webnovel

Patriarch ng Iron Blood Religion

Éditeur: LiberReverieGroup

"Zhao Feng, ikaw…"

Tinignan ni Tiemo ang kabataang may kulay asul na buhok na tila hind siya makapaniwala.

Ang mga manonood ay napasigaw sa gulat.

Sa huling pagkakataon, nang hahatiin na sana ng Iron Blood Religion Deputy Patriarch si Empress Qin sa dalawa, biglaang nakialam si Zhao Feng at sinalag ang atake.

Isang suson ng kulay asul ang bumalot sa katawan ni Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng Wheel of Light and Dakness ay hinigop lamang ng asul na suson na tila ba isang bato na nalaglag sa karagatan.

Bakit naman ako hinarang ni Zhao Feng?

Kahit na gustong malaman ni Tiemo ang dahilan, mas nagulat siya sa lakas ni Zhao Feng.

Ang Wheel of Light and Darkness ni Deputy Patriarch ay hindi kayang wasakin ang bloodline defense ni Zhao Feng.

Sigurado si Tiemo na kahit ang isang Peak True Lord Rank ay hindi agad-agad na mahaharang ang Wheel of Light and Darkness.

Subalit, ang kabataang nasa harap niya ay ginawa ito nang wala man lang hirap.

"Deputy Patriarch, may utang na loob ako sa Sage. Pakiusap, pakawalan mo muna siya sa ngayon."

Pagpapaliwanag ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng at Empress Qin ay parehong nasa magkasalungat na panig at mayroon na silang alitan noon pa. Minsan na ngang binihag ni Zhao Feng ang Empress dati.

Subalit, napagpasyahan ni Zhao Feng na hindi patayin si Empress Qin dahil sa maraming dahilan. Una ay ang Sage at ang ikalawa naman ay ang Broken Moon Clan First Elder.

"Kung ganoon. Sige, papakawalan ko siyang muli."

Napabuntong hininga na lamang ang Deputy Patriarch. Napailing ang kanyang ulo habang itinatabi ang Wheel of Light and Darkness.

Muli siyang pakawalan? Na naman?

Nagugulumihanan si Zhao Feng. Nagkaroon na ba mg tsansa ang Deputy Patriarch na patayin si Empress Qin sa nakaraan pero hindi niya nagawa sa iilang dahilan?

Nagpakawala ng mahabang hininga si Empress Qin. Ang kanyang damit ay basang-basa na sa pawis.

"Zhao Feng, hindi ko akalaing ikaw pa ang magliligtas sa sakin."

Ang kanyang ekspresyon ay komplikado. Gusto niyang patayin si Zhao Feng katulad ng kasama niyang tatlo, pero sa dulo, siya pa pala ang ililigtas ni Zhao Feng.

"Tumigil ka. Ito na ang huling pagkakataon."

Tumingin si Zhao Feng kay Empress Qin nang may pagkadisgusto.

Wala siyang kahit anong magandang pakiramdam para kay Empress Qin.

Hindi na nangahas pa si Empress Qin na magtagal at agad siyang umalis.

"Gumawa si Empress Qin ng mga alon ma siyang nagdulot ng kaguluhan simula noong sumali siya sa Imperials. Nagkaroon rin ako ng maraming pagkakataon para patayin siya bago pa siya maging ganyan kalakas. Subalit, dahil sa Sage, hindi ko siya magawang patayin."

Pinanood na lamang ni Tiemo na umalis si Empress Qin.

Naalala ni Zhao Feng na sinabi sa kanya ni Jiang Sanfeng na talagang nagpunta pa talaga si Tiemo sa Sage para malaman kung buhay pa ba siya o patay na.

"Dahil talaga ito sa Patriarch - ang Kapatid na Hong - sapagkat may maganda siyang relasyon sa Sage."

Napabuntong hininga si Tiemo.

Patriarch? Ang tunay na Patriarch?

Biglang natinag si Zhao Feng. Hindi niya akalain na ganito pala kakomplikado ang koneksyon.

Bigla niyang naalala ang misteryosong elder na nagbigay sa kanya ng isang bola ng Ice Soul at ng isang Dark Eye Incomplete Page.

Pagkatapos pakawalan si Empress Qin, agad nang bumalik si Zhao Feng sa pandayan at ipinagpatuloy ang kanyang gawain.

Sa pagkakataong iyon, isang itim na usok ang bumalot sa buong pandayan, at walang kahit sino ang makakakita ng mga nasa loob.

Kahit ang isang taong kasinglakas ni Tiemo ay hindi halos makita ang nangyayari, at ganoon pa man, halos masaktan siya nito.

"Mukhang may isang eksperto sa likod ni Zhao Feng na may espesyalisasyon sa Dao of Ghost Corpses…."

Nagulat si Tiemo. Kung cultivation lang naman ang pag-uusapan, hindi siya nalalayo sa Half-Step Origin Core Realm, pero kahit siya ay hindi maparam ang pag-iral na mayroon sa pandayan.

Nagsimulang mapagtanto ni Tiemo na hindi niya talaga mabasa si Zhao Feng.

