Matapos makipaghiwalay kina Xiao Yu at Luo Qian, nagpasa si Duan Ling Tian ng ilang silver coins kay Xiong Quan at sinabi sa kaniya na manatili sa isang inn, pagkatapis ay bumalik siya nang mag-isa sa lugar ng Li Clan.
"Duan Lig Tian?" Sa daan, ang lahat ng mga disipulo ng Li Cla ay nakita siya na tila nakakita sila ng isang multo.
Bumalik na si Duan Ling Tian?
Diyos ko! Nakabalik talaga siya mula sa mala-demonyong Genius Camp!
Ang buong lugar ng Li Clan ay nabigla nang matagal.
Ang usapin ng pagpasok ni Duan Ling Tian sa Genius Camp ng Iron Blood Army ay matagal nang kumalat sa buong Li Clan, at kaya maraming tao ang may alam tungkol dito.
Gayunpaman, hindi nila kailanman naisip na makababalik nang buhay si Duan Ling Tian.
Alam nilang lahat ang ibig sabihin ng pagbalik nang buhay… ibig sabihin nito na nakuha ni Duan Ling Tian ang kwalipikasyon upang makapasok sa Paladin Academy!
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com