Ayon sa pangako ni Ye Yanyu ay tutulungan niya si Zhao Feng ng tatlong beses ng walang pag-aalinlangan, ginamit na ni Zhao Feng ang isa sa tatlo upang tumaas ang kanyang kalakasan.
Kahit na ang misteryosong kanyon na ito ay puno ng panganib at maraming mga henyo sa paligid sinong maglalakas ng loob na lumapit sa late stage True Lord Rank?
"Sige, babantayan kita."
Galit si Ye Yanyu ngunit natawa siya sa sitwasyon na ito at kasabay nito ang paglitaw ng mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha.
Para sa kanya, walang halaga kung basa unang yugto o huling yugto na si Zhao Feng sa True Mystic Rank.
Basta hanggang hindi makakapalag si Zhao Feng.
Ang pagkakaiba sa kanila at malaki, hindi sila pareho ng lebel.
Kung gayon, kung aabot si Zhao Feng sa huling yugto ng True Mystic Rank, wala iyon kay Ye Yanyu. Maliban na lamang kung aabot siya sa True Lord Rank, medyo mag kakaproblema siya doon.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com