webnovel

Enrollment (5)

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang agad na tanggapin sa Spirit Healer faculty ay hindi inaasahan ni Jun Wu Xie. Idagdag pang napakarami nilang aplikante na nasa labas ng academy ngayon.

Ang layunin ng kaniyang patungo dito ay para hanapin ang Ikalawang piraso ng mapa sa balat ng tao kasama nina Qiao Chu. Hindi niya akalaing...siya ay mapapansin ng founder ng Spirit Healers at inimbitahan siyang tanggapin ang paanyaya nito.

Sa ilalim ng mga puno ng inggit na titig, umalis si Jun Wu Xie. Kalmado ang mukha nito at pinuntahan sina Qiao Chu sa puno kung saan sila nila napag-usapang magtagpo-tagpo.

Subalit...

Ang apat na pares ng mata na nakatitig sa kaniya ay nababahiran ng pagkasurpresa.

"Little Xie...Kilala mo ba si Gu Li Sheng bago tayo naparito?" Tanong ni Qiao Chu kay Jun Wu Xie nang dumating ang huli. Hindi na nito natiis ang kuryosidad.

Diretso namang sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan."

"Kahit kailan?" Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu sa gulat.

"Anong ginawa niya sa'yo kanina?" Sinuri ni Rong Ruo ang katawan ni Jun Wu Xie Mula ulo hanggang paa. Nang makita niyang ayos lang naman si Rong Ruo, saka pa lang siya napalagay.

"Pinagaling ang aking espiritu." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Muli nanamang bumakas ang gulat sa mukha ng apat.

Muling nagtanong si Rong Ruo: "Kumusta naman?"

Hindi sumagot si Jun Wu Xie, sa halip ay inangat ang kaniyang mga kamay. Nakita nila ang isang hamog na kulay itim doon at maya-maya ay naging isang masiglang pusa ang lumabas doon.

"Meow?"

[Matagal ba akong nakatulog?]

Sumiksik pa ang pusa sa kaniyang mga braso at ipinikit ang mga mata nito, ang mahaba nitong buntot ay kumukumpas sa ere.

Yumuko si Jun Wu Xie, tinitigan nito ang pusa na nasa kaniyang mga bisig. Ang malamig na pakiramdam ng pagkawala ay unti-unting nabubura.

Nakita na nina Qiao Chu at ng iba pa ang pusang ito dati. Ngunit bukod kay Qiao Chu at Hua Yao, si Fei Yan at Rong Ruo ay nakita lang ang pusa na walang malay. Ito ang unang beses na nakita nila ang itim na pusa na gising!

Nang dinala ang itim na pusa sa Phoenix Academy, kahit si Yan Bu Gui ay idineklara na ang pusa ay mas higit na napinsala kaysa kay Jun Wu Xie at mukhang hindi na ito magigising. Ngunit ngayon, ang itim na pusa ay masigla at masaya sa mga bisig ni Jun Wu Xie, lahat sila ay nasurpresa dahil doon!

"Talaga nang puno ng misteryo ang mundong ito, totoo nang mayroong mga taong nakakapagpagaling ng ring spirits?" Nasa malalim na pag-iisip si Hua Yao kumpara sa mga kasamahan nito. Hindi lang sa Lower Realm, kundi maging sa Middle Realm ay hindi pa sila nakakarinding niyon.

Nang kanilang unang marinig ang Spirit Healers, sila ay nagdududa pa. Ngunit ang paggaling ng itim na pusa ay isang magandang patunay na hindi nila maitatanggi.

"Ngayong kaming apat ay nailagay sa branch division, ikaw Little Xie, wala ka maunang gagawin kundi ang hintayin kaming ma-promote sa main division. Erm...hindi ba't inimbitahan ka ni Gu Li Sheng na sumali sa Spirit Healer Faculty? Kung matututunan mo ang technique at ikaw ay maging Spirit Healer, mas maganda iyon!" Saad ni Fei Yan habang tumatawa.

Tumango naman si Jun Wu Xie, habang siya ay naroon, matututunan niyang intindihin ang mga paraan na ginagamit sa pagsasanay ng kaniyang spiritual power dahil siya ay nakabase lang sa kaniyang sariling kakayanan kapag ginagamit niya iyon.

Ang branh division ay nagsasagawa ng appraisal kada quarter, para sa mga nagpakita ng lubos na pag-unlad sa kanilang spiritual power sa loob ng panahong iyon ay makakaangat agad patungong main division. Sina Hua Yao at ang iba pa ay kailangang maghintay ng kulang-kulang tatlong buwan para makasama si Jun Wu Xie sa main division.

Napagkasunduan naman nilang lima iyon.

Para sa magtatagumpay na aplikante na makakapasok sa Zephyr Academ, sila ay kinakailangang pumasok sa ikaapat na araw pagkatapos ng enrollment.

Bumalik si Jun Wu Xie sa Inn at inilagay ang pusa sa ibabaw ng mesa bago niya binuksan ang cosmos bag para kunin ang pinaglalagyan ng Snow Lotus.

[Ang pinsalang natamo ng tiyanak na to...mukhang mas malala pa sa natamo ko.] Saad ng itim na pusa habang nakatitig sa pinaglalagyan ng Snow Lotus. Ang huling ala-ala nito ay noong sila ay nasa gitna ng pakikipaglaban sa Cloudy Peaks, at ang laban na iyon ay habang-buhay nang magiging peklat sa isipan nito.

Chapitre suivant