webnovel

Big Brother (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Dahil siguro sa iyak ng munting Emperor at kahit papaano ay bumalik ng kaunti ang katinuan ng lalaki. O pwede ring dahil sa ito ay napuluputan na ng kadena...Ngunit huminto sa pagpalag ang lalaki. Nanatili lang itong nakatayo at hindi gumagalaw. Nagpatuloy sa pag-iyak ang Emperor.

Nagpunas naman si Grand Tutor He ng kaniyang luha bago lumapit sa munting Emperor para ito ay akayin.

Ngunit umalma ang munting Emperor. Hinigpitan nito ang paghawak sa damit ng lalaki. Isinubsob nito ang mukha sa tagiliran ng lalaki at sinabing:

"Royal Brother, pinangako mo kay Little Jue noon na dadalhin mo siya sa magagandang lugar. Pinangako mo rin na dadalhin mo ako sa Thousand Beast City...Royal Brother...sigurado akong gagaling ka, dahil hindi ka sakin kailanman nagsinungaling. Sisiguraduhin kong gagaling ka. Pangako 'yan." Nagpatuloy pa sa pag-iyak ang munting Emperor hanggang sa mangapos na ito sa paghinga. Walang nakakaintindi kung gaano kabigat ang kaniyang nararamdaman. Pait ng damdamin na hindi lang unang beses niyang naramdaman.

Gustong magsalita ni Grand Tutor He ngunit nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Hindi niya rin alam kung anong dapat niyang sabihin.

Ang iyak ng bata ay animo isang patalim na bumabaon sa puso ng mga sundalo ng Buckwheat Kingdom. Napayuko na lang sila, hindi nila kayang magpatuloy na tignan ang dati nilang pinuno. Hindi rin nila kayang makinig sa mga iyak ng munting Emperor.

"Kamahalan...Kamahalan...Nandito tayo sa Imperial Capital ng Condor Country. Hindi maganda kung may ibang makakakita satin. Tulungan...na lang muna natin ang dating Emperor papasok ng bahay." Pinilit patibayin ni Grand Tutor He ang kaniyang boses. Kailangan niyang maging matatag para sa munting Emperor. Dahan-dahan niyang hinila ang munting Emperor palayo sa kapatid nito.

Ayaw man bumitaw ng munting Emperor ay wala na siyang magagawa. Tumayo na lang siya doon habang pinapanood na ipinapasok sa bahay ang kaniyang kapatid.

Sa gwapong mukha nito, wala na ang matamis nitong ngiti. Ang pagiging mabait at maalalahanin ay naglaho na.

Dati, tuwing kumikidlat ay patagong nagpupunta ang kaniyang kapatid sa kaniyang silid upang aluin siya. Pinapatahan siya nito at inaalalayan sa kaniyang takot.

"Grand Tutor...gagaling siya hindi ba?" Tanong ng munting Emperor. Kitang-kita sa mukha nito ang bakas ng natuyong luha.

Walang ibang magawa si Grand Tutor He kundi tumango.

"Kamahalan, 'wag ka nang umiyak. Sa oras na pumayag ang Condor Country na gamutin ang dating Emperor, hahanapin natin sila Little One at Little Two. Naitanong ko na iyon sa Young Master at ang sabi niya ay mananatili daw siya sa Imperial Capital. Maghintay lang tayo ng ilang araw pagkatapos ay dadalhin kita sa kaniya."

Tumango ang munting Emperor sa kabila ng pagsinghot-singhot dahil sa pag-iyak. Bumalik sa kaniyang isipan ang imahe ng dalawang alaga ni Jun Wu Xie.

Kahit na malamig ang personalidad ng kaniyang "Little Big Brother", tuwing lalapit siya dito ay agad nitong ibababa si Little One at Little Two para sila ay makapaglaro. Kahit na malamig ang tinging ibinibigay ni Jun Wu Xie, nararamdaman niyang wala naman itong galit sa kaniya.

Dahil sa pangungulila ng munting Emperor sa kaniyang kapatid, itinuring nitong para na ring kapatid si Jun Wu Xie.

Kung maayos kaya ang kalagayan ng kaniyang Royal Brother, katulad din kaya ito ng kaniyang Little Big Brother? Hahayaan siyang makipaglaro sa mga mabalahibo at matatabang Spirit Beast?

Maya-maya lang ay dinala na ni Grand Tutor He ang munting Emperor sa silid nito para makapagpahinga.

Ilang sandali munang pinanood ni Grand Tutor He ang munting Emperor bago nagdesisyong umalis.

"Grand Tutor He." Bati ng Commander ng Royal Guards.

Tumingin lang dito si Grand Tutor He at tinapik ito sa balikat.

Chapitre suivant