"Gutom na ako." Sa ngayon, ang tanging layunin ni Jun Wu Xie ay ang agarang paggaling. Hindi siya mapapanatag hangga't nasa pangangalaga siya ng mga mapag-panggap na manggagamot na iyon.
Iniwan ni Jun Wu Yao ang dalaga sa pangangalaga ng mga tagapaglingkod at tahimik na umalis.
Sa kabilang banda, matapos lisanin nina Bai Yun Xian at Mo Xuan Fei ang Tahanan ng mga Lin, patuloy pa rin ang pagsasawalang-kibo at pagka-inis ni Bai Yun Xian sa kabila ng panunuyo ng binata.
"Sino ba siya sa inaakala niya? Kung hindi ikaw ang humiling sa akin, sa tingin mo ba aapak ako sa lugar na 'yon?" Sumpong ng dalaga, napapakagat sa labi sa sa kainisan. Bilang alagad ng Soberano ng Angkan ng Qing Yun, hindi biro ang bilang ng mga taong naghahangad magpagamot sa kaniya. Gayunpaman, sa kahilingan ni Mo Xuan Fei, sa kabila ng kaniyang pag-aatubili, ay pinagbigyan niya pa rin ito. At ang kinalabasan? Pinagtabuyan siya! Kailanman ay hindi niya naranasan ang ganitong klaseng kahihiyan.
"Yun Xian, bakit mo pa kailangang sayangin ang lakas mo para lang sa patapon na 'yon?" Hikayat naman ng binata.
"Kahit na sino pa siya, isa ka pa ring Prinsipe ng isang kaharian! Ang pagpapakumbaba mo sa harapan ng iba… ikaw…" Ismid ni Bai Yun Xian.
Namula sa kahihiyan si Mo Xuan Fei.
"Huwag ka nang magalit. Sisiguraduhin kong ipaghihiganti kita." Ang mapalubag ang loob ng dalaga ang kaniyang tanging layunin sa kasalukuyan.
At parang isang himala, nang marinig ng dalaga ang mga salitang iyon, bahagyang umalwan ang pakiramdam ng ni Bai Yun Xian.
"Huwag mong kalilimutan ang pangakong mong ito." Sagot niya habang nakatingin sa binata.
"Asahan mo, hindi ako nangangako na hindi ko tinutupad." Napahinga ng maluwag si Mo Xuan Fei.
At upang maaliw ang dalaga, naglakbay sila palabas ng bayan para mamasyal sa halip na bumalik sa palasyo, sakay ng isang karwahe kasama ang isang pangkat ng mga guwardiya. Nagpasiya lamang silang bumalik sa bayan ng masilayan na niya ang ngiti mula sa dalaga matapos mapanood ang paglubog ng araw sa sikat na 'Sea of Flowers'.
Sa kanilang pagbabalik, sa karwahe ay hawak-hawak ni Mo Xuan Fei ang mga kamay ni Yun Xian habang nakasandal sa bawat isa.
At dahil sa bilis ng kanilang takbo, halos mahulog sila sa labas ng karwahe nang bigla itong huminto.
"Bakit kayo huminto!" Singhal ni Mo Xuan Fei.
Ngunit walang sagot na narinig.
Nang lumabas siya updang pagsabihan ang mga tauhan, makikita ang ang hugis ng taong tahimik na nakatayo sa harapan ng kaniyang mga tauhan. Nagtatago sa kadiliman. Hindi maaninag ang mukha sa kabila ng liwanag na nanggagaling sa mga sulo.
"Sinong nandiyan?" Tanong ni Mo Xuan Fei. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-iingat. Sa pagkakataong ito ay bumaba na rin sa karwahe si Bai Yun Xian.
Alistong nakatuon ang kaniyang pangkat sa estranghero nang makita nilang bahagya nitong binuksan ang kamay, at biglang itinikom ang mga kamay.
Noon di'y sabay sabay na sumabog ang mga katawan ng kaniyang mga tauhan, nagkalat ang mga dugo sa bawat dakong kaniyang masdan.
"Aaahhhhh!" Hiyaw ni Bai Yun Xian nang makita ang talsik ng dugo sa kaniyang magandang kasuotan.
Nahulog ang lahat ng kanilang mga sulo. Ang kanilang paligid ay nagmistualng pader ng apoy. Sa gitna makikita ang dalawang nag-uumoukan at takut na takot.
"Sa kasamaang palad, hindi ako isang mahinahong tao." Bulong niya sa ilalim ng liwanag ng buwan, habang pinapanood ang naglalagablab na apoy.