webnovel

Paghamon sa mga Core disciples (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Broken Moon Clan.

Sa loob ng isang magandang hardin.

He! Boom! …

Isang walang emosyon na lalaki ang nakikipaglaban sa dalawa pang kabataan. Sa puntong iyon, may mga ilaw na gumuhit sa hangin at lahat ng mga natitirang enerhiya ay kaya nang makawasak ng metal.

Ang walang emosyon na lalaki ay hinarap ang dalawa nang sabay habang hindi natatalo. Isang maitim na suson ng kulay asul na tubig ang pumalibot sa kanya na naglalaman ng matinding presyur. Kahit ang simpleng pagtayo lamang sa tabi nito ay maaaring magpaubo sa mga normal na cultivators ng Ascended Realm.

"…Ang Dark Water Inheritance ay hindi na nakapagtatakang isa sa mga pinakamakapangyarihang pamana ng Floating Crest Palace.s"

Nakaupo si Hai Yun Master sa isang malapit na bato at sinabi ito nang may pagpupuri. Ang walang emosyon na lalaki ay si Bei Moi at ang dalawa niyang kalaban ay sina Quan Chen at Yuan Zhi, parehong disipulo ni Hai Yun Master.

Si Quan Chen ay nasa peak 4th Sky at nasa ikalimang puwesto ng core disciples, si Yuan Zhi naman ay nasa 5th Sky at nasa ikatlong puwesto.

Sa pagkakataong iyon, hindi matalo ng dalawa ang pinakabata na si Bei Moi kahit magsama pa sila. Kakaabot lamang niya ng 4th Sky pero agad niya nang naitutulak palayo ang dalawang mas nakatatanda sa kanya.

Parehong gulat si Quan Chen at Yun Zhi – simula nang makalabas si Bei Moi sa Floating Crest Trial, higit itong lumakas nang ilang beses. Ang kapangyarihan nilang dalawa na magkasama ay kayang pagpirapirasuhin ang isang normal na cultivator sa 4th Sky, pero hindi man lang nito masira ang depensa ni Bei Moi.

Tila ba may isang napakalalim at napakalakas na ipo-ipo ang pumapalibot kay Bei Moi na siyang humihigop ng lahat ng atake nila, tila nilulubog ito sa karagatan.

"Heavenly Water Mountain Opener!"

Ikinumpas ni Bei Moi ang kanyang mga kamay at isang maitim na asul na bayo sa tubig ang biglang lumaki at sa isang 'jiang' ay napaatras na muli ang dalawa.

Si Yuan Zhi ay napaatras ng ilang sampung mga yapak bago niya nabawi ang sarili. Si Quan Chen naman ay naitulak nang mas malayo pa at halos mapadura na ng dugo.

"Salamat."

Ang nasa ikatlo at ikalimang puwesto sa core disciples ay hindi matalo si Bei Moi nang magkasama!

"Mabuti! Mabuti! Moi'er, higit kang humusay. Sa loob ng dalawang taon, walang kahit sino sa iyong henerasyon ang mas gagaling pa sa iyo." Pagpuri ni Hai Yun Master.

Nakatayo lamang si Yuan Zhi at Quan Chen sa sulok nang may gulantang na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Punong-puno ng muhi at pagkagalit si Quan Chen. Kaya lang naman ganito kalakas si Bei Moi ay dahil nakatanggap siya ng pamana. Sa tuwing naiisip niya ito, lalo lang siyang nagagalit kay Zhao Feng. Kung hindi dahil sa kanya, makatatanggap rin siguro siya ng pamana.

"Moi'er, huwag mong limitahan ang iyong paningin sa loob lamang ng Broken Moon Clan. Sa Three Clan Party na nasa loob ng dalawang linggo na lamang, doon ka magpakitang gilas. Sa pagkakataong iyon, bibigyan mo lalo ako ng mukha." Nakangiting wika ni Hai Yun Master.

Three Clan Party.

Nagtinginan si Quan Chen at Yuan Zhi nang may mga pagkislot sa puso. Sa lakas na mayroon si Bei Moi, madali lang para sa kanya na makasali sa Three Clan Party. Subalit, para sa kanila, mahirap ito.

Sa pagkakataong iyon.

"Elder! May nangyayaring kaguluhan sa labas!" Isang katulong ang napatakbo sa loob.

Napabulalas si Quan Chen: "Sino ang nangahas na gumawa na kaguluhan rito?"

"Siya ay ang disipulo ni First Elder na si Zhao Feng. May kasama siyang lupon ng tao at hinahanap niya si Ginoong Quan Chen hanggang dito." Natatarantang sabi ng katulong.

Tumawa si Yuan Zhi: "Kapatid na Quan, mukhang naghahanap ng away si Zhao Feng sa'yo."

Kahit gaano pa man kaarogante si Zhao Feng, isa pa rin siyang disipulo. Paano niya nagawang gumawa ng kaguluhan sa isang Elder?

"Ang bastardong ito ay talaga gusto akong hamunin sa posisyon ko sa pagiging core disciple."

Madilim ang ekspresyon ni Quan Chen, pero sa totoo lang, ang kanyang puso ay higit nababahala. Alam niya naman kung gaano ka nakakatakot ang lakas ni Zhao Feng.

"Ano ang nangyari?" Wika ni Hai Yun Master.

