webnovel

First Clear Team

Éditeur: LiberReverieGroup

Bakit?" Tanong ni Chen Guo.

"Kung maglalaro ka buong gabi, ikaw na muna dito, pupunta muna ako sa smoking area." Tugon ni Ye Xiu.

"Kung pupunta ka sa smoking area, ako ba ang on duty o ikaw?" Pagalit na tanong ni Chen Guo.

"Oh, kung ganon, gusto mo magpalit tayo ng upuan? Diba sabi mo ayaw mo sa amoy ng sigarilyo?" Sabi ni Ye Xiu.

Muntik ng maiyak si Chen Guo, kahit na naiintindihan niya na para sa kapakanan niya ang ginagawa ni Ye Xiu, bakit parang nararamdaman niyang hindi siya pinapansin?

Nakahawak na si Ye Xiu ng sigarilyo, nag papahiwatig na panahon na para mag desisyon si Chen Guo kung kukunin niya ang shift ni Ye Xiu o aalis.

"Kalimutan mo na nga yun, Di ako maglalaro, matutulog na ako." Pagalit na naglog-out si Chen Guo at tumayo para umalis.

Umikot si Ye Xiu at sinundan si Chen Guo gamit ng kaniyang mga mata. Namalayan niyang iniwan ni Chen Guo ang kaniyang account card sa lamesa at hindi ito kinuha. Hindi ito pagiging makakalimutin, kung hindi ang pag-iisip ni Chen Guo na bahay niya ang Internet Cafe. Karaniwan namang naiiwan ang mga bagay sa bahay. Napaisip si Ye Xiu at mabilis siyang humiyaw, "Boss, di mo kinuha ang card mo. Gusto mong tulungan kitang mag level up?"

"Bahala ka sa gusto mo!" Sagot ni Chen Guo na hindi nag-iisip.

Tumango si Ye Xiu. Ang kaniyang kamay na malapit ng umabot sa 300 APM speed ay mabilis na sinilaban ang sigarilyo at inilagay sa kaniyang bibig. Ang pagpatay sa Skeleton Warrior ay nagpatuloy, at malapit na itong mamatay. Panandalian lang ay itoy' namatay at nakita ni Ye Xiu ang kaniyang Saber sa lupa. Pinuntahan niya ito at pinulot. Sinuko niya ang iba pang mga items. Sina Seven Fields at ang iba pa'y hindi siya pinwersa. Random na ipinamahagi nila ang mga item at ipinasok ang iba pang materyales sa bag.

Habang ginagawa nila ito, sinabi ni Seven Fields: "Kuyang mahusay, kukunin namin ang mga high-grade materials na hindi mo ginusto galing sa mga iba pang hidden BOSSes kahapon. Mamaya, pag tumaas ang presyuhan, ibebenta namin. Ngayon, bagong bukas palang ang server, kaya madaming mga manloloko na bumibili sa mga bagong players sa mababang presyo. Pag naging standard na ang presyuhan, ibebenta namin sila at hahatian ka namin ng pera."

"Nakuha ko na ang aking kinakailangan, sa inyo na yang iba." Tugon ni Ye Xiu.

"Dapat madaming nakukuha ang mas magaling. Kuyang mahusay, masyado kang mahinhin." Sabi ni Seven Fields.

Napatawa si Ye Xiu at wala ng sinabi. Ang apat ay nagpatuloy at nagtanong si Seven Fields: "Kailangan ba natin ng isa pang tao?"

Naunawaan ni Ye Xiu ang ibig niyang sabihin. Nakuha na niya ang kinakailangan niya. Mas magiging mas mabilis ang kanilang efficiency pag may dumagdag na isa pa.

"Ikaw ang bahala, pero sa araw na ito, magpapalevel lang ako hanggang 20. Pagkatapos, kailangan kong tulungan ang kaibigan ko para magpalevel." Tugon ni Ye Xiu.

"Sige sige, okay lang. Kailangan mo ng tulong namin?" Sagot ni Seven Fields. Sa totoo lang, hindi nila pinatay ang kanilang headphones at narinig nila ang pag-uusap ni Ye Xiu at Chen Guo. Medyo narinig din ito ni Seven Fields.

"Hindi na kailangan, gawin niyo nalang ang kailangan niyong gawin." Sabi ni Ye Xiu.

"Sige." Wala nang sinabi sina Seven Fields. Isang araw lang nila nakilala si Ye Xiu, kahit na mas madaling nagkakaibigan ang mga tao sa Internet, bilang matatanda, alam nila lahat kung paano magrespeto.

Pagkatapos umalis ng dungeon, Si Seven Fields ay nagsisigaw-sigaw para makadagdag pa ng isang player. Sobrang madali lang gumawa ng parties sa bagong server. Pumasok ang mga requests, at sa huli'y pumili si Seven Fields ng Level 17 na babaeng manlalaro.

Ang babaeng manlalaro ay tinatawag na Immersed Jade. Pagkatapos pumasok sa tea, nagalak siya nung makita ang player list.

Seven Fields, Sunset Clouds, Drifting Water, Lord Grim, hindi ba ito yung party na unang nakatapos sa Spider Cave at Spider Emperor? Hindi niya talaga naisip na makakapasok at makakasama siya sa isang team ng mga eksperto. Pagkatapos mag connect sa voice system, ipinaalam niya ang pagkahanga niya sa lahat.

