"Tito, si Duan Ling Tian lang siya. Hindi mo siya mapatay? Noon, sumikat siya sa Martial Competition ng Sampung mga Dynasty na isinagawa natin, ng Skywolf Fort. Subalit, tinalikuran niya tayo upang sumali sa Blade Sect. Bwiset!" Hindi inaasahan ni Luo Jin na ang taong sumira sa kanyang cultivation ay si Duan Ling Tian. Hindi niya napigilan ang agad na mangalit ang kanyang mga ngipin dahil sa galit.
Pamilyar na siya kay Duan Ling Tian.
"Likas na nais ko rin siyang patayin! Subalit, isang aspeto lamang ang alam mo sa usaping ito at wala ka ng alam sa iba... Ang dahilan para rito ay mahabang istorya. Sa kabuuan, kayong lahat ay kinakailangan na isipin na ang nangyari ngayon ay hindi nangyari." Malungkot din si Luo Fu sa kanyang puso, ngunit siya'y nag-aalala tungkol sa nakatagong powerhouse na tinutulungan si Duan Ling Tian. Dahil sa powerhouse na ito kaya hindi niya inatake si Duan Ling Tian.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com