webnovel

Tuloy-tuloy na Pagpaslang sa mga Kings

Éditeur: LiberReverieGroup

"Zhao Feng, tutulungan natin ang Cold Moon King. Maaari bang maging mas seryoso ka sa paparating na labanan."

Dahil sa sinabi ng lalaking mayroong gintong buhok si Zhao Feng ay naiilang na tumango. Sa labanang naganap ngayon-ngayon lang, sinusubukan lamang niya ang kaniyang mga skills at nag-iisip kung paano niya gagamitin ang kaniyang spatial domain at God Lighting Tribulation sa halip na magtuon sa talagang pagpatay ng laban, o kung hindi ang kanilang pinagsamang puwersa ay mayroong 70-80% na tsansang mapaslang ang Metallic Turtle King.

"Tara na't sagipin natin ang Cold Moon King," naging isang guhit ng gintong liwanag ang lalaking mayrooong kulay gintong buhok at lumipad patungo sa kaniyang direksyon.

Shua!

Isang pares ng Wings of Wind ang Lightning ang pumagaspas sa likuran ni Zhao Feng, at madali siyang nakahabol sa lalaking mayroong gintong buhok.

"Zhao Feng, mas mabilis ka. Dalian mo at sagipin mo muna ang Cold Moon King," mabilisang binigkas ng lalaking mayroong gintong buhok. Kahit na siya ay ngumingiti at malakas ang loob kapag nariyan ang Cold Moon King, minahal niya siya mula sa pinakailalim ng kaniyang puso, at alam niya na ang Wind Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay nagbigay sa kaniya sa kaniya ng bilis na mas higit kaysa sa sarili niya.

"Sige," mariing tiningnan ni Zhao Feng ang lalaking mayroong kulay gintong buhok na mayroong respeto. Dahil sa kaniyang sinseridad at bahagyang pagmamakaawa, hindi bibiguin ni Zhao Feng ang lalaking mayroong kulay gintong buhok. Kahit na kasasali pa lamang ni Zhao Feng sa puwersa ng Cold Moon King, ibibigay niya ang suportang kinakailangan niya.

"Lightning Wings Wind Flash!"

Isang arko ng kidlat ang kumislap sa limitless ocean, madaling nakalagpas sa lalaking mayroong gintong buhok.

Napakabilis!

Labis na nagalak ang lalaking mayroong gintong buhok. Kahit na siya ay isang Domain-level King, ang bilis ni Zhao Feng ay labis na mas higit kaysa sa kaniya.

"Zhao Feng, sa'yo na nakasalalay…" tumingin ang lalaking mayroong gintong buhok sa sinag ng liwanag na naglalakbay palayo nang palayo.

Dose-dosenang libong milyang layo, kung saan ang mga barko na mayroong iba't ibang laki ang nakikipaglaban sa limitless ocean:

"Cold Moon King, tingnan natin kung gaano ka katagal makakatiis," isang dominante at nakakalason na boses ang maririnig sa buong Kalangitan at Kalupaan nang magsagupaan ang mga Magnificent Powers.

Sa himpapawid sa taas ng limitless ocea, ang perpektong anyo ng Cold Moon King ay nagpadala ng isang malamig na sword-beams na parang liwanag ng buwan, bumubuo ng kasinglamig ng yelong mga ipo-ipo. Ang ipo-ipo ng espada at ng mga patalim ay bumalot sa lahat ng bagay na nasa loob ng sampung milya, pinupunit ang lahat habang hinaharangan din ang mga atake ng kalaban kasabay nito.

Isang siksik at maskuladong lalaki na mayroong itim na kalasag na may hawak na halberd ang naghiwa ng ilang matitingkad na arko. Sa tuwing gumagalaw ang halberd, isang madilim na domain-level na mga apoy ang sumasabog na parang mga bulkan.

"Hindi mapapantayan ang Dark Dragon King. Siya ang dapat na mamuno sa Eighteen Corners!" Pagpupuri ang maririnig mula sa mga pirata sa ibaba.

Ang bloodline at katawan ng Dark Dragon King ay hindi pangkaraniwan, at ginamit niya ang kaniyang halberd upang sapilitang mataasaan ang iba.

