webnovel

Ang Pag-amin ni Zhao Feng ng Pagkatalo

Éditeur: LiberReverieGroup

"Maglaban?"

Muntik nang malaglag si Zhao Feng.

Ibang-iba ang kasalukuyang Zhao Yufei na ito kaysa sa dati. Kaya ng Spiritual Race bloodline niyang sirain ang pagkakaiba sa cultivation, kung kaya pwede niyang hamunin ang isang King. Para ba itong isang milagro.

Kakakita lang ni Zhao Feng ng laban gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang lakas nina Nan Gongsheng at Zhao Yufei ay ay ilang beses na mas higit sa lakas na mayroon si Zhao Feng bago siya natulog.

"Ano, ayaw ni Zhao Feng?"

Pang-aasar ni Zhao Yufei habang nakangiti.

Umikot ang mata ni Zhao Feng.

"Tinitingalaan lang kita noong simula pa lamang sa Zhao Family."

Kumampay ang mga pilik-mata ni Zhao Yufei nang maalala niya ang mga nasa nakaraan.

"Sun Feather City… ang Zhao Family…."

Bulong ni Zhao Feng.

Ilang taon na agad ang nakalipas sa isang pikit lamang.

Chapitre verrouillé

Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com

Chapitre suivant