webnovel

Water Moon Treasury

Éditeur: LiberReverieGroup

Nang buksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata, ang walong mga ekspertong nagmamanman sa kaniya ay nakaramdam ng panlalamig na dumeretso sa kanilang mga kaluluwa.

Sa pagkakataong iyon, kahit ang kanilang mga isipan ay parang nanigas at lahat sila ay sabay-sabay na sininok.

Nais bumangon ni Zhao Feng ngunit natuklasan niya na napakahina ng kaniyang katawan.

Sa katunayan, hindi kumain ng lagpas isang bwuan si Zhao Feng at napunta siya sa isang nakaugaliang estado.

"Ang mental energy level ko ay ngayon nakalagpas na sa aking cultivation level – maaari na itong maikumpara sa True Spirit Realm."

Nang hawakan ni Zhao Feng ang kaniyang mental energy source, nagulat siya sa kaniyang nakita. Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, mayroong isang maliit na nagyeyelong lawa na nagpakawala ng isang malamig na asul na ilaw.

Sa oras na ito, ang mental energy source ni Zhao Feng ay napakamakapangyarihan at naglalaman ito ng kasindak-sindak na kalamigan.

Ang kalamigang ito ay kaya ring mahawakan ang kaluluwa ng isang tao.

Ngayon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sumailalim na sa ikalawang pagbabago at nagtagumpay ito.

Miao miao!

Winagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito at hindi kalaunan naintidihan na ni Zhao Feng na nakatulog siya ng isang buwan at labingdalawang araw.

"Nagising na ang taong iyon."

Ang mga eksperto sa labas ay pumalibot sa kuwarto na para bang may katapat silang isang nakakatakot na kalaban.

Nanatiling nakahiga si Zhao Feng at tinagao ang aura ng God's Spiritual Eye bago ilagay ang takip sa mata na ibinigay sa kaniya ni Tiegan Master.

Ang faint silver na takip sa mata ay kasing nipis at kasing talim ng isang kutsilyo at mukhang elegante ito.

Sa oras na nailagay niya ang takip sa mata, ang bloodline power ni Zhao Feng ay labis na naitago.

Boom!

Sa pagkakataong ito, ang pinto ng kuwarto ay sinipa pabukas.

Dawalang ekspertong nasa 7th Sky mula sa pamilya ng Bi, na mayroong mga matatalim na mata ang lumakad papasok.

Sa pagkakataong ito, kalalagay pa lamang ni Zhao Feng ng takip niya sa mata at ang kaniyang hitsura ang nagdulot upang magbago ang kanilang mga ekspresyon.

"Pirata ang batang ito!"

"Sa Transverse Water Bay, mayroong dose-dosenang mga pirata na mayroong isang mata at wala sa kanila ang mabubuting mga lalaki – halos lahat sa kanila ay mga lider."

Ang mga eksperto mula sa pamilya ng Bi ay puno ng pag-aalala na para bang may katapat silang isang malaking banta.

Pirata?

Naguluhan si Zhao Feng sa eksenang ito. Kailan pa siya naging isang pirata?

Kagigising lamang niya at hindi niya alam kung nasaan siya.

Sa Transverse Water Bay, hindi mababa ang bilang ng mga piratang may suot na takip sa mata.

Dagdag pa rito, ilang mga pirata ang nagsusuot ng takip sa mata kahit hindi bulag ang kanilang mga mata upang pataasin lang ang kanilang pagiging mabangis.

Buntong hininga…

Si Zhao Feng ay desperadong nakahiga sa sahig.

Sa nakaraang buwan, ang kaniyang cultivation ay talagang nagpatuloy sa pagtaas. Subalit dahil ang kaniyang katawan ay hindi nakakuha ng pagkain sa loob ng mahabang panahon, nanghina siya.

Kung lalabanan siya ng mga taong ito ngayon, hindi magiging maganda.

"Tara kumain tayo, gutom na ako."

Hinatak ni Zhao Feng ang sarili niya mula sa sahig, hindi binibigyang-pansin ang mga eksperto sa pamilya ng Bi at lumakad palabas.

