webnovel

Ang Isang Atake ay Sapat Na

Éditeur: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, umalis na sina Jiag Sanfenga, Die Ye at Zhao Feng at iniwan muna ang tatlo mula sa Heavenly Yuan Clan.

Mula sa Heavenly Yuan Clan, si Zhao Yufei ay mas lakas ng isang halos napakahusay na prodigy at si Mo Tianyi ay nasa first tier.

Pinangunahan ni Zhao Feng ang daan at ang kanyang gintong dragon ay lumiwanag sa kalangitan ata agad na mararamdaman mula sa malayo.

"Takbo! Ang ikaanim na napakahusay na prodigy, si Zhao Feng ay lumabas na mula sa kanyang seklusyon!"

"Ang Zhao Feng na ito ay lubhang sinaktan si Shi Chengtian at sunod si Goddess Bing Wei, dalawang napakahusay na prodigies!"

Habang nasa daan, nagsitakbuhan ang mga henyo, lalo na ang mga may True Dragon Tokens pa.

Sina Jiang Sanfeng at Die Ye ay sumunod at napaurok ang kanilang mga dila sa gulat. Natutuwa sila pero komplikado rin ang kanilang nararamdaman.

Iniisip nila kung paano sila hinahabol ng mga henyong ito pero ngayon nararanasan nilang makita na tumakbo ang mga peak geniuses na ito. Kahit na hindi pa sila ang dahilan, masarap pa rin ito sa pakiramdam.

"Ito ang dalang epekto ng lakas."

"Hindi ko talaga inakala na ang ating Iron Blood Religion aya magkakaroon ng isang napakahusay na prodigy."

Naging panatag ang loob nila Jiang Sanfeng at Die Ye. Hindi na nila kailangang pang mag-alala na kung hahabulin ba sila.

Sa daan.

Nakasalubong nila Zhao Feng si Prinsipe Jin at iba pang mga taong galing sa Canopy Great Country.

Nang makita ang aura ni Zhao Feng na katulad na ng isang napakahusay na prodigy, nagulantang si Prinsipe Jin at huminga muna nang malalim bago 'humingi ng tulong pabor' kay Zhao Feng.

Kung gugustuhin lamang ni Zhao Feng, pwedeng-pwede niyang gawing mga tagasunod ito.

"Umalis na kayo. Sa susunod na magkita tayo, kalaban na ang turing ko sa inyo."

Wika ni Zhao Feng nang malamig habang agad niyang tinanggihan ito at naglabas ng isang mental energy na siyang pumigil ng hininga nila Prinsipe Jin at ng mga kasama nito.

Wala namang patakaran roon at hindi naman siya isang buddha para protektahan ang lahat.

Sina Prinsipe Jin at ang mga kasama nito ay umalis na pero inaasahan naman ito ni Zhao Feng. Hindi naman si Zhao Feng ganoon kabait katulad ng iba.

"Chapter Leader Zhao, ang iyong dragon blessing ay napakalas at kahit sinong makakakita nito ay agad na tatakbo."

Wika ni Die Ye na tila ba nag-aalala.

Habang lumilipas ang oras, nababawasan ang bilang ng mga True Dragon Tokens.

"Simple."

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay at lumabas ang munting pusang magnanakaw.

Ginamit niya sina Jiang Sanfeng at Die Ye bilang pain habang tumutulong ang munting pusang magnanakaw, at nakasuporta naman si Zhao Feng sa kanila gamit ang Luohou Bow.

Sa totoo lang, sa bilis na mayroon si Zhao Feng, agad naman niyang mahahabol ang mga tumatakas at kunin ang kanilang mga True Dragon Token.

Subalit, ayaw naman niyang padaliin ang pagkuha ng dalawa ng kanilang mga True Dragon Token.

Isang oras ang makalipas.

Wala namang masyadong ginawa si Zhao Feng at ngayon sina Jiang Sanfeng at Die YE ay pareho nang may pilak na True Dragon Token na may kakaunting ningning ng ginto.