"Binibining Cold Moon, maging masunurin ka at maging reyna ka ng Dark Dragon King," isang elder na may suot na gray robe ang nagwagayway ng isang scarlet-golden na latigo at bumuo ng hindi mabilang-bilang na mga shadow-images ng mga dragon at ahas na humahawi sa anyo ng Cold Moon King.

Ang elder na ito ay isang Domain-level King, at kahit na ang battle-power niya ay hindi kasingtaas gaya ng sa Cold Moon King o kaya'y sa Dark Dragon King, ang kaniyang scarlet-golden na latigo ay sobrang nakamamatay, at marami siyang mga karanasan bilang isang tagasuporta.

Ang forte ng Cold Moon King ay bilis, espada, at mga patalim. Subalit, ang kaniyang bilis ay labis na napipigilan ng elder na mayroong kulay abong kasuotan, at ang Dark Dragon King ay mayroong malakas na kapangyarihan. Siya ay mayroon ding isang makapangyarihang bloodline inheritance na nagdudulot upang sakupin niya ang mga tao gamit ang nakakapanlulang puwersa. Ang Cold Moon King ay malalamangan kung ipapagpatuloy niya ang direktahang pakikipaglaban sa Dark Dragon King.

"Hehe, Dark Dragon King, huwag kang mag-alala, hindi na masiyadong makakatagal ang Cold Moon King. Natamaan na siya ng aking Soft Poisonous God Odor, na nakakaapekto sa kaluluwa. Kahit ang mga Peak-tier Kings ay mahuhulog dito kung hindi sila handa laban dito," tumawa ang elder na mayroong kulay abong roba, at hindi niya mapigilang mapalunok nang tumingin siya sa perpektong katawan ng Cold Moon King.

"Ano ang nangyayari, sa aking katawan…?" Nagsimulang pagpawisan ang noo ng Cold Moon King, at nakaramdan siya ng isang nakamamanhid na pakiramdam na bumabalot sa kaniyang katawan.

"Bastardo!" Sigaw niya. Nagawa niyang pigilan ang Soft Poisonous God Odor, subalit kumunsumo siya ng maraming enerhiya upang gawin ito. Sa loob lamang ng oras na upang makagawa ng tsaa, ang kaniyang paghinga ay mas bumilis.

"Cold Moon King!" Isang hindi gaanong katandang lalaking mayroong mahabang balbas sa baba ay puno ng pag-aalala.

"Hehe… ako ang kalaban mo," isang nakakabighaning matandang babaeng mayroong kulay lilang roba na nakasuot ng isang mahalay na damit ang nagpakita. Ang kaniyang cultivation ay nakaabot nasa middle-stage ng Void God Realm, at ang balangkas ng spatial domain ay lumitaw sa paligid niya.

Ang hindi gaano katandang lalaki na mayroong mahabang balbas ay nakatiim ang mga ngipin. Malaking problema para sa kaniya na labanan ang purple-robed na babae. Siya ay palaging nakadepensa, kaya't hindi niya matutulungan ang Cold Moon King.

"Long Beard, sumuko ka na. Ang Cold Moon King ay tinamaan na ng Soft Poisonous God Odor at dadakpin siya nang buhay ng Dark Dragon King sa loob lamang ng oras upang makagawa ng tsaa. Hehe.. ang lahat ng Pirate Kings ay laging nakatingala sa kagandahan ng Cold Moon King," gumamit ng mga salita ang purple-robed na babae upang mas pakabahin ang kaniyang kalaban, at tila ba mayroong lumalabas na apoy mula sa hindi gaano katandang lalaki na mayroong mahabang balbas.

Maghihintay ako sa pagdating ng aming mga kasamahan, upang kahit matalo ako, mayroon pa ring pagasa, naisip ni Long Beard.

"Tulong?" Tila ba alam ng babaeng nakasuot ng kulay lila kung ano ang kaniyang iniisip at nagsimula itong humagikhik, "Ang Metallic Turtle King ay hindi madaling matalo. Kung darating ang mga kasamahan mo, magiging huli na ang lahat."