Ang kakaibang bagay ay, ang pito hanggang walong eksperto mula sa pamilya ng Bi ay paikot-ikot lang sa kuwarto na para bang hindi nila nakita si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw.

Matapos ang pagbabago ng God' Spiritual Eye, ang mental energy techniques ni Zhao Feng ay maaari nang magamit nang walang kahit anong preparasyon.

Ang pito hanggang walong mga eksperto sa pamilya ng Bi ay nahulog sa isang maze na gumagalaw kung saan-saan.

Ilang sandali sa lugar na kainan ng pamilya ng Bi.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay kumuha ng ilang masasarap tingnan na pritong isda at nagsimula itong diretsong lunukin, kung saan si Zhao Feng naman ay nakaupo at kumakain habang sinusuri ang kaniyang kapaligiran.

Sa umpisa, gumamit siya ng isang mental energy skill para magtakip nang kaunti. Subalit sa paglipas ng oras, parami pa ng parami ang mga taong nagdaratingan kaya't nagpatuloy siyang kumain.

"Dito dali!"

"May mga piratang pumapasok sa ating kainan!"

Nagkagulo ang kainan ng pamilya ng Bi habang kumakain ang tao at ang pusa.

Nagsimula pang uminom ng alak ang munting pusang magnanakaw at nagkakaroon na siya ng malabong mga mata.

Mas marami pang tao ang nagsimulang pumalibot.

Hindi kalaunan, pito hanggang walong eksperto ng pamilya ng Bi ang nakarinig nito at sila ay nagpuntahan. Subalit nang subukan nilang lapitan si Zhao Feng, lumakad sila at nawalan ng koneksyon sa panlabas na mundo.

Ang kahit sinong mayroong poot na lumapit ay mahuhulog sa mga ilusyong ginawa ni Zhao Feng.

Sa pagdating pa ng mas maraming tao, ang Head ng pamilya ng Bi ay hindi kalaunan nasabihan na.

"Sino ang piratang malakas ang loob na manggulo sa pamilya ng Bi?"

Isang hindi makitang aura ang bumaba na para bang isang naglalagablab na apoy, nagdulot upang hindi makahinga ang mga tao sa kainan.

Ang bagong dating ay isang hindi gaano katandang lalaking nakasuot ng lilang damit na mayroong Qi na nasa half step True Spirit at nagdulot upang lubhang manahimik ang buong kainan.

Sumulyap si Zhao Feng: Mukhang isa itong maliit na pamilya siguro kasingliit ng pamilya ng Liu sa Overlooking Mist Province.

Ngayon na nakarating na sa panibagong level ang kaniyang God's Spiritual Eye, hindi na siyan tatakot kahit na mayroong dumating na mga normal na cultivators na nasa True Spirit Realm.

"Pakiusap lahat kayo ay kumalma. Nagpapasalamat ang taong ito sa inyong pagtanggap, sa pagkain at sa pagtulong."

Natapos na ni Zhao Feng ang kaniyang pagkain at pinasalamatan sila. Kahit ano pa sabihin, ang pamilya ng Bi ang humatak sa kaniya mula sa tubig at kumain pa siya rito. Kung aalis lang siya nang hindi nagpapasalamat, hindi magiging tama iyon.

"Sa wakas ay gising ka na."

Isang babaeng nakapigtail ang lumakad palabas mula sa lipon ng mga tao at nagsimulang makipaglaro sa munting pusang magnanakaw.

Ang Head ng pamilya ng Bi ay nag-aalala at naghihinala pa rin.

Lubhang kakaiba ng batang iyon – ang mga eksperto ng pamilya ng Bi na sinubukang atakahin siya ay lahat nagpaikot-ikot.

Kahit siya ay hindi mabasa ang batang ito.

"Papuntahin mo rito si Master Bi." Utos ng Head ng pamilya.

Ang pinakaimportanteng bagay ngayon ay para mapakalma niya ang batang nasa harapan niya.

"Sa kasalukuyan, ang mga Severed Blood Water Pirates ay nagsusulputan sa mga stronghold at nananakit ng maraming mga inosente. Akala ng mga mangmang na ito na ang little brother na ito ay isang pirata. Sana ay mapatawag mo sila." Sambit ng hindi gaanong katandang lalaki na nakasuot ng lilang damit nang nakangiti habang binabati niya si Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng diskusyong ito, naintindihan na ni Zhao Feng ang kalagayan dito.