Dahil sikat ang voice system ng Glory, tinapos nito ang panahon ng mga manlalarong nagtatago ng kanilang kasarian. Kapag ang mga manlalaro ay magkasamang gumagalaw, deretsahan nilang ginagamit ang kanilang boses sa pag-uusap. Anong klaseng babae ang magtatype lang at hindi magsasalita? Kung ganoon, ang lahat ay magkakaroon talaga ng pagaalinlangan. Pero kung lalaki ka at ang boses mo ay parang babae, totoong walang makakatalo sa biyaya mo.

Habang narinig nina Seven Fields at ang iba pa ang babae na nagsalita, aksidenteng tumakbo sila at hinarap ang babae. Ngunit alam ni Ye Xiu na gusto lang nilang makita ang mukha ng babae.

May dalawang uri ng character model ang Glory. Isang babae at isang lalaki. Ang detalye sa pagkagawa ay magagawa gamit ang editor. Gumagana din ang mga self-designed character models. Kahit na ang random generated character models ay pwede. Kung gusto mo talaga ng totohanan, pwede mong kunan ng litrato ang sarili mong mukha at ilagay sa editor. Pagkatapos ibigay ang sukat ng katawan, ang editor ay maaring makagawa ng character na lubos na parehas sa orihinal na manlalaro.

Dahil dito, lahat ng mga lalaking manlalaro ay gustong malaman kung ang hitsura ng babaeng manlalaro ay parehas ba sa totoo niyang imahe. May nagsasabi na may mga ekspertong lalaki na kayang malaman kung totoong hitsura ba ang ginamit ng babaeng manlalaro o hindi sa isang tingin lang.

Sina Seven Fields at ang iba pa'y, parang hindi naman marunong sa ganoong mga bagay. Pagkatapos inobserbahan si Immersed Jade, masasabi lang nila na average lang siya. Hindi nila nalaman kung totoo ba o hindi ang kaniyang hitsura.

Pero si Immersed Jade ay ginaganahan at pagkatapos sambahin ang first clear team, ipinaalam niya ang pagkagalak niya na masama sa kanilang team. Pagkatapos, ipinaalam nanaman niya ang kaniyang pagkahanga na ang kanilang expert first clear time ay nasa Level 18 pa. Sa huliy, siya'y nag request na makita kung meron ba siyang opportunidad na maging permanenteng kahany ng kanilang first clear team.

May paghihinayang na sinabi ni Seven Fields na may kaibigan pa silang kasama na hindi lang nakasali ngayon.

Mukhang bigong-bigo si Immersed Jade pero hindi siya sumuko. Kahit na hindi siya maging kahanay nila, nagsimula siyang mag-apply para makita kung pwede ba siyang maging substitute member. Dinagdag pa niyang tinanong kung anong guild at organisasyon ba sila galing.

Ang mga tanong na ito'y nagpahirap kay Seven Fields at iba pa. Klarong-klaro naman na ang babaeng ito'y sinasamba ang mga mahuhusay, hindi pa nga sila nakakapasok sa dungeon. Sa totoo lang ay si kuyang mahusay lang talaga ang magaling sa kanila, ang iba'y hindi na kinakailangan pang banggitin.

Ang mga tanong at ekspektasyon ni Immersed Jade ay mapupunta sa kamay ni kuyang mahusay. Ngayon, tinatanong niya kung anong guild sila, sina Seven Fields at ang mga iba pa'y mayroong guild, pero ngayong nasa lilim sila ng mala-diyos na galing ni kuyang mahusay. Pag sinabi nila ang kanilang guild, hindi ba parang sinampal nila ang kanilang sarili?

"Oh, tara bilisan natin at pumasok na!" Ibinaling ni Seven Fields ang usapan at pumunta sa harapan, Sina Sunset Clouds at ang iba pa'y malapitan na sumunod. Pagkatapos pumasok sa dungeon, mabilis na nagbigay ng mga utos si Ye Xiu. Pagkatapos niyang nagsabi, nagtanong si Immersed Jade na para bang nahihiwagaan: "Hm, Sino'ng nagsasalita?"

Noong unang pumasok siya sa party, walang himpis na kinausap niya sina Seven Fields at ang iba pa, ito ang kauna-unahang nagsalita si Ye Xiu.

"Lord Grim, ang diyos ng aming party. Lahat ng first kills namin ay dahil sa kaniya, Kung wala siya, walang kwenta ang aming party." Nakita ni Seven Fields ang opportunidad para sabihin sa kaniya ang totoo. Pagkatapos masabi, gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"Respeto para sa dakilang diyos!" Nagsulat ng mensahe si Immersed Jade at napasigaw.

"Ha ha, tara!" Napatawa si Ye Xiu at nagsimulang isama ang lahat pasugod. Hindi nagtagal, ang mahusay niyang hitsura ay lubos nang nakita. Pero sa harap niya'y walang ipinakitang masyadong pagkahanga si Immersed Jade.

Sina Seven Fields at ang iba pa'y nakita na ang babaeng ito'y totoong newbie.

"Napahamak na tong babaeng 'to." Sekretong pasabi ni Sunset Clouds.

"Ugh, masyadong mataas ang starting point niya, newbie pa nga lang siya pero nakakita na siya ng isang dakilang manlalaro. Mamaya, paano na siya makikipaghalubilo sa mga normal na manlalaro?" Tugon ni Seven Fields.

"Isang trahedya!" Napabuntong hininga sa lungkot si Drifting Water.

Chapitre suivant