sila makapaniwala na nagkampihan sila
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com