Nang makitang si Duan Ling Tian at ang dalawa pang iba ang siyang namuno sa pagpasok sa lambak, dalawang hindi gaanong katandaang lalaki na nakapilak na baluti ang siyang sumunod habang ang iba naman ay nanumbalik na ang kanilang kamalayan.
'Sa proteksyong mayroon ang 36 Guardians, hindi na natin kailangan pang mag-alala tungkol sa pagkamatay.' Sa pagkakataong iyon, wala nang kahit sino ang nag-aalangan.
"Hmph!" Ang mga mata ni Zheng Jian ay napupuno ng malamig na guhit. Sunod, lumipad siya patungo sa lambak habang nangangako sa kanyang puso, 'Duan Ling Tian, isipin mo na lang na maswerte ka!'
Alam niyang imposible para sa kanya na patayin si Duan Ling Tian habang ang pagsusulit ay nagaganap lalo na at may 36 Guardians na nakabantay sa kanila mula sa dilim.
Matapos pumasok ni Zheng Jian, isa pang hindi gaanong katandaang lalaki na nakapilak na baluti ang siyang humabol sa kanya.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com