webnovel

Alamat ng Eye

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos maayos ng araw ng kasalan, naglakas palabas ng bulwagan sina Zhao Feng at si Liu Qinxin nang magkasama.

Habang nasa daan, hindi nagsasalita si Zhao Feng at nakasunod lamang sa likuran ni Liu Qinxin na tila ba hindi sila magkasintahan.

Bago pa sila makapasok sa lugar ng anak na babae ng City Lord.

Huminto ang anyo ni Liu Qinxin at tumaas ang kaniyang mga kilay, "Ano ang dahilan bakit mo ako sinusundan?"

Malamig ang kaniyang ekspresyon at mas lalo pang bumaba ang impresyon niya kay Zhao Feng.

Kakaayos lamang nila ng araw ng kanilang kasalan ngunit si Zhao Feng ay masiyado nang 'ata'. Mula sa katotohanan na sinusundan niya ang babae, nagmumukhang mayroon siyang masamang intensyon.

"Mag-usap tayo."

Kalmado ang ekspresyon ni Zhao Feng. Napagtanto niya na matapos pumasok sa City Lord Palace, hindi pa niya nakakausap ng pormal ang babae.

Usap?

Mali ang pagkakaintindi ni Liu Qinxin sa intensyon ni Zhao Feng: Huwag mong isipin na maaari mong gawin ang lahat ng nanaisin mo dahil lang mayroong kasal na namamagitan sa atin.

"Kasintahan pa lamang kita. Ingatan mo ang sarili mo."

Malamig na itinago ni Liu Qinxin ang kaniyang mukha sa likod ng kaniyang belo.

Bahagyang naguluhan si Zhao Feng at dinagdag, "Mag-uusap lamang tayo."

Ang mukha ni Liu Qinxin na nasa likuran ng belo ay namula.

Walang ekspresyon ang mukha ni Zhao feng at walang kahit anong karumihan ang kaniyang mga mata.

Mukhang nais lamang talagang makipag-usap ng kabilang partido.

"Pakiusap."

Walang emosyong pinangunahan ni Liu Qinxin si Zhao Feng sa isang pabilyon ngunit walang intensyon na imbitahan ang kaniyang asawa sa silid-tulugan.

Sa Canopy Great Country, hindi bihira para sa mga magkasintahan na pumasok sa bahay ng kanilang mga kaparis.

Hindi binigyang pansin ito ni Zhao Feng at umupo direktang katapat ni Liu Qinxin habang nagdala ng pagkain at tsaa ang mga alalay.

Ang mga mata ni Liu Qinxin ay maliwanag at mayroon itong mataas na posisyon, naghihintay para magsalita si Zhao Feng.

"Tumabi kayo."

Hinawi ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at sinenyasan ang dalawang alalay na umalis gamit ang kaniyang posisyon bilang isang manugang na lalaki ng City Lord.

Imbes na magalit, natawa si Liu Qinxin. Gusto niyang makita kung para saan siya kakausapin ni Zhao Feng?

Naisip niya na si Zhao Feng ay isang bata na nais umakyat sa isang mataas na puno. Sa pagkakataong ito, tiyak na nag-iisip siya ng paraan kung paano siya mapapabilib.

Ang nakakalungkot na bagay ay papakasalan niya ang taong ito?

Subalit ang mga pagkikilos ni Zhao Feng ay nagdulot upang maubos ang laman ng kaniyang mga iniisip.

"Noong huling nakita kita sa entablado, gumamit ka ng isang jade na suklay. Mayroon din akong katulad noon."

Nagsalita si Zhao Feng at inilabas ang isang jade na suklay at ipinatong ito sa lamesa.

Bahagyang naintriga si Liu Qinxin at kinuha ang jade na suklay at malapitan itong sinuri. Sinuod ay naglagay siya ng sagitsit ng kaniyang True Force dito at biglang lumitaw ang salitang "Liu".

