Ang mga beast tamer ng Beast Hall ay mga walang kwentang tanga?
Matapos marinig ang mga salitang ito,, lahat ay nagalit.
"Anong sinabi mo?"
"Sino itong taong ito? Naghahanap ba siya ng ikamamatay niya?"
"Para insultuhin ang mga beast tamer, baka tinatamad na siyang mabuhay!"
...
Lahat ay nakatitig kay Zhang Xuan, ang kanilang mga mata ay puno ng intensyong pumatay.
Ang rason bakit lumaki ng ganito ang Beast Hall ay dahil sa mga beast tamer. Pero, ang taong ito ay naglakas loob na insultuhin lahat ng mga beast tamer dito. Mayroon siguro siyang problema sa utak!
Ang katawan ni Shen Bi Ru ay nanginig at siya'y mabulis na humawak sa manggas ng binata sa harapan niya. Muntik na siyang hinatayin sa pagkagulat.
Nasaan ba tayo?
Nasa Beast Hall!
Para sabihin na ang lahat ng beast tamer ay mga walang kwentang tanga, hindi ba't naghahanap ka ng gulo?
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com