Metallic Turtle King! Labis na nagbago ang ekspresyon ng hindi gaano katandang lalaki na mayroong mahabang balbas. Hindi niya inaasahan na sasali ang Metallic Turtle King sa panig ng Dark Dragon King.

Nagpatuloy ang laban, at ang mga puwersa ng Cold Moon King ay nagsimula nang malamangan. Bukod sa mga Void God Realm Kings, kahit ang kanilang mga barko ay hindi kasinglakas ng sa Dark Dragon Kings.

Matagal na itong pinagplanuhan ng Dark Dragon King, at nagdala siya ng maraming tauhan.

Ding! Ding! Peng!

Iwinagayway ng Cold Moon King ang kaniyang patalim at espada nang kumislap ang kaniyang perpektong katawan sa limitless ocean, subalit ang kaniyang paggalaw ay labis na napipigilan ng elder na mayroong kulay abong damit.

Ang mas malala pa ay pinataas ng Soft Poisonous God Odor ang pagkonsumo niya sa enerhiya, at hindi na siya kasingliksi o kasingbilis gaya ng kanina. Kung hindi para sa katotohanang ito, malamang ay nakatakas na siya kung hindi niya sila kayang tapatan, subalit ang tanging paraan na lamang ngayon upang makatakas ay ang paghihintay sa tulong mula sa mga kasamahan niya.

Makalipas ang kalahating oras na gugugulin upang makagawa ng tsaa, ang paghinga ng Cold Moon King ay labis na bumilis. Nababalutan na siyang pawis, at namamanhid na ang kaniyang mga binti. Mayroong isang hiwa sa kaniyang binti, nagpapakita ng kaniyang nakakaakit na binti.

"Kailangan ko siyang makuha nang buhay," hindi itinago ng Dark Dragon King ang kaniyang pagnanais.

Kaunting oras na lamang bago matalo ang Cold Moon King.

Shua!

Isang arko ng kidlat ang biglang lumitaw sa kalayuan.

"Iyon ay…!!?" Bigla itong naramdaman ng ilang mga Void God Realm Kings.

Isang pares ng Wings of Wind and Lightning ang dali-daling lumapit sa lugar na pinaglalabanan.

"Nandito na ang tulong!" Sigaw ng hindi gaano katandang lalaki na mayroong mahabang balbas.

Ang bagong dating ay si Zhao Feng, at hindi kalaunan nadismaya si Long Beard. Kung tutuusin, hindi naman isang Domain-level King si Zhao Feng, kaya't kahit na sumali siya, hindi niya mababaligtad ang sitwasyon.

"Mabilis siya, subalit hindi naman siya isang King."

"Hahaha… isa na namang taong sasalubong sa kaniyang kamatayan."

Nanatili muna ang lahat ng mga pirata ng Dark Dragon King bago sila magtawanan.

Lightning Wings Wind Flash!Naging isang kislap ng liwanag si Zhao Feng at pumasok sa labanan. Hindi niya agad-agad tinulungan ang Cold Moon King.

Shua!

Isang kislap ng liwanag ang tumira patungo sa babaeng nakakulay lila, at ang mga mata ng hindi gaano katandang lalaki ay nagliwanag. Kung magagawa nilang mapatay siya agad, ang dalawang King-level fighters ay maaaring sumuporta sa Cold Moon King.

"Hmph!" Malamig na humagikhik ang babaeng nakakulay lila. Hindi niya hahayaang gawin na lamang ng kaniyang kalaban ang nanaisin niya, at isang matamlay na kulay lilang liwanag ang lumitaw sa paligid niya. Narinig na niya noon ang bagong Pirate King na ito, at kahit na umasa siya sa suwerte upang mapatay ang Dark Snake King, tiyak na mayroon siyang skill. Kasabay nito, pinabilis ng Dark Dragon King at ng elder na mayroong kulay abong dami ang kanilang pag-atake.

"Mamatay ka na!" Si Zhao Feng ay mas mabilis pa kaysa sa inaakala nila nang buuhin niya ang isang Scarlet Destruction Blade sa kaniyang kamay at sumugod sa kaniyang kalaban.