Pagkatapos solusyunan ang problema ng dalawa, nagsimula namang maghanap si Zhao Feng ng away kay Taiyun Shuangzi.

Inutusan ni Zhao Feng sina Die Ye na manatili sa loob ng dalawampung milya mula sa kanya para maabutan sila ng kanyang aura at hindi sila malapitan ng ibang mga henyo.

"Chapter Leader, ang Taiyun Shuangzi na iyan ay nakakasindak at karumal-dumal. Nakakuha naman kami ng True Dragon Token, hindi na natin siya kailangang kalabanin pa."

Hindi mapakali si Jiang Sanfeng.

Matapos ang lahat, kakaabot pa lang ni Zhao Feng sa antas ng isang napakahusay na prodigy samantalang sina Taiyun Shuangzi ay isang pares ng magkakapatid na may 80% lakas ng isang napakahusay na prodigy bawat isa. Kapag pinagsama, ang kanilag mga ispada at patalim ay higit pa sa kayang gawin ng mga normal na napakahusay na henyo.

Mula sa Sacred True Dragon Gathering hanggang sa ngayon, tanging si Yu Tianhao lamang Taiyun Shuangzi ang walang mga talo

"Sina Taiyun Shuangzi ay parehong may ispada at patalim na may napakataas na battle power. Kung opensa lamang ang pag-uusapan, daig na daig nila si Shi Chengtian at Goddess Bing Wei. Wala akong gaanong kumpiyansa kung maglalaban kami ng direktahan."

Kalmadong wika ni Zhao Feng.

Nang marinig ito, hindi mapakali si Jiang Sanfeng at Die Ye.

Kung hindi ganoon kakampante si Zhao Feng, bakit niya pa kailangang humanap ng gulo para kay Taiyun Shuangzi?

Kung sila ang magiging dahilan para magkaroon si Zhao Feng ng aksidente, hindi nila kakayanin ang responsibilidad at bigat ng nararamdaman.

"Syempre, ang sinasabi ko ay kung maglalaban kami nang direktahan. Sa mga mata ng ibang tao, ang opensa at depensa nila Taiyun Shuangzi ay perpekto. Subalit, alam ko ang kanilang kahinaan at kaya kong manalo sa pamamagitan ng isang atake."

Nagkaroon bigla ng kumpiyansa si Zhao Feng.

Tanging mga napakahusay na prodigy lamang ang may kakayahan na iwaksi ang kauri nito.

Pagkatapos itong sabihin, binuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye at sinuri ang lokasyon ni Taiyun Shuangzi.

Sa isang segundo lang, agad nang nahanap ni Zhao Feng ang lokasyon nila.

"Tara na."

Pinangunahan ni Zhao Feng ang daan at kahit may gusto pa mang sabihin sila Jiang Sanfeng at Die Ye, nilamon na sila ng kanilang pag-asa.

Sa daan.

Isang biglaang daloy ng gintong dragon ang makikita sa kanilang harap na mas malaks nang kaunti kaysa kay Zhao Feng.s

Parehong huminga muna nang malalim sina Jiang Sanfeng at Die Ye dahil sa kanilang kaba.

Sou!

Isang babaeng nakadamit bahaghari ang lumitaw sa kalangitan habang nakasakay ito sa isang lumilipad na isdang kasinglaki ng danaw. Ang kanyang glass whip na may limang kulay ang siyang nakapagpaatras sa karamihan ng mga henyong naroroon.

Sa loob ng bula ng liwanag.

Kapag nagpakita ang isang napakahusay na prodigy, ang lahat ay mapapatakbo.

Subalit, paano kung ang isang napakahusay na prodigy ay nakasalubong ng isa pang gaya niya?

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, agad namang mararamdaman ng mga napakahusay na henyo ang bawat isa mula sa malayo at madalas nilang iniiwasan ang isa't isa dahil hindi sila kampanteng mananalo laban sa kabila.

Subalit.

