Si Yang Wen na nauuna at si Duan Ling Tian na nakasunod sa kanya ay magkasunod na pumasok sa Palace of Death.
Matapos nilang pumasok sa Palace of Death, isang arena sa may malayo ang nakita ni Duan Ling Tian.
Mayroong sakop na malaking lugar ang arena. Bukod sa lugar kung saan nakatayo si Duan Ling Tian, ang tatlo pang bahagi ng arena ay mga upuan ng mga manonood na, ang mga upuan na ito ay para bang mga hagdan. Subalit, sa ngayon, walang mga tao rito.
Makikita sa malawak na arena na ito ang kaunting manstsa ng dugo.
Malinaw na ang mga mantsa ng dugo na ito ay ang mga natira mula sa mga naunang laban.
"Ito ay ang Death Arena?" Nanliit sa sandaling ito ang mga mata ni Duan Ling Tian.
Ang Death Arena ay ang lugar na inilaan ng Palace of Death para sa dalawang disipulo ng Saint Land na pumirma sa Death Pact. Sa pagitan ng dalawang tao na pumasok sa arena, iisa sa kanila ay nakatadhanang mamatay.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com