Sa pinaka-Spiritual Peak, may nakalagay na malaking entablado sa tuktok ng bundok sa Mystic True Sacred Clan. Ito ay tinatawag na True King Stage, at napakasikat nito. Ilang dosenang milenya na rin itong naroroon.
Sa Mystic True Sacred Clan, naroroon ang entablado kung saan mga Kings lamang ang may karapatang makipaglaban. Walang lugar ang mga normal na eksperto o mga Core disciples dito.
Sa araw rin na iyon ay nakatirik ang araw, at nakatutok sa dalawang anyo na nagtititigan sa isa't-isa sa True King Stage.
Isa sa kanila ay isang mayabang na bata kung saan ang mga kamay nito ay nasa likod niya. Matalim ang tingin niya, at para ba silang mga bituin, habang siya'y naglalabas ng imperial aura.
Kapag tumingin ka sa kaniya ay para bang nakatingin ka rin sa bola ng divine silver light.
Siya ay si Nan Gongsheng, ang numero unong henyo ng True Martial Sacred Land.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com