webnovel

Su Tong

Éditeur: LiberReverieGroup

Nanginig si Xiao Xun, at isang mapait na ngiti ang walang malay na lumitaw sa mga sulok ng kaniyang bibig nang siya'y magsalita.

Hindi naman siguro, 'di ba?

Ang tao na nagugustuhan ng kapatid ni Xiao Yu ay si Duan Ling Tian?

Kung ibang tao pa iyon, baka may kumpiyansa pa siyang makipagkumpitensya… ngunit kung si Duan Ling Tian ito, alam niya ang kaniyang mga limitasyon.

Ilang milya ang layo niya kay Duan Ling Tian at ang ipagkumpara ang sarili niya ay tulad rin ng pagbibigay ng kalungkutan sa kaniyang sarili.

"Anong tinitingnan niyong dalawa sa akin?" Iniisip pa rin ni Duan Ling Tian ang tungkol sa nangyari kasama ang Third Prince, at nang makabalik siya sa kaniyang sarili, napansin niya sina Xiao Yu at Xiao Xun na nakatitig sa kaniya. "May dumi ba sa mukha mo?"

Malamang ay hindi narinig ni Duan Ling Tian ang usapan nina Xiao Yu at Xiao Xun kanina.

"Wala." Nakangiting umiling si Xiao Xun. "Tara, kain tayo."

Chapitre verrouillé

Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com

Chapitre suivant