Sun Feather City.
Kakalubog pa lamang ng araw at marami ng mga tao ang inilawan ang kanilang mga lampara at isinarado ang kanilang mga tindahan.
Sa pagkakataong iyon, isang kabataan na may kulay asul na buhok ang naglalakad sa siyudad habang nakasuot ng kulay abong kapa.
Kung naganap ito sa umaga, ang itsura ng kabataan ay ikababahala ng lahat. Ngunit, dumating na ang gabi at ang anyo ng kabataan ay hindi naman nangingibabaw.
"Hindi naman pala masyadong nagbago ang Sun Feather City sa loob ng isang taon." Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.
Halos walang kahit sino ang makakilala sa kanya. Kumpara sa nakaraang tao, mas matangkad na si Zhao Feng at nagbago na rin ang kanyang pisikal na kaanyuan ganoon rin ang kanyang aura.
Nang mapalapit na siya sa teritoryo ng Zhao family, halata namang maraming tao rito.
"Kailan pa nagkaroon ng maraming tao rito?" Kakaiba ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com