Karamihan sa mga Core disciple ng Ten Thousand Sacred Clan ay mga disipulo ng mga Hari, at ang estado nila ay mas mataas sa mga normal na Central disciple.
Kilala ni Zhao Feng ang dalawang Core disciple na ito. Ang isa sa mga ito ay pinuno ng grupo noon, si Senior Martial Guang Tian, at ang isa nama'y isang payat na lalaki na may mapupungay na mata na mayroong matalim na aura, at ang cultivation nito ay naabot na ang half-step Origin Core Realm.
"Senior Martial Brother Huang Yunhu, siya ang pilyong bata na nilapastangan ang mga Hari," saad ng may katabaang binatang si Wang Yuan.
Noon, ang sinabi lamang ni Zhao Feng ay hindi niya ipagbibili ang Yinming Bird kahit pa sa Hari. Dinagdagan lamang ni Wang Yuan ang kwento, tulad ng, "Ni hindi man lang niya pinansin ang mga Hari."
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com