"Mamatay ka!"nang malakas na sigaw ni Gu Long, nagpipigil ng paghinga ang mga disipulo ng Black Turtle Sanctum na nasa lugar habang pinanonood ang pangyayari sa kanilang harapan.
Nakatayo doon ang isang binata kung saan patungo ang ulan ng espada.
Ang kanyang silweta ay tila madaling masira, tila ba ito ay babagsak na anumang oras.
"Golden Crow's Wings!" Nang makitang patungo sa kanya ang ulan ng mga espada sa napakabilis na paraan, pag-ingat ang umiral sa puso ni Duan Ling Tian. Kasabay nito, bumulong siya sa kanyang sarili.
Sa isang iglap, ang Sun Saint Energy na pinalakas ng kanyang Elementary Devouring Tactic ay nagbagong-anyo at naging pares ng malalaking pakpak.
Ang mga ito ay lubhang mas malalaki sa kanyang inilabas kanina lamang. Hindi lang iyon, ang nagbabagang apoy sa mga ito ay mas nagliliyab nang husto.
Mas kahindik-hindik na bagay ang sumunod. Habang nagliliyab ang pares ng mga pakpak ay pumapagaspas ang mga ito, sa isang iglap -
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com