"Sino ka?" Hawak ng isang nasa katamtamang gulang na lalaki , ang kaluluwa ni Zheng Lin ay halos nangangatog nang may takot. Hindi niya nagawang makatakas nang matagal dahil pinigilan siya ng taong ito.
Ang lakas ng taong ito ay lumalagpas sa kaniya. Siya ay malamang nasa tuktok ng Paramount Mortal Shedding Stage o parang gano'on.
Ngunit ang nasa katamtamang gulang na lalaki ay hindi siya ginulo. Subalit, tinigniyan nya si Duan Ling Tian at ngumiti. "Duan Ling Tian, iiwan ko na sa iyo ang taong ito."
Sa sandaling lumabas ang mga salita na ito sa bibig niya, itinapon ng nasa katamtamang gulang na lalaki si Zheng Lin papunta kay Duan Ling Tian.
Noong itinapon si Zheng Lin ng nasa katamtamang gulang na lalaki, sinubukan niya ulit tumakas sa parehong paraan noong medyo napalaya siya sa pagkabihag.
Ngunit, kaya ba niya gawin iyon?
Swish!
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com