"Walang gamot upang ganap itong gamutin?" Ang mukha ni Duan Ling Tian ay naging madilim nang marinig niya ang Patriarch ng Tang Clan.
Sa ilalim ng matindi niyang galit, ang isipan ni Duan Ling Tian sa halip ay naging mas malinaw. "Paano ko nalimutan ang tungkol sa Spirit Cleansing Pill... Gamit ang Spirit Cleansing Pill, kailangan ko pa rin ba ang gamot ng Tang Clan?"
Sa isang iglap, umayos si Duan Ling Tian, at ang kaniyang mga mata ay ganap na naging madilim nang muli siyang tumingin sa Patriarch ng Tang Clan.
"Xue Nai." Tawag ni Duan Ling Tian nang may mahinang tinig.
Sa sandaling natapos magsalita si Duan Ling Tian, si Han Xue Nai ay muling umatake, iginuhit niya ang kaniyang kamay, nagsasanhi sa napakalamig na hangin na muling kumalat.
Whoosh!
Bago pa man magkaroon ng reaskyon ang Patriarch at mga nakatataas ng Tang Clan, ang malamig na hangin ay bumalot na siila, ginagawa silang maraming mga yelong iskultura.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com