"Ikaw?"
Nabigla silang lahat.
Pati si Hall Master Sai ay napairap.
Base sa sinabi ni Sun Quiang, ang taong ito ay isang pintor. Pero… kahit na isa pa siyang pintor, para malaman ang tunay na ibig sabihin ng isang obra na ginawa mga walong-daang taon na ang nakakalipas… Imposible ito!
Higit pa roon, ang mga ibon sa larawan ay hindi mga spirit beast o savage beast; kung hindi ito mapaliwanag, paano niya magagawang pangalanan ito?
Kahit hindi mo na sabihing ang obra na ito ay hindi mabibili sa mataas na halaga, ang mas malala, isa itong krimen para sirain ang isang napakahalagang obra!
"Ito…"
Nahihiyang napakamot ng ulo si Luo Qin. Hindi niya alam kung anong gagawin.
Ang pinakadahilan kaya niya pinaliwanag ng maayos ang lahat ay para mapigilan ang iniisip ni Zhang Xuan. Hindi niya alam na dahil sa mga sinabi niya ay lalo lang itong lumala…
Ganun ka ba talaga kasugapa sa pera?!
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com