webnovel

Halos Bumagsak Na Si Shang Bin

Éditeur: LiberReverieGroup

Kahit na saan pumunta ang isang magandang babae, makukuha niya ang atensyon ng mga lalaki. Para sa kanya, marami na ang gumawa ng iba't-ibang paraan para mapalingon lang siya. Ang ganitong klaseng 'ang bayaning magliligtas sa prinsesa' ay isa sa mga pinakawalang kwentang paraan sa libro!

Sa ganitong drama, maaaring ipapakita niya ang kanyang galing, o kaya hahayaan niyang mabugbog siya ng kalaban para maawa siya sa kanya. Mula doon, ang pagkaawa ay unti-unting magiging pag-ibig…

Kahit na ano pa sa dalawang ito ang ginagawa nila, pareho lang itong may ibang intensyon at ang naramdaman niya lang ay pagkainis.

Nang maintindihan niya ang mga pangyayari, umalis sa laban si Shen Bi Ru.

[Dahil sinasadya niyo naman ang mga ginagawa niyo, hindi na ako makikialam. Gawin niyo na lang kung anong gusto niyong gawin…]

Peng peng peng peng!

Nang makita niya ang kanyang karibal na nagwawalang sumugod sa kanya, binigay ni Yao Han ang kanyang lahat ng walang pagaalinlangan. Saglit lang ay nabugbog na naman ang matapang at determinadong si Shang Bin na duguan ang mukha.

Ganoon rin si Yao Han. Makikita ang dugo na bumakat sa puting tela na nakabalot sa kanyang mukha.

"Ang galing mukhang tunay talaga… Sige lang…" sabi ng nakapamewang na si Shen Bi Ru.

"Shen laoshi, tulungan mo si Shang shaoye, matatalo na siya…"

Nang makitang bugbog sarado si Shang Bin, hindi mapigilan ni Cao Xiong ang kanyang sarili na lumapit at pakiusapan siya.

Bilang isang hamak na Fighter 4-dan Pigu realm, wala siyang binatbat kung ikukumpara siya sa dalawang naglalaban. Papatayin niya lang ang sarili niya kung makikigulo siya sa laban nila. Dahil dito, wala na siyang magawa kundi pakiusapan si Shen laoshi.

"Tama ba na tulungan ko siya?" Suminghal si Shen Bi Ru nang makita niyang nagmamakaawa ang 'support' ni Shang Bin.

"Opo, kung di mo siya ililigtas, mamatay si Shang shaoye…"

Hindi alintana ni Cao Xiong ang masamang intensyon ni Shen Bi Ru.

"Sige, tutulungan ko na siya!" Lumapit si Shen Bi Ru.

Hu!

Nang makitang papalapit na siya, tinulak ni Yao Han si Shang Bin ng kanyang dalawang kamay at napaatras ito. Pagkatapos ay umatras siya sa laban at nagsabing, "Sige, tatandaan ko ito. Ang inyong karangalan, pati na rin ang pabor na ibinigay niyo sa akin, titiyakin ko na ibabalik ko ito sa inyo sa hinaharap!"

Sugatan na siya, at kahit na si Shen Bi Ru lang ang haharap sa kanya ay sobra na ito para sa kanya. Higit pa roon, kahit na matalo niya ang dalawa, nasa loob pa rin sila ng Hongtian Academy. Habang pahaba ng pahaba ang laban, mas mahihirap na problema ang darating sa kanya. Kung mayroong planong hinanda ang mga ito, baka mahirapan pa siyang makatakas.

Kaya nang matapos siyang makapag-isip-isip, nakapag desisyon na rin siyang umalis.

Hindi man sila nakapaghiganti sa kanya, at nabugbog niya ang isa sa kanila, pero ang galit na ito ay naitatak na. Konting oras na lang at maibabalik niya rin ito sa kanila…

Pagkatapos nito ay umalis na si Yao Han. Sa isang iglap ay nawala na siya sa harapan ng lahat.

