"Young Master, may naulinigan ako na kawili-wili."
Ang matandang lalaki ay mabilis na iniba ang paksa pagkatapos makita ang Young Master na nagsimulang alalahanin ng malungkot ang nakaraan.
Ang naka-abo na batang lalaki ay walang iba kundi ang First Young Master ng Lu Clan, si Lu Song.
Ang nagbabagang tingin ni Lu Song ay napunta sa matandang lalaki bago siya nagtanong sa mababang boses, "Kaugnay ba ito kay Duan Ling Tian?"
"Opo." Tumango ang matandang lalaki.
"Magsalita ka," sinabi ni Lu Song.
"Ngayong araw, ang Clan Leader ay nag-alok ng gantimpala sa sinuman sa Norther Mountain Land at Southern Outer Land ang makakapagbigay sa kanya ng mahalagang bagay," sinabi ng matandang lalaki.
"Isang gantimpala? Paano maiuugnay ang gantimpala mula sa Clan Leader kay Duan Ling Tian?" Tinanong ng nakakunot ang noo ni Lu Song.
"Paano kung si Duan Ling Tian ang nag-aalok ng gantimpala?" Tinanong ng matandang lalaki.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com