webnovel

Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (4)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Maraming atensiyon ang ibinibigay sa akin ni Master… magmamakaawa ako sa kaniya na tanggapin ka sa Spirit Healer

faculty… maiging pakawalan mo na ako ngayon?" Nanginginig si Li Zi Mu sa takot.

Umarko ang kilay ni Jun Wu Xie.

"Magmamakaawa ka sa kaniya?"

Iniisip ni Li Zi Mu na may pag-asa pa siyang mapagbigyan ni Jun Xie dahil sa mga sinabi nitokung kaya sumagot siya agad.

"Magmamakaawa ako sa kaniya! Paborito ako ni Master! Sigurado akong papaya siya!"

Hindi Pinansin ni Jun Xie si Li Zi Mu at bumaling kay Qiao Chu. "Tawagin mo ang Yin Yang Bear."

Nagulat si Qiao Chu. Ang kaniyang Yin Yang Bear ay hindi pa gumagaling sa mga sugat natamo at nanghihina pa rin. Hindi

niya alam kun ano ang balak gawin ni Jun Xie pero ginawa niya pa din ang utos nito at tinawag ang Yin Yang Bear.

Walang sigla ang mabalahibong Yin Yang Bear. Ang malaki nitong katawan ay mabigat na nakasandal halamanan sa tabi,

nasira ang mga halaman dahil sa malaking pangangatawan nito.

"Grr…" dahan-dahang inangat nito ang ulo nang naramdaman nito ang mga yabag na papalapit. Nang nakita nito na ang

taong papalapit ay ang taong laging hinahaplos ang kaniyang tiyan, ipinikit niya ang mga mata at natulog muli.

Itinaas ni Jun Xie ang kaniyang palad na binabalot ng mahinang liwanag. Marahan niyang inilapat ang kaniyang kamay sa

ulo ng Yin Yang Bear at ang ilaw sa kaniyang mga mata ay dahan-dahang kumalat sa buong katawan nito.

Nagtatakang tiningnan ni Qiao Chu si Jun Xie dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Lumaki ang mga mata ni Li

Zi Mu, hindi makapaniwala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata.

Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya nang nakita ito noon. Sa bawat pagkakataon na itinuturo ni Gu Li Sheng ang

Spirit Healing Technique, madalas sa isang ring spirit niya ito ginagawa. At malinaw sa kaniyang alaala ang lahat dahil sa

maraming beses na nasaksihan niya ito. At walang ipinagkaiba iyon sa nakikita niya ngayon!

"Spirit Healing technique… Spirit Healing… alam mo ang Spirit Healing technique… paano… paanong nangyari ito…"

namumutla na sabi ni Li Zi Mu. Hindi man niya alam kung paano gawin ang Spirit Helaing technique ngunit madali niyang

makikilala ito.

Si Jun Xie ay isang disipulo na pinaalis sa Spirit Healer Faculty sa kaniyang unang araw dito! Iilang oras lamang ang

itinagal niya sa kagawaran kaya sa paanong paraan nito natutunan ang Spirit Healing technique!?

Nabanggit na ito ni Gu Li Sheng noon. Para sa mga disipulong katulad nila na inaaral ang Spirit Healing technique ng ilang

taon na, ang kaya lang nilang gawin ay magamot ang mga ring spirit na kabilang sa ikatlong antas at pababa. Kung ang

0

ring spirit ay kabilang sa mas mataas na antas, hindi kakayanin ng kanilang spiritual power ang kinakailangan na

kapangyarihan para magamot ang mga ring spirit na mataas ang antas.

Hindi man alam ni Li Zi Mu kung ano ang antas ng itim at putting uso sa kaniyang harapan, pero naramdaman niya ang

ang takot at pagmamaktol ng kaniyang ring spirit.

Dahil sa nagawang matakot ng kaniyang ring spirit na kabilang sa ikalimang antas, nangangahulugan na ang Yin Yang

Bear ay nabibilang sa mataas na antas.

At si Jun Xie ay nakayang pagalingin ang isang ring spirit na mas mataas sa ikalimang antas ng walang kahirap-hirap. Ang

gaanong kakayahan ay mas higit pa sa kayang gawin ng isang walang kwentang si Li Zu, pati na rin ng mga nangungunang

disipulo sa Spirit Healer faculty!

"Imposible… ito ay imposibleng… paanong alam mo gawin ang Spirit Helaing technique… hindi talaga ito possible…"

hindi makapaniwala ang namumutlang mukha ni Li Zi Mu. Ang hindi maikakailang pakiramdam ay dahan-dahang

gumagapang sa kaniyang puso.

Kung si Jun Xie ay totoong marunong ng Spirit Healing technique, ang ipinakalat niyang kwento tungkol kay Jun Xie ay

isang malaking katawa-tawa!

Ang Yin Yang Bear ay unti-unting gumagaling at lumalakas. Marahan itong bumangon at umupo ng matuwid. Inalis ni Jun

Xie ang kaniyang kamay na nakapatong sa ring spirit at tiningnan si Li Zi Mu na ang mukha ay naubusan na ng dugo.

Nakangisi siya at marahang nagsabi "Sa tingin mo ay kailangan kita?"

Chapitre suivant