Kung ang isang Fighter 6-dan Pixue realm expert ay tumakas, kahit na si Shen Bi Ru ay hindi makakahabol sa kanya.

Bukod pa rito, wala rin naman siyang intensyon na sundan pa ang lalaki. Sa oras na ito, ang galit sa mukha niya ay tumindi.

Saktong papasok pa lamang siya ay tumakas na ang kalaban. Anong ibig sabihin nito? Simple lang, ibig sabihin nito ay natapos na ang palabas. Malamang ay aalis rin siya…

"Shen laoshi, hindi ko inaaasahang magiging mabait ka sakin. Naiintindihan ko ang iyong intensyon…" Nang makita niyang tutulungan siya ni Shen Bi Ru ay napuno ng galak ang puso niya. Inilingon niya ang kanyang namamagang mukha, ngumiti at nagpose, "Sa totoo lang, mahal rin kita…"

Galit pa rin siya sa kanya kaya tiningnan niya kung ano pang mga paraan ang gagamitin ng taong ito para lang mapansin siya. Nang marinig niya ang mga salitang iyon ay halos sumabog sa galit si Shen Bi Ru.

[Ang aking intensyon?

Intensyonin mo mukha mo!]

"Lapastangan!" galit na sambit ni Shen Bi Ru.

Pah!

Isang sampal ang tumama sa kanya.

"Ano?"

Pagkatapos niyang ipunin ang kanyang tapang para magtapat, habang iniisip niya pa lang na yayakapin siya nito, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mukha. Gumiwang ang kanyang katawan at tumama siya sa bakal na gate. Umikot ang paningin ni Shang Bin at halos himatayin siya sa kinatatayuan niya.

[Bakit mo ko sinampal?

Di ba nakipaglaban ka para sakin?]

Halos mabaliw na siya.

[Ano bang nangyayari? Mabait kanina, tapos biglang magagalit. Sala sa init, sala sa lamig…? May nagawa ba kong masama sa'yo?]

Jiya!

Nang ang puso ni Shang Bin ay nawasak at sinusubukan pa lang niyang intindihin ang sitwasyon ay saktong bumukas ang pinto ng silid-aralan. Lumabas si Zhang Xuan at kumunot ang noo niya ng makita sila. "Nasa gitna ako ng mga lesson, di ba kayo nahihiya na nanggugulo kayo rito?"

"Sakto ang labas mo, Zhang Xuan!"

Nang halos madurog ang puso niya, ang galit ni Shang Bin ay nagliyab pagkakita niya kay Zhang Xuan. "Nagpasa na ng apela si Cao Xiong laoshi sa akademya sa kasalanang panloloko para puwersahin ang estudyanteng si Liu Yang para maging estudyante mo! Naaprubahan na ng akademya ang paggamit ng Enlightenment Will Trial, kaya dalhin mo si Liu Yang doon!"

"Enlightenment Will Trial?"

Saglit na naguluhan si Zhang Xuan. Pakatapos ay naalala niya ang mga alaala ng kanyang dating katauhan at naintindihan niya na ito at sumama ang tingin niya.

"Sa makatuwid. Sa ngayon, pinapasa ko sayo ang mensahe bilang kinatawan ng Education Bureau. Kung hindi ka pumunta, ito ay paglabag sa mga batas ng akademya at tulad nito, mapapatalsik ka rin!" Suminghal si Shang Bin.

Hindi man niya matalo si Yao Han, at hindi rin siya nakipag-usap ng matagal kay Goddess Shen. Kaya naman, ibnunton niya na lang ang poot niya sa basurang guro na iyon.

"Zhang Xuan laoshi, huwag kang umalis…" Kumunot ang noo ni Shen Bi Ru.

Hindi niya alam kung ano ang plano ni Shang Bin para gawin ito, pero kahit ano pa man yun ay sigurado siya na balak niyang pabagsakin si Zhang Xuan. Sa oras na pumayag siya at nagkaroon ng problema sa Enlightenment Will Trial, hindi lang mawawala ang kanyang lisensya, maaari rin siyang mawalan ng trabaho!