"Tama 'yan, ito ay isang pamanang gamit sa pamilya ng Liu. Paanong mayroon ka ng ganitong bagay?"

Ibinaba ni Liu Qinxin ang kalahati ng suklay.

Sa pagkarinig nito, nagpakita ng ekspresyon ng kagalakan si Zhao Feng, "Ang bagay na ito ay ibinigay sa akin ng aking Master. Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng suklay na ito?"

Bahagyang huminto si Liu Qinxin. Ito ang unang beses na nakakita siya ng kagalakan at pag-asa sa mukha ni Zhao Feng.

Kumpara noong inaayos nila ang kasal, walang kahit anong emosyonal na pagbabago si Zhao Feng.

Biglang napagtanto ni Liu Qinxin na hindi niya mabasa ang batang ito. Para bang wala man lamang paki ang kaniyang nobyo sa kaniyang asawa.

"Ang ganitong klase ng gamit ay pagmamay-ari lamang ng Pangunahin at ng pitong Sangay ng pamilya ng Liu. Para naman sa kung kanino ito, sikreto lamang ito ng pamilya ng Liu at kailangan pang siguraduhin ito sa mga tala."

Umikot ang mga mata ni Liu Qinxin nang magbigay siya ng sagot.

"Ibig sabihin nito na ang jade na suklay na ito ay hindi galing mula sa pamilya ng Liu sa Flooding Lake?"

Tanong ni Zhao Feng.

"Tama 'yan." Sinipsip ni Liu Qinxin ang kaniyang tsaa.

Buntong hininga.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi bahagyang malungkot. Mukhang ang Liu Qinxin na kaharap niya ay hindi parte ng iisang sangay na kaniyang hinahanap, ngunit maaari niyang mabura ang ilang tao dahil sa impormasyon na ito.

Ang may-ari nito ay maaaring mula sa pangunahing pamilya o sa pitong sangay ng mga pamilya at ang pamilya ng Liu sa Flooding Lake ay ang unang matatanggal.

Sa pagkakaalam nito, ang listahan sa isip ni Zhao Feng ay lumitaw, at dalawang tao na lamang ang natira: Empress Qinxin at ang Diyosang Qinxin.

Si Empress Qinxin ay isa sa mga asawa ng kasalukuyang Emperador at ang Diyosang Qinxin ay isa sa mga Elders ng Sect Qin Sword Palace.

Parehas sina Empress Qinxin at Diyosang Qinxin ay malalaking anyo na hindi madalas nakikita.

"Salamat. Kung makukumpirma mo kung kaninong sangay nagmula ang suklat na ito, labis akong magpapasalamat."

Tumayo si Zhao Feng at umalis.

Nakaupo si Liu Qinxin sa upuan nang mayroong bahagyang hindi makagalaw na hitsura.

Nararamdaman niya ang pagkalugmok ni Zhao Feng at kung paanong wala siyang interes sa kaniya.

"Maaari bang... nagpunta siya sa akin para lamang dito?"

Lubhang nagulat si Liu Qinxin at nalugmok.

Sa umpisa, naisip niya na nagkukunwaring misteryoso lamang si Zhao Feng, ngunit makalipas ang ilang sandali talagang hindi pa rin nagiging malapit sa kaniya si Zhao Feng.

Walang oras makipaglaro si Zhao Feng dahil kailangan niya pang gumawa ng maiingat na preparasyon sa pagtakas.

Ang unang hakbang ay ayusin ang "Yin Shadow Cloak" at ang ikalawa ay palaguin ang kaniyang cultivation pati na ang kaniyang lakas.

Halos makumpleto na ni Zhao Feng ang mga kagamitang kakailangan para maayos ang kapa at ilang mga gamit na lamang ang kulang niya.

"Kung maaayos ko ang Yin Shadow Cloak, malaki ang itataas ng pagkakataon kong makatakas."

Naisip ni Zhao Feng.

