webnovel

Hindi na Mababawi

Éditeur: LiberReverieGroup

"Iligtas siya? Hindi makontrol ang kanyang lakas?"

"Base sa mga salita ni xiao wangye, ang lakas ni Zhang Xuan laoshi ay nakatataas kaysa kay Elder Shang Chen? Paanong... naging posible ito?"

Hindi nagtagal ay naunawaan ng iba ang nangyari.

Lalo na para kina Shang Bin at Cao Xiong, na nagsabing mahina si Zhang Xuan at nagsisinungaling si Wang Tao. Silang dalawa ay hindi makapaniwala sa pangyayari sa harap nila.

Sa nakaraang pagsusulit, nakumpirma na si Zhang Xuan ay isa lamang Zhenqi realm pinnacle. Ito ay isang bagay na alam ng buong paaralan, at walang balita sa kanyang paglagpas sa realm na ito. Kung kaya't paano siya naging mas malakas kay Bai xiao wangye? Higit pa rito, base sa kanyang mga salita, mukhang walang laban si Elder Shang Chen sa kanya.

Maaaring ito ay kakaiba at hindi kapanipaniwala, ngunit walang nag-isip na si Bai Xun ay nagsisinungaling.

Alam ng lahat na hindi lang sa sobrang galing ni Bai xiao wangye, siya din ay kilala sa pakikipagpaligsahan at pakikipaglaban sa iba! Hindi siya magiging komportable na hindi siya nakikipaglaban nang maraming beses araw-araw! At dahil masyado siyang bilib sa Zhang Xuan na ito, ibig-sabihin ba nito na taglay talaga niya ang lakas na sinasabi niya?

Sa puntong ito, bawat isa sa kanila ay iminulat ang kanilang mga mata upang tingnan ang binatang inakala nilang basura kanina.

Walang kakaiba sa kanya, bukod sa kanyang maputi at makinis na balat na dahilan para magmukha siyang mas bata kaysa sa aktwal niyang edad. Paano siyang magiging isang eksperto?

"Ehem, ehem!"

Nang makita ang mga mapanghinalang titig ng lahat na nakatutok sa kanya, umiling na lang si Zhang Xuan.

Hindi na niya maililihim pa ang kanyang lakas.

Ngunit... matapos makakuha ng pinakamababa sa Teacher Qualification Examination bilang isang Fighter 3-dan Zhengqi realm, ang maging katulad ng isang Pixue realm expert sa maikling panahon... Walang maniniwala rito!

"Ganon ba kahirap ang hindi maging kilala?"

Nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo.

Gusto niyang itago ang kanyang lakas, manatiling hindi kilala at zhuangbi nang palihim. Noong una, inakala niya na walang kinalaman si Bai Xun sa paaralan, kaya walang iba na makakaalam nito. Subalit, hindi niya inasahan na sa loob lang ng isang gabi, pupunta ang taong ito dito…

Matapos gumawa ng malaking kaguluhan, imposible na para sa kanya na ilihim pa ang kanyang lakas kahit na gustuhin pa niya.

Sobrang malas!

Habang siya ay naguguluhan pa sa pangyayari, nakita niya ang mukha ni Bai xiao wangye na sumulpot sa harap niya na may mukhang humahanga.

"Hehe, Master Zhang, Lolo Zhang, naayos ko ba ng tama ang bagay na ito?"

Subalit hindi niya masisisi si Bai Xun na umasta nang ganito. Sinabi na ni Master Lu Chen nang malinaw na depende sa kanya kung maipapasa niya ang pagsusulit o hindi. Natural lang na susubukan niyang pasayahin ito upang makita ang kanyang mga magagandang libro.

Iyon ang dahilan kung bakit ang aga niyang gumising, at nang marinig na nandito si Zhang Xuan, pumunta siya kasama ang kanyang mga tagasunod.

"Katanggap-tanggap pa rin!"

At dahil nangyari na ang nangyari, tinanggap na lamang ito ni Zhang Xuan. Kung kaya't iniyuko niya ang kanyang ulo.

"Zhang laohi, tanggapin mo ako bilang iyong estudyante..."