Mayroong dalawang pangunahing puwersa sa Transverse Water Bay. Ang isang panig ay ang mga pirata at ang isa naman ay binubuo ng mga pamilya, negosyante at mga mangingisda – ang Transverse Water Stronghold.

Sa mas simpleng pananalita, sila ay itim at puti lamang.

"Ang Transverse Water Stronghold ay ang sentro ng dalampasigan at kadalasan hindi lumalapit ang mga pirata rito at aatake lamang ng ilang mga negosyante. Subalit, nitong mga nakaraang araw, ang kilalang Severed Blood Water Pirates ay lumalapit ng mayroong hindi malaman-lamang motibo…" Sinabi ng Head ng pamilya habang mariin niyang tinitingnan ang mga reaksyon ni Zhao Feng.

Malamig ang ekspresyon ni Zhao Feng at walang kahit anong senyales ng emosyon.

Matapos ang pagbabago ng God's Spiritual Eye, naging mas malamig pa si Zhao Feng ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na siya nakakapag-isip.

"Ang Transverse Water Stronghold ay ang sentro ng dalampasigan at mayroon itong mga nagtitipon-tipon na puwersa, madaling protektahan at mahirap atakihin. Kahit gaano pa kalakas ang mga Severed Blood Water Pirates, mga pirata lamang sila at limitado ang kanilang mga tauhan." Pag-aanalisa ni Zhao Feng.

Ang kongklusyong naisip niya ay ang mga Severed Blood Water Pirates na ito ay hindi talaga gustong atakihin ang stronghold at mayroon silang ibang intensyon.

Pinapatagal ng Head ng pamilya si Zhao Feng habang naghihintay siya kay Master Bi.

Mayroong mataas na reputasyon si Master Bi sa buong Transvere Water Bay at siya ay talagang ginagalang.

Maliwanag na, siya ay malapit nang maging dalawang-daang taong gulang at walang dudang, ang mga nasa True Spirit Realm lamang ang kayang mamuhay nang ganito katagal.

Subalit, naghintay ang Head ng pamilya sa loob ng kalahating oras na paggagawa ng tsaa at wala namang nangyari.

Nagningning ang mga mata ng munting pusang magnanakaw habang naghahagis ang mga paa nito ng mga barya sa himpapawid.

Nagbabadya?

Tumingin patungo si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw.

Tumango ang munting pusang magnanakaw, subalit ang pagbabadya nito ay hindi nakatutok kay Zhao Feng ngunit kay Master Bi.

"Nag-uulat sa Head ng pamilya, hindi pa nakikita si Master Bi simula ngayong umaga. Maraming taong nagsasabi na nakita nila siyang umalis sa pamilya ng Bi kagabi." Ulat ng isang alalay.

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng. Ang munting pusang magnanakaw ay mayroong skill.

"Nag-uulat sa Head ng pamilya, hindi ito maganda!"

"Ang Blood Water Pirates ay namumuno sa labingwalong grupo ng mga pirata at tinakpan nila ang tatlong daanan sa Transverse Water Bay."

Isang nakakagulantang na balita ang kumalat.

Kilala ang Severed Blood Water Pirates sa kanilang pagiging brutal at ang lider nito na si 'Severed Blood Bald Eagle' sa kasamaang palad ay mayroong cultivation na nasa True Spirit Realm.

Sa normal na sitwasyon, hindi natatakot ang Transverse Water Stronghold sa mga piratang ito dahil mayroon silang tiyak na kalamangan.

"I-utos ninyo na isara ang stronghold at huwag kayong magpabasta-basta." Napahinga ng malalim ang Head ng pamilya at sinabi ito ng mayroong taimtim na ekspresyon.

Sa kritikal na pagkakataong ito, si Master Bi na mayroong pinakamataas na cultivation ay naglaho at ang mga natitirang puwersa ay hindi naglakas-loob na gumawa ng kahit anong pagkilos.

Hindi mapigilang matulala ni Zhao Feng. Talaga bang aatakihin ng mga pirata ang stronghold?