Puno ng pangungutya ang babaeng nakalila. Napaghandaan na niya ang balangkas ng kaniyang spatial domain. Gusto mo akong tapusin agad? Imposible! Subalit sa sumunod na sandali, nanginig ang isipan ng babaeng nakalila, at siya ay napasigaw.

Illusion Maze Domain!

Isang mahamog na ilusyon ang pumuno sa himpapawid, at ang mga pandama ng babaeng nakalila ay labis na nahaharangan. Hindi niya makita kung saan aatake si Zhao Feng, at nagpakita siya ng kahinaan sa kaniyang pagkataranta.

Whoosh!

Isang malaking blade of Scarlet Destruction Wind Lightning ang pumasok sa kahinaan ng babaeng nakalila at humiwa ito paharap. Walang nakaramdam ng imortal at hindi namamatay na aura ng God Tribulation Lightning mula sa blade.

"Arghhh!" Sumigaw ang babaeng nakalila nang mahiwa siya sa dalawa at naging isang bungkos ng abo mula sa nasusunog na Wind Lightning. Ang kapangyarihan ng Scarlet Destruction Blade ay napakapino, at ang intent ng God Tribulation Lightning ay sumanib dito. Kahit ang kaluluwa ng babae ay nasunog sa kawalan.

"Ano!!!?" Ang mga mata ni Long Beard ay halos lumuwa na nang makita niya ang pagkamatay ng babaeng nakalila.

Sa isang galaw lamang ay nakapatay siya ng isang King. Nagdulot ito upang ang mga ekspresyon ng parehas na kakampi at kalaban ay labis na mabago.

"Paano…!?" Ang Dark Dragon King at ang elder na nakasuot ng abong dami ay natulala rin.

Shua!

Isang kislap ng liwanag ang kumaripas patungo sa alapaap sa itaas ng limitless ocean.

Napakabilis! Nawala na agad sa paningin ng hindi gaanong katandang lalaki na mayroong mahabang balbas si Zhao Feng.

Hindi nag-aksaya ng oras si Zhao Feng matapos paslangin ang babaeng nakalila nang dumeretso siya patuno sa dalawang Kings na nasa ere. Siya ay kasingbilis ng kidlat nang sumugod siya upang pumatay.

"Mag-ingat ka!" Sigaw ng Dark Dragon King. Isang sinag ng liwanag ang sumugod patungo sa elder na mayroong kulay abong damit na nagpipigil sa Cold Moon King.

Nanginig ang puso ng elder na nakaabong damit, at naramdaman niya ang pagkalat ng kalamigan sa kaniyang katawan sa oras na naging handa na siya.

"Lightning Wings Flying Technique!"

Ang liwanag ay nagpakawala ng isang arko ng kidlat na humiwa sa elder na nakasuot ng kulay abong roba.

Napakabilis!

Bago pa man makakibo ang elder na nakasuot ng kulay abong damit, ang kaniyang katawan ay nahati sa dalawa sa pamamagitan ng Scarlet Destruction Lightning Wings.

Hindi lamang ginamit ni Zhao Feng ang Lightning Wings Flying Technique, gumamit din siya ng Wind Lightning Wings Slash. Ang offensive techniques ng Wings of Wind and Lightning ay mas mabilis, mas matindi, at mas malakas. Dagdag pa rito, naglagay din si Zhao Feng ng intent ng God Tribulation Lightning sa kaniyang atake.

"Arghhh!" Sumigaw ang elder na nakasuot ng abo nang masira ang kaniyang pisikal na katawan. Ang kaniyang Yuan Soul, sa hugis ng isang matamlay na gintong tao, ay kumaripas sa ere kasabay ng kaniyang King intent. Subalit, bago pa man siya makatakbo ng dose-dosenang yarda, nakaramdam siya ng isang nakakatusok na kalamigang nakatutuok sa kaniya.

"Sky Locking Bow!"

Isang dark silver na pana ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng. Isang gintong palaso ang nabuo at napakawalan nang may Beng~! Sa pagtira nito sa alapaap.

Boom!

Mabilis na tumagos ang gintong palaso sa Yuan Soul ng elder na nakasuot ng kulay abong roba.

Chapitre suivant