Dahil alam niya na ang lakas ni Zhang Xuan ay hindi lamang Zhenqi realm, hindi na nagdalawang-isip pa si Clan Head Wang Hong. Sinenyasan niya ng tingin si Wang Tao; lumapit muli si Wang Tao sa kanya at lumuhod sa kanyang harap.

"Ang ituring na guro si Master Zhang, sino ka ba sa inaakala mo? Hindi ko pa siya tinatanggap, at gusto mong makipagpaligsahan sa akin? Kung ganon, maglaban muna tayo saglit?

Bago pa makapagsalita si Zhang Xuan, tinitigan siya nang masama ni Bai xiao wangye.

"Hindi ako mangangahas..."

Nagulat si Wang Tao.

Kahit na kasing-edad lang niya si Bai Xun, ang kanyang lakas ay umabot na sa Fighter 5-dan pinnacle. Dahil mas malakas ito sa kanya nang maraming beses, ang pakikipaglaban sa kanya... Anong pinagkaiba nito sa paghahanap ng kamatayan?

"Sige, Wang Tao, maaari kang makinig sa gilid sa aking klase bukas. Kung maayos ang iyong ipapakita, maaari kitang tanggapin bilang aking estudyante!"

Dahil sa takot na baka muling gumawa ng gulo si Bai xiao wangye at mapatay si Wang Tao, sumingit kaagad si Zhang Xuan.

"Maraming salamat, Zhang laoshi!" Napasinghal si Clan Head Wang Hong sa pagkatuwa at nagmadaling nagpasalamat sa kanya.

Hindi pa estudyante ni Zhang Xuan si Wang Tao, ngunit kung titingnan ang pangyayari, ito lang ang paraan para maayos ang sitwasyon. Matapos ang lahat, sino ang pwede niyang sisihin sa mga nakakadismayang gawi ng kanyang anak, ang panghihimasok sa silid ng iba upang patayin ang guro... Walang guro ang tatanggap sa isang estudyante matapos ito makilala sa ganitong sitwasyon!

Subalit, kahit na sa ngayon siya ay nakikinig lamang sa gilid, habang lumilipas ang oras, hangga't maayos ang kanyang paggawa, siguradong siya ay magiging estudyante niya.

"Makikinig sa gilid..."

Naluluha na si Elder Shang Chen.

Isa siyang elder sa paaralan, at siya rin ang namumuno sa Education Bureau. Kadalasan, siya ang pumipili ng mga estudyante. Isang bagay na ang pag-alis ng isang tao sa kanyang pagtuturo upang kilalanin ang ibang guro... Ngunit umalis siya upang magpaturo sa ibang guro!

At bukod pa rito, ang pinaka walang kwentang guro sa paaralan…

Naramdaman ni Elder Shang Chen na parang inaapakan ang kanyang mukha nang paulit-ulit, at wala nang natirang kahit isang bahid ng kanyang dignidad.

Ang kanyang dignidad ay naibato papunta sa bahay ng kapatid ng kanyang lola... Bakit hindi sa bahay ng kanyang lola? Kasi nadaanan na niya ito…

"Master Zhang, mayroon ka pa po bang ipapaayos sa akin? Kung ganon, tutulungan kita. Tapos nito, turuan mo ako sa pagpipinta..." lumingon si Bai Xun at tumitig kay Zhang laoshi.

"May mga bagay pa ako na dapat ayusin!" Lumingon si Zhang Xuan para tingnan si Shang Chen, "Elder Shang, ang resulta ng Enlightenment Will Trial ay nailabas na. Hindi ba oras na para tuparin natin ang mga napagkasunduan natin?"

Ang dahilan kung bakit siya nandito ay dahil sa Enlightenment Will Trial. Matapos ang trial, maraming nangyari, ngunit oras na para maisagawa ang mapagdesisyunan nilang pusta.

"Zhang Xuan, hindi mo kailangang matuwa dito! Natalo ako sa Enlightenment Will Trial, at higit pa rito, ako ay magdurusa sa isang daang God Slaying Flogs. Ikinalulungkot ko na hindi mo ako kayang tanggalan ng lisensya sa pagtuturo!"