Shua!

Ang usok sa pandayan ay nagsimula nang maglaho, at ipinakita nito si Zhao Feng at Master Tiegan.

Nagpatuloy na si Zhao Feng sa pagpapanday, at kahit na interesado si Master Tiegan, wala siyang sinabing kahit ano at tumulong na lamang siya tabi nito.

q~~

Isang pilak at asul na gulong ang nagningning na may kidlat na siyang kumawing sa braso ni Zhao Feng at nagsimulang umikot. Ang pwersa nito ay nakagawa ng isang hindi nakikitang ipo-ipo.

Ginamit agad ni Zhao Feng ang kanyang True Force para palawigin ang Wheel of Light and Darkness para maging isang brasong mekanikal na mas malaki nang bahagya sa mga normal na braso ng matatanda.

"Ang pinasimpleng berson ng Wheel of Light and Darkness ay nakiisa na sa kapangyarihan ng hangin at kidlat, at ang lakas nito ay tumaas nang higit. Kahit ang grade nito ay hindi kasingtaas tulad ng orihinal na bersyon, ang aytem naman na ito ay ang pinakaperpekto sa antas na kinabibilangan nito."

Pagpupuri ni Master Tiegan.

Hindi mapigilan ni Tiemo na subukan ito, "Kaya nitong gumawa ng mga malalakas na atake gamit ang maliit lamang na halaga ng True Force, at mayroon rin itong bilis at kakayahang makawasak na gaya ng hangin at kidlat. Ang kapangyarihan nito ay lagpas-lagpasan pa sa mga katulad nitong tier na aytems."

Mayroong inggit sa kanyang mga salita. Kung hindi dahil sa katotohanan na ang kanyang cultivation ay nasa Peak True Lord Rank at ang grade ng pinasimpleng Wheel of Light and Darkness ay hindi ganoon kataas, kahit siya ay gusto ring bilhin ito.

"Pinaplano kong ibigay ito sa isang tao sa Cloud Area."

Wika ni Zhao Feng.

Ngumiti si Tiemo. Pumayag siya at sinigurado kay Zhao Feng na ang mga eksperto ng Iron Blood Religion mismo ang personal na maghahatid nito sa First Elder ng Broken Moon Clan.

Ibinigay na ni Zhao Feng ang pinasimpleng Wheel of Light and Darkness at sama nagpakawala ng hininga.

Isa sa kanyang mga gawain ay pandayin ang Wheel of Light and Darkness para sa kanyang Master at sa wakas ay natapos niya na rin ito.

Sa kaparehong gabi, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay lumipad sa ere.

Ang sedan ay talagang malaki, kung kaya sina Zhao Feng, Jiang Sanfeng, at Die Ye ay nagkasya.

"Zhao Feng, hindi lamang basta-bastang ligtas ka nakarating rito, ang lakas mo rin ay tumaas ng ilang beses pa."

Napabuntong hininga ang Deputy Patriarch at inisip ang nakaraan.

Nang marinig ito, ganoon rin ang naramdaman nila Jiang Sanfeng at Die Ye.

Isa at kalahating taon ang nakararaan, si Zhao Feng ay isang kabataan lamang na kasinglebel nila, pero ang lakas ni Zhao Feng ngayon ay maihahalintulad na kay Deputy Patriarch.

Bukod pa roon, si Zhao Feng ay isang taong nabibilang sa nakababatang henerasyon. Ang kanyang hinaharap ay hindi masukat.

Habang nagsasalita sila, pati ang Deputy Patriarch ay naging interesado na rin sa hinsi matukoy na inheritance.

Binuod ni Zhao Feng ang buong sitwasyon sa Purple Saint Ruins, pero hindi niya binanggit na si Zhao Yufei ang naging tagapagmana ng lugar.

"Ang Purple Saint Ruins ay may mga henyong galing sa tatlong two-star sects? At isa pa sa kanila ay galing sa isang two-and-a-half stars?"

Nagulantang si Tiemo. Ano ang nakapagpabuntong hininga sa kanya ay ang paghanga niya kay Zhao Feng sa kung paano siya nakaligtas sa ganoong klaseng paligid at nakatanggap ng inheritance.

Tinakpan rin ni Zhao Feng ang kanyang inheritance, at sinabi lamang na galing ito sa isang eksperto mula sa Void God Realm.

"Void God Realm, ayan ang pinakamababang kakailanganin para makasali sa isang two-star sect."

Mayroong pangungulila sa mukha ni Tiemo.

Kahit ang mga normal na Void God Realms ay mga alamat sa kontinenteng ito.

Ilang araw ang nakalipas, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay nakabalik na sa main headquarters ng Iron Blood Religion.

"Deputy Patriarch, may regalo po ako sa inyo."

Biglang sabi ni Zhao Feng habang inilalabas ang isang misteryosong tulo ng berdeng likido mula sa isang maitim na luntiang halaman.

Ang mga mata ng Deputy Patriarch ay lumaki ay agad siyang bumulalas, "Iyan ba… Ang Elixir of Life!?"

