Ang batang lalaki na ito na nagpapanggap bilang isang inner court disciple ng Seven Star Sword Sect ay mas gugustuhing mabali ang kanyang mga binti kaysa makatanggap ng kahihiyan?
"Tapos na ang oras!" Nakaupo si Zhao Lei sa Ferghana Horse at nakatingin pababa kay Duan Ling Tian na may halong walang awa ng ekspresyon at ang kanyang mga mata ay kumislap ng masamang kintab. "Bata, ito ang iyong desisyon… Dahil ayaw mong tanggalin ang iyong damit at pumasok sa siyudad ng naka damit pangkaarawan. Ngayon, lulumpuhin ko ang iyong mga binti at pagagapangin ka sa loob ng siyudad!" Sa oras na matapos siyang magsalita, kumilos na si Zhao Lei.
Whoosh!
Ang kanyang katawan ay nanginig at tila ba naging agila na sumugod papunta kay Duan Ling Tian, tulad ng agila na kukunin ang sisiw...
Ang mga nanonood sa paligid ay lumayo dahil sila ay lubhang natatakot na madamay.
Hindi sila nag lakas-loob galitin ang isang tao na galing sa Seven Star Sword Sect.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com