Dahil alam niya na hindi na siya makakatakas, pinili ni Cao Xiong na harapin ito at lumapit na may mabangis na ekspreayon sa kanyang mukha.

"Walang kakayahan?" Sumimangot si Zhang Xuan.

"Tama. Wala akong masamang track record at hindi ko din nagawang magwala ang aking estudyante. Kahit ang resulta ko sa Teacher Qualification Examination ay maayos, kaya pasado pa rin. Ang tanggalan ako ng lisensya dahil sa isang pustahan, kahit ang Teacher Guild ay walang kakayahang gawin iyon!"

Nagwawalang sumigaw si Cao Xiong.

"Totoo ba 'to?" Hindi sigurado sa mga patakaran, tumingin si Zhang Xuan kay Elder Mo nang may pagdududa.

Isa siyang Elder ng Teacher Guild, kaya dapat alam niya ang mga bagay na ito.

"Totoo ang kanyang mga sinasabi." Tumango si Elder Mo. "Ibinibigay ang lisensya ng isang guro para magturo matapos ang maraming pagsusuri ng Teacher Guild. Kung ang taong ito ay walang masamang track record, mahirap na bawian siya ng lisensya..."

"Ganun ba..." sumimangot si Zhang Xuan.

Naalala niya ang mga nasa industriya ng edukasyon sa kanyang dating buhay. Doon, kahit na ang isang guro ay may kakulangan sa kanyang trabaho, walang karapatan ang eskwelahan na sisantehin sila. Kahit ang Ministry of Education ay walang karapatan na gawin ito, kung wala silang ginawa na labag sa moral at value ng isang guro.

Mukhang ang sitwasyon dito at doon ay magkatulad.

"Bakit hindi mo sinabi noong nagdedesisyon pa tayo ng pustahan..." hindi mapigilang manginig ni Zhang Xuan.

Noon, itinataas niya ang kanyang pusta, inakala niya na posibleng mabawi ang kanyang lisensya sa pagtuturo, kaya binanggit niya ito. Kung alam lang niya na ganoon kahirap na bawian ng lisensya ng pagtuturo ang isang guro, pinili na dapat niya na paalisin siya sa paaralan.

"Ehem ehem, akala ko... matatalo ka!" Nahihiyang sinabi ni Elder Mo.

Hindi lamang nakakuha ng mababang marka si Zhang Xuan sa Teacher Qualification Exam, nagawa din niyang magwala ang cultivation ng kanyang estudyante. Kung uungkatin nila ang bagay na ito, posibleng mapaalis si Zhang Xuan.

Sa pag-aakala ni Elder Mo na matatalo si Zhang Xuan, hindi niya binanggit ang bagay na ito. Hindi niya inasahan matatalo si Cao Xiong sa kanya.

"Imposibleng matupad ang mga kondisyon ng pustahan, maliban na lang kung..." nagsalita si Elder Mo ngunit nagdalawang-isip na sa kalagitnaan.

"Maliban na lang kung ano?"

"Maliban na lang kung... may isang master teacher o isang associate master teacher na tetestigo na hindi siya nararapat na manatiling isang guro, at ang testimonya ay ipapaalam sa Teacher Guild..." sabi ni Elder Mo.

"Master Teacher? Associate master teacher? Saan ako makakahanap nun..." umiling si Zhang Xuan. Hindi bale kung isa itong master teacher o isang associate master teacher, sila ay mga taong nasa taas ng education circle, kaya paano siya makakakilala ng ganito? Higit pa rito, kung may kilala man siyang ganito, imposibleng abalahin pa nila ang kanilang sarili dahil sa isang maliit na pustahan! Sumimangot si Zhang Xuan.

Sa oras na ito, ang gurong nakatalaga, si Zhou laoshi, ay pumasok muli at pinagsaklob ang kanyang mga kamay, ang kanyang boses ay umalingawngaw sa buong silid.

"Shang Chen laoshi, may isang babae sa labas na ipinakilala ang kanyang sarili bilang Huang Yu at gusto niyang makita si Zhang Xuan laoshi!"

Chapitre suivant