Itinuon ni Zhao Feng ang kanyang atensyon sa direksyon ni Taiyun Shuangzi at walang kahit anong senyas ng pag-iwas sa kanya.

"Siya iyon…."

Nakita ni Tantai Lanyue si Zhao Feng mula sa malayo at naging bahagyang taimtim ang kanyang mukha.

Nagkita sila ni Zhao Feng sa may ilog pero hindi sila naglaban.

Sa pagkakataong iyon, ang lakas ni Zhao Feng ay malapit pa lang sa pagiging prodigy at kahit na hindi siya pwedeng hindi mapansin ni Tantai Lanyue, mababa pa rin ang pagtingin niya rito.

Subalit, matapos niyang matalo sina Shi Chengtian at Goddess Bing Wei, ang posisyon ni Zhao Feng bilang isang napakahusay na prodigy ay hindi na maitatanggi.

Pinanood rin ni Tantai Lanyue ang laban.

"Ang kanyang eye bloodline ay nakaangkla sa mental energy, mataas rin naman ang mental energy level ko at pwede ko siyang tapatan. Pero natatakot ako na baka atakihin niya ang mga spiritual pets ko."

Pag-aanalisa ni Tantai Lanyue at kahit hindi siya takot kay Zhao Feng, nababahala pa rin siya sa presensya nito.

Ang dalawa ay hindi umatras at ang kanilang mga gintong dragons sa langit ay nagkasalubong.

Hindi nagtagal.

Si Zhao Feng at Tantai Lanyue ay isang milya na ang layo sa isa't isa.

Ang mga atake sa ganitong layo ay pwedeng-pwede pa ring gawin lalo na kay Zhao Feng na may espesyalisasyon sa mga pana.

Naghanda na si Tantai Lanyue sa kanyang puso pero sa kanyang paningin, hindi man lang siya tinignan ni Zhao Feng at nilagpasan lamang siya.

"Hmm?"

Bahagyang nagulat si Tantai Lanyue. Akala niya narito si Zhao Feng para labanan siya sapagkat naaberya niya yata ang araw nito dati.

Nang tignan ang direksyon na pinatutunguhan ni Zhao Feng, may bigla siyang naalala.

"Kung tama ako, sina Taiyuan Shuangzi at Shi Chengtian ay nasa direksyon na iyan…."

Umikot ang mga mata ni Tantai Lanyue nang may maisip siya.

Kung tama siya, mukhang nakatuon ang atensyon ni Zhao Feng sa isang napakahusay na prodigy.

Nang maisip ang ganito, napagpasyahan niyang sumunod.

Kalahati ng oras na kinakailangan para gumawa ng tsaa ang lumipas.

Isang bundok ang sumilay sa harap at mayroon itong dalang malalaking bahagi ng Earth Yuan Qi.

Sa bundok na ito ay may dalawang napakalakas na aura ng mga napakahusay na prodigy.

Sa kailaliman ng bundok, may hawak na ispada at patalim si Taiyun Shuangzi at tumawa ito ng malakas patungo sa kalangitan habang sumusugod siya sa isang malaking bolang bato na nasa harap niya.

Ang malaking bolang bato na ito ay nagbuga ng isang mapusyaw na dilaw na liwanag.

Ding Ding! Peng! Peng!

Ang ispada at patalim ay nag-iwan ng mga kislap sa malaking bolang bato.

Ang isang dragon blessing ay galing kay Taiyun Shuangzi samantalang ang isa naman ay sa malaking bolang bato.

Kung titingnan nang mabuti, ang malaking bolang bato na ito ay tao talaga na binalot ang kanyang sarili sa suson ng kayumanggi at dilaw na depensa.

Ang malaking bolang bato na ito ay lumubog sa kabundukan na tila ba nakikipag-ugnayan ito sa Earth para makakuha nang mas marami pang depensa.

