Pagkatakot ang nangibabaw sa puso ng batang lalaki na may suot na asul.
"Xiong Quan, patayin mo ang matandang ito!" Biglaan, tumingin si Duan Ling Tian sa matandang lalaki na nakalutang at mabilis na nagsalita sa boses na may halong bakas ng lamig, boses na walang laman na emosyon.
Kaya niyang isipin na kung wala si Xiong Quan sa kanyang tabi, napatay na siya ng matandang lalaki kanina!
Sa oras na nawala sa kanyang paningin ang matandang lalaki, muntik na siyang hindi makahinga dahil sa kagustuhang pumatay na umatake sa kanyang mukha.
Hindi niya na ulit gustong maranasan ang pakiramdam na iyon sa kanyang buhay.
Hindi maganda sa pakiramdam!
"Opo, Young Master." sumagot si Xiong Quan at malamig na ilaw ang lumitaw sa kantang mga mata, at sa pagtaas niya ng kamay, isang ispada na tatlong talampakan ang haba ang lumitaw sa kanyang kamay.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com