Maingat na inusisa ni Luo Feng ang mga grupo. Malaki ang isang grupo habang ang isa ay may mas kaunting mga undying. Ang panig ng automaton ay may dalawa pang mga kilalang automaton fighters na nakasuot ng itim na armor habang ang iba ay sama samang nagkukumpulan. Mahahalatang magkakaiba ang kanilang mga posisyon.
"Sayang lang dahil wala akong alam sa kahit sinong fighter mula sa dalawang panig na ito" Maraming fighters ang pinagaralan nang husti ni Luo Feng kaya marami na siyang mga kilalang fighter sa Yan Ji continent.
Para naman sa star tower…
Nasa daan daang libo ang mga emperor dito mula sa iba't ibang kampo, kaya hindi naging madali ang pagbabasa sa impormasyon ng mga ito.
"Sa kabilang banda." Napalingon si Luo Feng para tumingin.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com