Natutuwa ang lahat sa Wandering Saint Palace nang malaman nilang si Duan Ling Tian ay naging Vice Palace Master na nila, subalit hindi sigurado si Duan Ling Tian kung paano siya tutugon kay Yuwen Hao Chen, ang Palace Master ng Wandering Saint Palace. Nakatayo lamang siya sa mansyon ni Lu Wei habang hawak ang kanyang Identity Token na binigay ng Palace Master.
Nakatitig lamang si Duan Ling Tian kay Yuwen Hao Chen habang naguguluhan. Parang kanina lang, inaatake siya nito, subalit ngayon biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, natural lamang na magulat siya. Hindi lamang siya binigyan ni Yuwen Hao Chen ng Identity Token, subalit gumawa pa ito ng isang anunsyo sa buong Wandering Saint Palace na si Duan Ling Tian ay isang Vice Palace Master na.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com