Dumating sila sa Li family estate.
"Young Master, dahil ginawa mo iyon sa miyembro ng pamilya Fang… walang mangyayari, tama?"
Nang tumingin ang dalagita sa batang katabi niya, ekspresyon ng pag-aalala ang lumitaw sa musmos at maselan nitong mukha.
"Ke Er, huwag kang mag-alala; walang mangyayari. Nakita mo ang naganap. Hindi ko iyon kasalanan; Kung hindi niya ako pinilit sa pamamagitan ng pagsasabi na papatayin niya ako, hindi ko magagawang patayin siya."
Umiling ang bata at tumawa.
Bilang isang respetadong Weapon Specialist sa kanyang nakaraang buhay, nagtakda siya ng sarili niyang pamantayan:
Kung hindi ako sasaktan ng sinuman, hindi ko rin siya sasaktan!
Pero kung may manakit man sa akin, ay ibabalik ko ito ng sampung beses, ilang daang beses o kahit isang libong beses man!
Noong oras na pinagbantaan siyang patayin ni Fang Quan, sa paningin ni Duan Ling Tian ay isa ng bangkay si Fang Quan.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com