Ang misteryosong berdeng likido na ito ay nagbubuga ng dalisay na aura of life, at naglalaman ito ng aura ng essence of life.

"Tama nga ang inyong sinabi, ito nga ang Elixir of Life."

Ngumiti si Zhao Feng. Matapos ibigay ang tulong ito ng likido, mayroon pa siyang isang natitira.

"Elixir of Life… Napakahusay! Zhao Feng, hindi ko alam paano ka pasasalamatan."

Ang Deputy Patriarch ay sobrang nagulantang na natutuwa at hindi siya makapagsalita.

Halata namang ang Elixir of Life ay napakaimportante sa Deputy Patriarch at sa Iron Blood Religion.

"Deputy Patriarch, pakibigay ang Elixir of Life na ito sa Patriarch bilang pasasalamat ko sa araw na iyon."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay naguhitan ng hindi mapaliwanag na pakiramdam habang nagsasalita siya. Sa tingin niya, ang misteryosong elder na nakita niya dati ay ang tunay na Patriarch ng Iron Blood Religion.

Ngumiti si Tiemo, "Zhao Feng, tama ka. Ang taong nakita mo noong araw na iyon ay ang Patriarch ng Iron Blood Religion."

Pagkatapos tumugon, inihatid na ni Tiemo si Zhao Feng sa underground palace.

Ito ang ikalaaang beses na nagpunta si Zhao Feng rito.

Sa higaan ay may isang elder na makapal ang kilay. Ang kanyang balat ay tuyot na at walang senyalez ng buhay mula sa kanya, na tila ba patay na siya.

"Kapatid na Hong, andito po ako."

Agad na nagpunta si Tiemo sa tabi ng higaan.

Dahan-dahang binuksan ng elder ang kanyang mga mata at nagsalita sa isang mahinang boses, "Hindi ko na kayang mabuhay nang matagal sa estadong ito. Huwag niyo na akong abalahin kung hindi naman mahalaga."

Nang buksan ng elder ang kanyang mga mata, may nararamdamang hindi maipaliwanag si Zhao Feng na mental energy.

"Kapatid na Hong, tignan mo ito."

Tumawa si Tiemo at marahang itinaas ang kanyang kamay.

Lumapit ang elder at ang kanyang mga mata ay tila nagbubuga ng sagradong liwanag, "Elixir of Life!"

Sa pagkakataong iyon, ang aura ng elder ay naibuga, at ang kanyang mental energy aura ay umalingawngaw sa kalawakan.

Naramdaman ni Zhao Feng na tila nagapi siya. Wala pang kahit sino ang nagbigay sa kanya ng ganitong pakiramdam simula noong bumalik siya sa Azure Flower Continent.

Ang iilang medyo nagawa ito ay sina Lu Tianyi at ang Skeletal Division Leader, nang gamitin nila ang mga sikreto nilang technique.

Subalit, kahit ang dalawang iyon ay hindk maikukumpara sa taong ito.

Habang nag-iisip si Zhao Feng, nilunok na ng elder na may makapal na kilay ang Elixir of Life.

Ang kanyang tuyong balat, at mahina na aura ay nagsimula nang magbago. Kapareho ito ng pagkakataon sa tuwing namamatay ang isang matandang tao. Nagiging "bata" sila at napupuno ng enerhiya. Subalit, kung ano man ang nangyayari ngayon ay hindi pansamantala. Ito ay totoo.

"Talagang karapat-dapat ito bilang isang maalamat na Elixir. Ang mga pinsala sa aking pundasyon ay gumaling na nang halos 30-40%."

Isang mahinang pulang kulay ang siyang puminta sa mukha ng elder habang kitang-kita ang saya niya.

Ang kanyang mental energy aura ay naging mas nakakatakot na kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay mapapatingala na lamang sa kanya.

Hu~~

Ang Heaven Earth Yuan Qi na nasa itaas ng main headquarters ng Iron Blood Religion ay umungol. Ang elder na may makapal na kilay at may iskarlet na buhok ay tila naging isang karagatan. Nakakahigop siya ng Yuan Qi sa bawat hininga niya.

Ang kanyang malakas na aura ay tila pinamumunuan ang Yuan Qi sa bawat direksyon ng kalangitan at kalupaan.

"Ang cultivation na ito… Hindi kaya….?"

Nanliit nang sobra si Zhao Feng sa harap ng aura na ito.

Ang mga eksperto sa True Lors Rank ay kayang "magpalawig" at "magpatawag" ng Heaven Earth Yuan Qi sa maliit na halaga, pero dahil lamang dito kung kaya nakatayo sila sa tuktok ng ginintuang tatsulok.

Subalit, ang cultivation ng elder na ito ay mas mataas pa kaysa sa nabanggit, at mukhang siya pa nga ang sentro ng ipo-ipo ng Heaven Earth Yuan Qi.

Ang Yuan Qi sa ere ay bumubuhos sa kanya kahit hindi niya ito gawin, at napupuno siya nito ng walang hanggang enerhiya.

Ang ganoong lebel ay lagpas pa ng Three Heavens ng True Spirit Realm.

Chapitre suivant