Mas maganda kung hindi malalaman ito ng City Lord ngunit ang Yin Shadow Cloak ay nangangailangan ng isang Blacksmith Master.

Sinuri ni Zhao Feng ang kapaligiran at nakakita ng dalawang Blacksmith Masters na mayroong matataas na estado.

Isa sa kanila ay mayroong magandang relasyon sa pamilya ng Liu samantalang ang isa naman ay nababalitaang mayroong masamang ugali at nasa katamtamang pakikisama lamang sa pamilya ng Liu. Malinaw na mayroong kompetisyon sa pagitan nila.

"En, aalis ako upang hanapin ang blacksmith na mayroong masamang ugali. Mas magaling ang skills niya at ang pinakaimportante, hindi masiyadong maganda ang relasyon niya sa pamilya ng Liu."

Nasiguro na ni Zhao Feng ang kaniyang pakay.

Ang blacksmith master na ito ay tinatawag na "Tiegan Master" at ang kaniyang skills ay ranked top ten sa buoong Canopy Great Country. Kahit ang pamilya ng Liu sa Flooding Lake ay hindi siya madaling maalipusta.

Subalit, ang antas kung gaano kahirap makakakauha ng tulong mula kay Tiegan Master ay ilang beses na mas mahirao at kinailangan gumawa ng ilang mga preparasyon ni Zhao Feng.

Una ay kailangan niya munang makita ang mga hilig na gawain ni Tiegan Master at huwag masiyadong magtiwala sa kaniyang sarili, hindi basta-basta puwedeng kumilos si Zhao Feng.

Dalawang buwan matapos maisaayos ng kasalan, tahimik na nagcultivate si Zhao Feng at mas inintindi niya pa ang kaniyang Lightning Inheritance pati na rin ang kaniyang mental energy techniqes na kabilang ang kaunti ng beast taming.

Ang Flooding Lake City Lord ay naglagay ng napakalaking importansya sa kaniya at sa pagkakita na maiging nagcucultivate si Zhao Feng, nagbigay siya ng malaking bilang ng Spiritual Pills at iba pang resources.

Ang Canopy Great Country ay napakayamang bansa at ang mga resources na ibinigay ng City Lord ay lubos na nakatulong kay Zhao Feng.

Tatlong buwan matapos maisaayos ng kasalan, ang cultivation ni Zhao Feng ay nakaabot na sa peak 6th Sky.

Ang dahilan kung bakit mabilis itong umangat ay dahil sa tulong ng City Lord at pati na rin ang katotohanan na minsan nang nalaglag si Zhao Feng mula sa 7th papunta sa 6th Sky.

"Mayroon na lamang natitirang tatlong buwan. Mayroon pang malaking tsansang makabalik ako sa 7th sky at ang unang palapag ng Lightning Inheritance ay halos makukumpleto na."

Masaya si Zhao Feng.

Sa tuwing walang ginagawa ang City Lord, paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng mga payo kay Zhao Feng.

Siyempre.

Bilang isang beast tamer paminsan-minsan ay umaalis si Zhao Feng upang sanayin ang isang grupo ng mounts.

Para rito, tiyak na inintindi ni Zhao Feng ang isang "Language Technique" upang magawa niyang makipag-ugnayan sa mga halimaw at maintindihan ang kanilang 'wika'.

Sa katotohanan, ang Language Technique ay gumagamit din ng mental energy.

Hangga't marunong ang isang tao gamitin ang skill na ito, kaya nilang makipag-usap sa karamihan ng mga halimaw.

Sa City Lord Palace, mayroong ilang flying mounts na nakaabot na sa True Spirit Realm kung saan ang mga normal na beast tamers ay wala nang maitutulong.

Subalit.

Nang magpunta sina Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw, matagumpay nilang naayos ang usapin at natutulungan sila.

Hindi na kailangang aralin ng munting pusang magnanakaw ang Language Technique. Kaya nitong makipag-ugnayan sa kahit anong halimaw kung kailan nito nanaisin.

