webnovel

Enrollment (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa Inn, may ibinigay si Fei Yan kay Jun Wu Xie na isang kumikintab na kristal.

"Ang Zephyr Academy ay titignan ang iyong ring spirit. Hindi mo kailangang gisingin ito, hahawakan mo lang iyan at makakakuha na sila ng kopya ng iyong ring spirit. Mas mainam kung gagamitin mo ang iyong pusa kaysa sa lotus." Nalaman ni Fei Yan lahat ng kailangan para sa enrollment. Wala na silang dapat pang ipag-alala maliban sa iniingatan nilang hindi malantad ang ring spirit ni Jun Xie.

"Nabanggit saakin ni Qiao Chu na ang itim na pusang iyon ay ring spirit mo din. Subukan mo." Ang pinanggalingan ng itim na pusa ni Jun Xie ay isa pa ring misteryo sa kanila at hindi na nagtanong si Fei Yan at Qiao Chu tungkol dito.

Tumango naman si Jun Wu Xie, nang makaalis si Fei Yan, nilagay niya ang kaniyang kamay sa kristal. Ang hindi gaanong klarong larawan ng lotus ay lumabas sa kristal, malabo iyon at halos hindi maklaro.

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie at may inilabas sa kaniyang cosmos bag. Isa iyong parang bolang kristal at ang kalahati noon ay may tubig ng Heaven's Spring kung saan naroon ang Snow Lotus.

Nang umalis sila sa Phoenix Academy, dinala niya ang Snow Lotus dahil dala niya rin naman ang Heaven's Flask, hindi siya gaanong nag-alala na mauubusan siya ng tubig ng Heaven's Spring.

Dahil wala sa katawan ni Jun Wu Xie ang Snow Lotus, malabo ang imaheng lumabas sa kristal, ngunit ang hulma ng bulaklak ay maaaninag pa rin.

Napagdaanan na ni Jun Wu Xie kung ano ang maidudulot sa kaniya pag nalamang mayroon siyang plant ring spirit. Ang mga mapa sa balat ng tao na nagpapakita ng kinaroroonan ng puntod ng Dark Emperor ay nanggaling sa pito sa Twelve Palaces. Ngayong maraming nakatuklas na mayroong mapa ssa Zephyr Academy, sigurado siyang natanggap ng mga ito iyon sa Twelve Palaces. Nagyeyelo ang mga tingin ni Jun Wu Xie. Maaaring may sikretong ugnayan ang Zephyr Academy sa isa sa Twelve Palaces.

Naiintindihan ni Fei Yan ang panganib na iyon kaya naman dinala agad nito ang kristal kay Jun Wu Xie para ito ay makapaghanda.

Gagamitin nito ang itim na pusa sa halip na ang kaniyang totoong ring spirit. Hindi pa iyon nasusubukan ni Jun Wu Xie noon. Itinuon niya ang kaniyang spiritual power sa kaniyang mga kamay. Nang muling ilagay ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay sa kristal, naglaho ang malabo ng imahe ng lotus at napalitan ng imahe ng pusa.

Ilang sandali lang iyon, ngunit halos mauubusan siya ng hininga dahil sa ginagol niyang konnsentrasyon.

Coma pa rin ang kaniyang itim na pusa at ang espiritu nito ay halos mauubos na. Hindi na nangahas pa si Jun Wu Xie na istorbohin ang pusa at ginamit niya na lang iyong panakip butas. Ang kaniya mismong espiritu ay nasa hindi maayos na estado kaya naman sa kaunting ginawa niyang iyon ay halos maubos ang kaniyang soul power.

Nagsuot siya ng pekeng replica ng singing sa kaniyang daliri at sumandal siya sa upuan, naghahabol ng hininga.

Kinaumagahan, tumungo si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasamahan sa Zephyr Academy. Dahil sa napakaraming tao, nagdesisyon silang maghiwa-hiwalay.

Wala pa gaanong tao ang nasa pintuang daan nang sila ay dumating dahil masyado pang maaga. Silang lima ay nagkaniya-kaniya nang pila dala ang mga cheke. Nagpunta si Jun Wu Xie sa isang istasyon kung saan sa likuran niya ay may isang lalaking tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Maya-maya lang ay naglabas ito ng kristal at pinakita iyon kay Jun Wu Xie.

Hinawakan naman iyon ni Jun Wu Xie at inilabas ang kaniyang soul power doon. Agad namang may lumabas na imahe ng pusa sa kristal at tinitigan siya: "Beast Spirit...Sandali!"

Parang may napansin ang lalaki at nawala ang bagot na tingin nito. Nagdududa itong tumingin sa imahe ng pusa sa kristal at nang tumingin ito kay Jun Wu Xie, para itong may hinahanap.

"Ipasok mo sa kristal na ito ang iyong spiritual power." May inilabas na isa pang kristal ang lalaki at inilagay sa harapan ni Jun Wu Xie.

Chapitre suivant