Subalit, bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinutol ito ni Zhang Xuan at nagsalita, "Sige, pupunta ako!"

Totoo na nakaramdam noon ng pagkapahiya si Liu Yang nang siya ay maging estudyante ni Zhang Xuan. Pero sa ngayon ay napahanga na si Liu Yang kay Zhang Xuan. Kung sasabihin niya na tumalon siya mula sa isang mataas na gusali para mag-ensayo ng mga movement technique, malamang ay papayag siya ng walang pag-aalinlangan. 

Sa ganyang katibay na tiwala, ano pa bang katatakutan niya sa isang Enlightenment Will Trial?

[Sa sobrang kumpyansa niya sa sarili, tignan natin kung sinong mapapahiya sa huli!]

"Kung hindi ka pupunta, ipapaalam ko to sa Security Bureau ng akademya para kunin ka…" Nang maisip niya na tatanggi si Zhang Xuan, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at huli na niyang naintindihan ang sitwasyon, "Ah? Anong sabi mo? Pupunta ka?"

Hindi sumagot si Zhang Xuan. Lumingon siya at nagtungo sa pinto ng silid-aralan, "Liu Yang, sumama ka sakin!"

"Opo!" Lumabas ng silid si Liu Yang.

"Anong…"

Hindi niya inaakalang ang dali lang nilang napasunod si Zhang Xuan, kaya medyo kinabahan ang mayabang na si Shang Bin.

"Huwag kang mag-alala, Shang shaoye. Si Liu Yang ay isang estudyanteng espesyal kong pinadala dito. Tiwala ako na gusto niyang maging estudyante ko!"

"Sige!"

Tumango si Shang Bin at naglakad ng may malalaking hakbang, "Tara!"

"Ikaw…"

Nang makitang walang pakundangang pumayag ang binata, kinabahan si Shen Bi Ru.

Ang Enlightenment Will Trial ay isang paraan sa paglutas ng mga sigalot sa pagitan ng dalawang guro. Sa oras na nagsimula ang trial, ang partido na mapapatunayang may kasalanan ay makakatanggap ng isang matinding parusa!

Paanong mapapapayag ang isang tao ng ganoon lang kadali? Kahit na anong mangyari, dapat ay tinanggihan niya ito at nakipagkasundo ng mapayapa. Kung hindi… ay siguradong mapapahamak siya!

"Wala lang 'yun!"

Alam niyang nag-aalala ang babae at napangiti si Zhang Xuan ng bahagya. Hindi siya nagpaliwanag ng kahit na ano, humakbang siya at sinundan si Shang Bin patungo sa [Enlightenment Will Tower] ng akademya.

"Ang taong 'to…"

Nagalit at kinabahan si Shen Bi Ru nang binalewala lang ng binata ang kanyang sinabi.

Bilang isang magandang babae, kahit sino ay matutuwang makinig sa kanyang mga salita. Pero hindi lang binalewala ng binatang ito ang kanyang mga sinasabi, ginawa pa niya ang kabaligtaran nito. Gusto niya bang mamatay?

Kahit sino ay nakakaalam na ang lolo ni Shang Bin ay ang pinuno ng Education Bureau. Kung gagawin niya ito, malamang ay naghanda na siya ng mga patibong laban sa kanya…"

"Kusang-loob kang tumalon sa kapahamakan, kasalanan mo na yan kung may mangyaring masama sayo!"

Nagdabog si Shen Bi Ru. Pero pagkatapos ng saglit na pagdadalawang-isip ay nagmadali siyang sumunod sa kanila.

Nakakaramdam lang siya ng pagtataka kay Zhang Xuan. Hindi kasama dito ang pag-ibig. Pero siya ang dahilan kung bakit siya kinakalaban ni Shang Bin. Kahit na ano pang mangyari, hindi basta na lang manunuod sa gilid!

Chapitre suivant