Gamit ang pagiging tuso, pagsisinungaling at lahat ng klase ng paraan, ang munting pusang magnanakaw at si Zhao Feng ay hindi kalaunan natulungan na ang mga iritableng halimaw na ito na nasa True Spirit Realm at ang pagkilos ng huling nabanggit ay ikinatuwa ng City Lord.

Ang pinakamahalagang bagay ay si Zhao Feng ay lubos na sumusunod at hindi man lamang hinawakan ang kamay ng kaniyang magiging asawa ni minsan.

"Qinxin, huwag kang maging masiyadong malamig sa kaniya."

Sinabihan ng Flooding Lake City Lord ang kaniyang anak na babae nang ilang beses.

Walang masabi si Liu Qinxin. Malamig siya kay Zhao Feng ngunit hindi naman binibigyang pansin ng nabanggit ang kaniyang presensya.

"Father, ipapakasal mo ba talaga ako sa batang ito na may nag-iisang mata?"

Hindi masaya si Liu Qinxin.

Isang liwanag ang kumislap sa mga mata ng City Lord: "Sa tingin mo ba talaga ay iisa lamang ang mata niya? Sa tingin mo ba ganito na kasama ang mga mata ko?"

"Maaari bang..."

Naramdaman ni Liu Qinxin na may nilalamang sikreto ang kaliwang mata ni Zhao Feng dahil hindi naman si Zhao Feng mukhang isang normal na klase ng taong may iisang mata at mainitin ang ulo. Sa kabaligtaran pa nga nito, kalmado at mahinahon siya.

"Hindi simple ang bloodline ng batang ito. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring isa itong bihirang Eye Bloodline. Mayroong mga sinaunang tala na nagsasabi na matapos ang Great Ancient Era, ang walong God Eyes ang siyang namuno sa lahat ng walong panig ng mundo."

Pananabik ang lumitaw sa mga mata ng City Lord.

"Ang walong Great God Eyes. Sa tingin mo ay mayroon siyang isa sa mga ito?"

Tanong ni Liu Qinxin.

"Imposible."

Umiling ang Flooding Lake City Lord at ngumiti, "Alamat lamang ito. Ang walong Great God Eyes ay mga sinauna ng lahat ng Eye Bloodlines. Ang lahat ng Eye Bloodlines ay kahit papaano ay may konektado sa Walong God Eyes na ito. Kahit na mayroon lamang katiting na bloodline nito ang isang tao, hindi ito isang bagay na maikukumpara sa normal na mga bloodlines."

"Lumitaw na ba ang walong great God Eyes sa kasaysayan?"

"Hindi pa ngunit ilang sampung libong taon na ang nakalipas isang alamat na mayroong Eye Bloodline ang nagbukas sa Heaven's Legacy Inheritance. Ang mata niya ang kilalang "Three-Eyed Heavenly Lord". Sa mga alamat, nakatungtong na saiya sa Void God Realm."

Ngumiti ang Flooding Lake City Lord.

Habang nag-uusap ang City Lord at si Liu Qinxin.

"City Lord, nakarating na sa mga hangganan ng Flooding Lake City si Zhao Feng. Kailangan ba namin siyang pigilan?"

Isang anino ang biglang lumitaw sa himpapawid.

"Sa mga hangganan? Sinusubukan niya bang umalis sa Flooding Lake City?"

Nagsalita ang City Lord.

"Ang kaniyang pakay ay parang ang Tiegan Mountain."

"Tiegan Mountain? Hehe, sinusubukan niya bang hanapin si Tiegan Master?"

Nagpakita ng mapaglarong ngiti ang City Lord.

"Tiegan Master? Ang kakila-kilabot na matandang lalaking iyon? Ilang beses na niyang pinahiya ang ama ko noon. Hindi ba magiging alikabok si Zhao Feng kapag nagpunta siya roon?"

Tumawa si Liu Qinxin.

Chapitre suivant