"An… Anong sinabi mo? Anong ibig mong sabihin sa pinamahayan ng mga takas?" Gulat na
tanong ng City Lord habang nakatingin kay Luo Xi.
Sa sandaling nakita ni Luo Xi ang reaksyon ng City Lord, batid niyang walang kaalam-alam ang
City Lord tungkol sa bagay na iyon. Napataas ang kilay ni Luo Xi at nagsimula siyang
makaramdam na ang mga nangyayari ay nakakapagtaka. Kung ang mga bahay na iyon ay
ginawa ng sino man sa ilalim ng utos ng kagalang-galang, makatuwiran lamang na isipin na
siya at ang City Lord kahit paano ay sasabihan tungkol doon, sapagkat silang dalawa ang
nagkokontrol sa lahat sa Clear Breeze City nitong mga nakaraan at ang sitwasyon ay naging
matatag at walang anumang malaking problema. Ang biglang paglabas ng kabataan mula sa
kung saan tulad nito ay talagang kakaiba.
"Nang mabili ng taong iyon ang mga asyenda, pinatag iyon upang makapagtayo ng mga
munting bahay para mailipat ang mga takas doon. Narinig ko na hindi lamang libreng tirahan
ang ibinigay nila pati ang pagkain at inumin ay walang bayad." Saad ni Luo Xi sa City Lord
habang nakatingin dito.
Bigla ay hindi naging maganda ang kulay sa mukha ng City Lord. "Sino ang tao sa likod ng lahat
ng iyon? Ang mga pinayagan ko lamang na takas papasok sa siyudad ay mga matatanda at
babae na may batang mga anak at karamihan sa mga tao ay hindi magkakainteres sa kanila.
Ang mga basurang katulad nila ay walang pinagkaiba sa mga pulubi kung sila'y itatapon sa
kalsada, kaya sino ang gagawa ng ganoong bagay para sa kanila?"
Saglit na huminto ang City Lord bago muling nagsalita: "Maari kayang isang tao na dinala ng
kagalang-galang? Maari kayang may ibang plano ang kagalng-galang?"
Umiling si Luo Xi at nagsalita: "Hindi rin ako sigurado. Sa katunayan ay nagtungo ako doon
kanina dahil intensyon kong malaman kung sino ang taong iyon ngunit hindi ko nagawang
makilala siya. Ang mga asyenda sa Clear Breeze City ay ibenentang lahat ng mga taong pribado
mong inayos at kahit paano ay alam dapat ng iyong mga tauhan kung anong uri ng tao ang
bibili hindi ba?"
Dahil sa paalalang iyon mula kay Luo Xi, agad napagtanto iyon ng City lord at mabilis na
nagpadala ng mga tauhan upang sunduin ang nagtitinda papunta doon. Nang makita ng
tindero ang City Lord ay agad itong lumuhod at dakilang nagpatirapa, sa mukha ay ang
nambobolang ngiti.
"Ano ang ipag-uutos ng City Lord at ang iyong lingkod ay ipinatawag na magpunta dito
ngayon?" Tanong ng tindero, bahagyang nininerbiyos.
"Nitong nakaraan, ang kabataan na nagtungo sa tindahan at bumili ng maraming asyenda,
may alam ka ba na kahit ano tungkol sa kaniyang pagkakakilanlan?" Tanong ng City Lord na
may madilim na ekspresyon sa kaniyang mukha. Nang ibalita noon sa kaniyan ng tindero ang
tungkol sa bagay na iyon, inisip niya na isa lamang iyong hangal na nahulog mula sa Heavens
at naghulog ng napakaraming ginto sa kaniyang kandungan at hindi na tinanong ang
pagkakakilanlan ng kabataan, at ipinagwalang bahala iyon na parang isang napakayaman na
takas na nakawala mula sa kung saan.
Ngunit matapos marinig ang mga sinabi ni Luo Xi kanina, biglang napagtanto ng City Lord na
ang bumili ay hindi isang simpleng tao lamang. Sapagkat kung hindi, paano maipapaliwanag
ninuman sa kung bakit ang isang kabataan ay maglulustay ng napakalaking halaga ng ginto
upang bumili ng napakaraming asyenda at hindi mananatili doon at sa halip ay inilaan ang mga
iyon sa walang silbing mga takas ng walang bayad?
Hindi inaasahan ng tindero na biglang magtatanong ang City Lord tungkol sa insidente kay Jun
Wu Xie dahil ang naunang intensyon nito ay hindi na gaanong makialam doon. Ngunit ng
makita ang madilim na kulay sa mukha ng City Lord, ay wala siyang magawa kundi ang
isalaysay sa bahagyang nanginginig na boses ang lahat ng mga nangyari mula sa sandaling
nagpakita si Jun Wu Xie hanggang sa pagbili nito ng mga asyenda at sa kung paano ito
nakahanap ng mga manggagawa upang itayo ang mga bahay, isiniwalat ang lahat ng
nalalaman at hindi nag-iwan ng anumang detalye.
"Sa simula ay sinabi ng kliyente na nais niyang maghanap ng mga tao upang muling itayo ang
asyenda at ang inyong lingkod ay naisip rin na iyon ay nakakapagtaka. Nang dahil sa
kuryusidad, ang inyong lingkod ay nagtanong ng ilang beses sa kliyente tungkol doon ngunit
ang kliyente ay may napakalamig na pagkatao at hindi nagbigay ng anumang uri ng kasagutan.
Ang nangyari pagkatapos noon ay hindi ko na alam."
"Ayon sa iyon sinasabi, ang taong iyon ay intensyon nang gawin ito sa simula pa lamang?"
Tanong ng City Lord, ang kaniyang kilay ay napataas habang malalim na napaisip at kalaunan
ay pinaalis na ang tindero.
"Ang gumastos ng napakalaking halaga upang bumili ng mga asyenda at naglaan ng pagsisikap
upang maitayo muli ang mga iyon para maging tirahan ng mga takas. Ang motibo ng taong
ito'y walang iba kundi kamusmusan." Taimtim na saad ng City Lord.
Ang sulok ng mga labi ni Luo Xi ay bumakas ang ngisi. "Hindi ko alam kung ano ang motibo
niya, ngunit isa lamang ang nasisiguro ko sa ngayon."