webnovel

“Uninvited Guests (2)”

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa bulwagan ng Palasyo ng Lin, inihahanda ang tsaa para sa mga panauhin.

Kasalukuyang humaharap ngayon sa mga panauhin ay isang matipunong lalaki, nakadamit ng bughaw, edad ay nasa tatlumpu. Nakalulungkot lang isipin na ang magandang lalaking ito ay isang lumpo. Siya ay walang iba kundi si Jun Qing, ang bunsong anak ni Jun Xian, at tiyuhin ni Jun Wu Xie.

Sa kaniyang kanan ay isa pang matipunong lalaki at ramdam sa kaniya ang pagiging mapagmataas. Suot ay dilaw na brokeyd na gawa sa seda. Sa tabi nito ay isa namang dalaga, nakabihis ng puti, at makikita ang kagandahan at kahinhinan nito.

"Paumanhin Kamahalan sa inyong pag-iintay dahil hindi pa ganap na magaling si Wu Xie kaya siya natatagalan." Magalang na sabi ni Jun Qing sa ika-lawang Prinsipe.

Tumango lang ang ikalawang Prinsiper na parang hindi nababahala. Ngunit kahit na si Mo Xuan Fei, ang ikalawang Prinsipe, ay ang nakatakda para kay Jun Wu Xie, ito pa lang ang unang pagkakataon nitong bumisita kay Wu Xie. Bukod pa rito ay may kasama pa itong ibang babae.

At dahil dito, likas para kay Jun Qing na makaramdam ng hindi maganda ukol ditto.

Maya-maya pa ay dumating na rin sa bulwagan si Jun Wu Yao.

Ang tila walang pakialam na si Mo Xuan Fei ay biglang napakunot ng noo sa nakita.

Maituturing na isa sa mga pinakamatikas na lalaki sa buong Kaharian ng Qi si Mo Xuan Fei, ngunit ngayon, si Jun Wu Xie na kaniyang nakatakda, ay akay-akay ng isang ginoong higit na mas matikas pa sa kaniya.

Dahil hindi pa tuluyang magaling ang dalaga at kasalukuyan pang nagpapagaling, ang kaniyang dating mala-rosas na mukha, ngayon ay maputla, na tila isa pa lamang na namumukadkad ba puting lotus. Tahimik na naka-akap sa isang di kilalang lalaki. Ang kaniyang dating mapagmataas na kilos ay napalitan ng kariktan at kapinuhan sa kilos.

Hindi lingid sa kaalaman ng buong kaharian na hindi gusto ni Mo XUan Fei si Jun Wu Xie. Ang napagkasunduang kasal ay dahil lamang sa takot na sumalungat kay Lin Wang sapagkat siya pa rin ang lubos na may hawak ng kapangyarihan ng Hukbo ng Rui Lin.

Ngunit sa hindi ibig sabihin nito na masaya ni Mo Xuan Fei na makitang pinipindeho siya nito.

"At siya naman si?" Pasimangot na tanong ni Mo Xuan Fei.

"Siya si Jun Wu Yao, kapatid ni Wu Xie." Agad na safot ni Jun Qing.

"Ano?!" Mas malalang pahiwatig ni Mo Xuan Fei. Nag-iisa lamang ang ikatlong salin-lahi ng Tahanan ng Lin, saan nanggaling ang Jun Wu Yao na ito?

Nangangahulugan ba itong matagal nang may pagaalinlangan sa emperyo si Lin Wang kung kaya't itinago niya ang mahalagang impormasyong ito? Patuloy na pagtataka ni Mo Xuan Fei.

"Kamahalan, Si Wu Yao ay isang ulila na kinupkop at inaruga ni ama. Lumaki siya sa labas ng tahanan ng Lin. Ngunit dahil malubhang nasugatan si Wu Xie, at maging ang kalusugan ni ama ay hindi maganda, napagpasiyahan naming na ipatawag si Wu Yao upang alagaan siya." Sagot ni Jun Qing.

Napahinga ng maluwag si Mo Xuan Fei nang malaman nitong hindi sila magkadugo. Dahil casual glancemula pa noong umpisa, wala na siyang pakialam kay Jun Wu Xie.

Dahan-dahang umupo sina Jun Wu Yao at Jun Wu Xie sa kanilang upuan. Tiningnan ni Wu Xie ang isa pang pares na nakaupo at palihim na umismid. Batid niyang ito ang lalaking bumighani sa tunay na Wu Xie, ngunit wala siyang alaala patungkol sa babaing katabi nito.

"Napagalaman ng Kamahalan na lubhang nasaktan si Wu Xie, kung kaya't nagpadala siyang ilang mga gamot na maaari niyang inumin pampalakas. Mangyaring naririto si Yun Xian kung kaya't inanyayahan ko na rin siyang sumama upang matingnan na rin ang kaniyang natamong pinsala. Isang bihasa sa pangagamot si Yun Xian kaya mas mabuting masuri ka niya at matiyak ang iyong agarang paggaling." Ang kaniyang pananalita ay bumalik sa dati, ngunit sa tuwing nasasambit ang pangalan ni Yun Xian, tinititigan niya ito nang may giliw at malambing na sinasambit ang kaniyang pangalan.

Mga pagtinging inilalaan lamang ng isang binata sa kaniyang kasintahan.

Chapitre suivant