webnovel

Mga Hangin ng Pagbabago (Pang-apat na Bahagi)

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi malilimutan ang gabing ito, maraming matataas ang ranggo at heneral, na arogante, ay pilit na hinatak mula sa kanilang mga tirahan at palasyo ng hukbo, umiiyak at umuungot.

Ang mga gwardya at mga mersenaryo ay walang laban sa mga sunadlo ng Rui Lin, na pumatay sa sino mang sumubok na pumigil sa kanila.

Ang amoy ng kamatayan at dugo ay kumalat sa Imperyal na Lungsod. Ang mga opisyal at heneral na tumanggi ay pinilayan at kinaladkad pabalik sa pintuan ng palasyo, nakabuntot ang kanilang dugo.

Kapangyarihan? Kalakasan?

Wala lang ito sa hukbo ng Rui Lin.

Pati ang Emperador ay hindi gumagamit ng kawalang-pusong mga paraan sa maraming opisyal, ngunit hindi ito inisip ng hukbo, na hindi pinapansin ang pagmamakaawa ng mga nahuli, nasa isip lang ang mga utos ni Jun Wu Xie.

Pag may utos na binigay, tutugunin ito ng hukbo hanggang kamatayan!

Walang makakapigil sa hukbo at patuloy lang ang patayan sa hina ng mga lumalaban.

Parami ng parami ang mga opisyal na ginagapos at pinapadala.

Hindi nila inakala, sa kanilang ranggo at kapangyarihan, na makakaranas sila ng kahihiyan at pagtratong ganito.

Ang kalupitan ng pinakamataas sa hukbo ng Qi na kapag linabanan, ay makakapagpaiyak sa pinakamalalakas na mga lalaki.

Nakatayong kalmado si Jun Wu Xie, ang hangin sa kanyang likod, nakatingin siya sa Emperador.

Kumapal ang alikabok gawa ng isang kabayong may dalang opisyal na tumigil sa tabi niya. Umuungol na parang isang baboy na kakatayin, binato sa sahig katabi ang halimaw.

Nakilala ng Emperador ang lalaki, ito ang lolo ng pangalawang prinsipe sa kanyang nanay. Bago ang pagbagsak ng pamilya ng emperatris, nakatanggap siya ng pagkiling mula sa Emperador, isa siya sa mga utusan ng Emperador, at malaki ang ganap niya sa pagpapatahimik sa Palasyo ng Lin, katulong ang ngayong patay na na Wu Wang.

Nang makita ang pagtrato sa kanyang lolo, sumigaw si Mo Xuan Fei, namumula ang mga mata: "Jun Wu Xie! Pakawalan mo ang aking lolo! Kailan mo ititigil ang kabaliwang ito?! Alam mo ba kung ano ginagawa mo?!"

Wala na siya sa sarili niya! Hinuli niya ang kanyang biyenan sa Imperyal na Pamilya!

Sinulyapan ni Jun Wu Xie ang tumatalong Mo Xuan Fei, linampasan si Mo Qian Yuan na nakatayo rin sa gitna ng mga taong nanonood.

Nag-init si Mo Qian Yuan sa nakikita niya, kumukulo ang kanyang dugo. Tinitigan niya si Jun Wu Xie, may apoy sa kanyang mga mata.

"Patayin." Utos ni Jun Wu Xie, nakatitig parin kay Mo Xuan Fei.

"HUWAG!" Sinigaw ni Mo Xuan Fei.

Tinaas ni Long Qi ang kanyang espada, at sa isang kilos, dalawa na ang lolo ni Mo Xuan Fei na nasa sahig.

Nawisikan si Jun Wu Xie ng maligamgam na dugo.

Ang dugo ng kinamumuhiang kontrabida, ay nagmantsa sa laylayan ng damit ni Jun Wu Xie. Ang maligamgam na dugo, tila isang sumpa, ang naggatong sa uhaw niya sa dugo.

"Nasiraan na siya! Mga Gwardya! Huliin niyo siya ngayon na! Pinatay niya ang isang Opisyal sa Korte sa harap ng publiko!" Sumigaw si Mo Xuan Fei, malapit na ring masiraan, nang makitang patayin ang kanyang lolo sa harapan niya. Linabas niya ang kanyang espada at tinuro ito kay Jun Wu Xie, hindi maintindihan ang sinisigaw.

Ang sagot lang sa kanyang mga palakat,, ay ang hiyaw ng malamig na hangin.

Walang nagsalita sa taas ng pader, nakatitig lang kay Jun Wu Xie, takot sa kanilang mga mata.

Pati rin ang hukbo ng Yu Lin.

Chapitre suivant