"Tulad ng inaasahan!" Hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na huminga nang malalim.
Ang hindi magawang magamit ang soul skill, ang Thousand Illusions, ay nangangahulugan din na maaari lamang siyang umasa sa kaniyang lakas upang kalabanin ang ibang mga batang henyo sa walang nakakaalam na Illusory Purgatory na ito.
Kapag gamit ang soul skill, ang Thousand Illusions, si Duan Ling Tian ay hindi natatakot sa kahit na sino sa mga batang henyo mula sa sampung mga Dynasty.
Ngunit ang problema ay hindi niya magawang magamit ang kaniyang soul skill ngayon.
Maliban sa 'di niya alam ang kakayahan sa karamihan ng mga batang henyo mula sa sampung mga Dynasty, ang cultivation lamang ng Crown Prince ng Darming Dynasty, si Lu Yong, na pinakita kanina ay nagsanhi sa kaniya na magulat nang todo.
Ikatlong antas ng Void Interpretation Stage!
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com