"Si Shi Chengtian na may Stone Heart Bloodline ay nararapat lamang talaga na mataguriang may pinakamalakas na depensa sa mga napakahusay na prodigies…"

Napabuntong hininga si Zhao Feng habang nakatingin sa malayo.

Ang depensa ni Shi Chengtian ay nakasisindak talaga at ang mga normal na napakahusay na prodigies ay nahihirapang wasakin ito.

Sa pagkakataong iyon, ikinulob niya ang kanyang sarili sa isang bola at halos maging bato na habang nakikiayon ito sa Earth Yuan Qi.

Nangangahulugan ito na ang kanyang depensa at bilis ng paggaling ay tumaas.

Kung hindi sana sa kadahilanang halos masira na ni Zhao Feng ang binti ni Shi Chengtian, hind siguro mananalo si Taiyuan Shuangzi laban kay Shi Chengtian.

Subalit, napakatuso ni Taiyuan Shuangzi at tinamaan niya ang metal habang nag-iinit pa ito, kaya napwersa si Shi Chengtian sa ganitong sitwasyon.

Kahit gaano pa kalakas ang depensa ni Shi Chengtian, hindi niya kayang tumakas sa dalang tadhana ng ispada at patalim ni Taiyuan Shuangzi.

"Nakatatandang kapatid, mayroon pang isang aura ng napakahusay na prodigy ang paparating."

"Hindi ito maganda, iyan ang sutil. Gusto niya bang makihati sa mga paglalaban natin?"

Tumigil si Taiyun Shuangzi at hinuli niya ang kanyang hininga bago tumingin nang masama kay Zhao Feng gamit ang kanyang mga pamatay na mata.

Halos lahat ng mga napakahusay na prodigies ay sinusubukang iwasan si Taiyun Shuangzi.

Ang pares ng magkapatid na ito ay malupit at tila mga demonyo kung lumaban. Kapag lumaban na sila at ang kanilang buhay ay nakataya, walang kahit sinong normal na prodigy ang kayang lumaban.

"Batang kulay asul ang buhok, sakto lang ang pagdating mo. Magkampihan tayo at talunin natin ang batong lalaki na ito at saka hatiin ang kanyang dragon blessing ng 60-40."

Ang nakatatandang kapatid sa Taiyun Shuangzi ay lumuwa ang mata habang iniisip niya ang plano.

Sa kasalukuyang sitwasyon, higit na makabubuti sa kanya na hindi kalabanin si Zhao Feng.

Nilagay na nila si Shi Chengtian sa sulok at pinapahirapan na ito at kapag nilabanan pa nila si Zhao Feng ngayon, magkakaroon si Shi Chengtian ng oras para mamahinga at muling makalaban.

Napakahirap kaya na lumaban ng dalawang napakahusay na prodigies nang sabay at nang makitang dumating si Zhao Feng, lalo pang lumubog sa lupa si Shi Chengtian.

Wala nang paki si Taiyun Shuangzi doon pero ang gusto niya lamang ay malaman ang tugon ni Zhoa Feng. Hindi rin naman makakatakbo nang malayo ang sugatang si Shi Chengtian.

"Ah, ganito pala ang sinasabi ng isang napakahusay na prodigies sa bawat isa? Mukhang natatakot si Taiyun Shuangzi na labanan kami at talagang humihingi pa ng tulong para makipagkampihan."

Parehong nagulantang sina Jiang Sanfeng at Die Ye sa kanyang likod.

Ang suhestiyon ni Taiyun Shuangzi na magtulungan at bigyan ng 40% ng dragon blessing si Zhao Feng ay isang pag-atra at pag-amin na malakas talaga si Zhao Feng.

Subalit.

Nilipad ng hangin ang kulay asul na buhok ni Zhao Feng habang sinigaw niya ito: "Itong pangit na halimaw na ito, sa tingin mo ba may karapatan kang makipagsosyo sa akin? Ang kalaban ko ay hindi ang bolang bato, kundi ang basurang tulad mo… Isang atake lamang at matatapos ko na kayong dalawa."

Chapitre suivant