Sa mga sandaling nakita nilang lahat si Steamed Bun Invasion ay kaagad na nanlamig ang mga manlalarong lumalaoy at isinasalba ang sarili nila papunta sa dalampasigan.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakatakot si Steamed Bun Invasion, pero sumakto lang kasi ang tayming ng pagdating niya. Ito ay nagpapahiwatig na matagal na pala nilang pinaghahandaan ang lahat ng ito.
Una ay sinadya nilang hatakin silang lahat sa tubig at ginamit ang katotohanan na wala silang karanasan sa labanan sa ilalim ng tubig para talunin silang lahat.
Sa wakas ay nakatakas na sila sa kamay ng kanilang mga kalaban na nasa ilalim ng tubig, pero biglang lumitaw ang mga kalaban nila sa ibabaw para tambangan silang lahat. Hindi naman masasabi na marami silang lahat; tatlo lamang sila.
Gayunpaman, ang problema ay mayroon na silang kalaban sa lupa at tubig. Hindi nila mapigilang maisip na sila'y parang mga naghihingalo na nga't binubugbog pa.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com