Kung iisipin, kahit na ang mga piratang ito ay kayang magpadanak ng dugo sa stronghold, malaki ang mga mawawala sa kanila. Ilan ang matitira?

"Kahit na walang kahit sinong nasa True Spirit Realm dito, ang mga eskperto ng stronghold ay lubhang mas marami pa rin kaysa sa mga pirata. Dagdag pa rito ang stronghold ay madaling ipagtanggo at mahirap atakihin kaya naman huwag tayong matakot sa pakikipaglaban." Malakas-loob na sinabi ng Head ng pamilya at nagbigay ng mga utos.

Dahil sa katotohanang isinara ang stronghold, walang magagawa si Zhao Feng kundi pansamantalang manatili sa stronghold.

Ang ilang mga taga-roon sa stronghold ay nataranta.

Bihirang gumagawa ng grupong magkakasama ang mga pirata at kadalasan isang beses lamang ito mangyari sa loob ng isang daang taon.

Kumpara sa kanila, si Zhao Feng ang mas mukhang may kalayaan.

"Matapos umalis sa lugar na ito at lumagpas sa tatlong mga lugar na kasing laki ng Flooding Lake Area, mararating ko na ang Capital. Mukhang malayo ang narating ko sa paglutang sa ilog."

Sinuri ni Zhao Feng ang kaniyang mapa. Ang kaniyang pakay ay hindi na masiyadong malayo mula sa kaniya ngayon.

Basta't umalis lamang ang mga pirata, maaari nang makaalis si Zhao Feng papunta sa Capital.

Subalit, wala ang maayos na nagprogreso gaya ng iniisip ni Zhao Feng. Nakaharang pa rin ang mga pirata sa mga daanan at wala silang intensyong umalis.

Ang tubig at hangin ay lahat kontrolado nila.

"Hindi inaatake ng mga pirata ang stronghold. Ano ang layunin nila?"

Hindi maintindihan ni Zhao Feng. Bago pa man hindi makapagpigil ni Zhao Feng at habang nagpa-plano pa lamang siyang umalis ng stronghold mag-isa.

"Nagbalik na si Master Bi!" Isang sigaw ang nagmula sa stronghold.

Tumingin si Zhao Feng at nakita ang isang matadang lalaking mayroong hawak na tukod na hugis ng ulo ng dragon ang lumutang papunta sa stronghold.

Maputla ang mukha ni Master Bi at isa sa kaniyang mga binti ay putol na. Nagmukha siyang malala dahil sa mga dugong nasa kaniya.

"Master Bi!" Sigaw ng Head ng pamilya at ni Bi Qiaoyu.

"Nalaman ko kahapon na ang layunin ng Severed Blood Water Pirates ay hindi ang stronghold kung hindi ang mala-alamat na Water Moon Treasury." Magaspang na sinabi ni Master Bi habang napaupo siya sa sahig at nagsimulang magpagaling.

Water Moon Treasury.

"Paano ito nangyari? Ang Water Moon Treasury ay isang alamat sa Transverse Water Bay."

"Kung totoo man ang Water Moon Treasury, hindi naman natin ito alam. Paanong alam din ng mga Severed Blood Water Pirates ang kapaligiran?"

Ang mga nakakataas na echelons ng stronghold ay natulala.

Sa pagkarinig mula rito, naintindihan na ni Zhao Feng kung ano ang nangyari at naresolba na ang palaisipan sa kaniyang puso.

Kahit gaano pa kayabang ang mga pirata, hindi sila aatake sa isang stronghold na mayroong matibay na depensa.

Ang kanilang tunay na layunin ay ang Water Moon Treasury, subalit ang lokasyon ng treasury ay malapit sa Transverse Water Bay. Tiyak na magkakaroon ng ilang paggalaw, subalit hindi nila gustong makuha ng atensyon.

Kung ganoon, hinarang ng mga Severed Blood Water Pirates ang mga daanan at ganito ang ginawa nila upang hindi sila magpabasta-basta.

Sa ganitong paraan lamang makukuha ng mga pirata ang buong treasury para sa kanilang mga sarili.

Chapitre suivant