"Narinig ko na gustong humamon ni Zhao Feng ng isang core disciple. Una muna siyang nagpunta sa tinutuluyan ni Quan Chen, pero wala siya roon. Sumunod naman, nagtungo siya para hanapin si Yuan Zhi at wala rin ito. Pagkatapos noon, hinanap iya naman si Bei-"

"Sige! Naiintindihan ko. Kaya pala siya napadpad dito." Malalim na sabi ni Hai Yun Master.

"Masu… masusunod po, Elder!" Nanginginig na bigkas ng katulong.

Sa pagkakataong iyon, may tensyon na namamagitan sa hardin. Ang mga mukha ng tatlo niyang disipulo ay lahat napakapangit.

Mukhang pinipili talaga ni Zhao Feng ang mga disipulo ni Hai Yun Master. Iniisip niya bang mahina sila?

"Nakakatawa naman siya!"

Puno ng galit ang mukha ni Quan Chen, pero sa totoo lang ay masaya siya. Kung siya lamang mag-isa, paniguradong hindi niya matatalo ang bastardong ito.

Pero kung magkakasama sila…

Hmph! Zhao Feng! Napakamalas mo ngayong araw!

"Pumunta kayong tatlo, pero huwag na huwag niyo akong ipahihiya."

Ikinumpas ni Hai Yun Master ang kanyang kamay. Kahit naiirita siya sa katotohanang pinili talaga ni Zhao Feng ang mga disipulo niya, nasa True Spirit Realm na siya at hindi na siya dapat pang makialam sa mga henerasyon ng kabataan,

Dagdag pa roon, sa likod ni Zhao Feng ay ang First Elder. Parehong siya at ang First Elder ay hindi makikialam sa pagitan ng kompetisyon ng mga disipulo.

Tara! Tara na!

Agad na umalis ang tatlo mula sa lugar ng kanilang Master.

May kakaibang pakiramdam si Yuan Zhi sa kanyang puso. Mukhang ayaw ng dalawa kay Zhao Feng.

Sa labas ng gusali may mga tumpok ng mga tao at ang namumuno sa kanila ay si Zhao Feng.

"Dito pala kayo nagtatago." Pagtanto ni Zhao Feng.

Pagkatapos niyang makalabas mula sa pagcucultivate nang palihim, hahamunin niya talaga dapat ang mga disipulo muna ni Hai Yun Master. Pero ang kakaibang bagay ay sina Quan Chen, Yuan Zhi at Bei Moi ay wala lahat sa kanilang tinutuluyan.

Matapos maghanap at magtanong-tanong, napag-alaman nilang ang tatlo ay nagtatago sa lugar ng kanilang Master.

"Ano nagtatago ang sinasabi mo!?"

Si Quan Chen at ang dalawa pa ay nainis at namuhi. Ipinatawag silang tatlo ng kanilang Master para magkaroon ng laban.

Sa lahat ng mga hindi nakakaalam nito ay nag-iisip na baka takot sila kay Zhao Feng

"Maglaban tayo." Wika ni Zhao Feng at ibinaling ang kanyang atensyon sa entablado.

Hindi na siya nag-alala kung susunod ba sila. Nasa harap sila ng gusali ng isang Elder – imposibleng hindi siya lalabanan ng mga ito.

Hindi nagtagal. Central Division, challenging stage.

Ito ay ginawa lamang para labanan ng mga inner disciples ang bawat isa. Tumalon si Zhao Feng sa hangin at lumapag sa entablado.

Sa pagkakataong iyon, may dalawang inner disciples na talaga ang naglalaban.

"Ahhh!"

Nang makita ng dalawa ang isang may panakip sa mata at may kulay asul na buhok na kabataan at may 4th Sky aura ay agad silang umalis sa takot.

Hindi nagtagal.

Ilan pang mga aura na nasa 4th Sky at mas mataas pa ang sumunod na lumapag sa entablado.

Si Quan Chen at ang dalawa pa ay nagtinginan sa isa't isa at mukhang pinag-iisipan nila kung sino muna ang mauunang lalaban.

Bahagyang natatakot si Quan Chen kung kaya hindi niya inihalal ang sarili.

"Sabay-sabay na lang kaya kayong tatlo!?" Pangungutya ni Zhao Feng.

"Tumahimik ka!"

"Arogante!"

Napabulalas si Bei Moi at Quan Chen nang sabay.

Syempre, hindi talaga gusto ni Zhao Feng na labanan silang tatlo nang sabay-sabay. Hind naman siya ganoon kaarogante pero kahit naman gustuhin niya, hindi naman iyon gagawin ng tatlo.

"Kapatid na Quan, mauna ka at subukin mo ang kanyang kapangyarihan." Pag-uutos ni Yuan Zhi.

"Sige."

Kahit ayaw talaga ni Quan Chen, sumunod pa rin siya rito.

Sa entablado.

Hinarap ni Zhao Feng si Quan Chen.

Marami na agad ang manonood na mga inner disciples matapos marinig kung ano ang nagaganap.

Ang dalawang pares ng mga mata ay parehong komplikado ang mga emosyon.

Lalo na kay Quan Chen. Noong nasa Guanjun Palace pa lamang sila, gaano ba siya kadominante noon?

Noong mga panahong iyon, ni hindi niya halos tapunan ng tingin si Zhao Feng. Ni hindi niya nga ito maalala. Pero ngayon, nababahala na siya nang higit at natatakot sa presensya nito.

Hindi naman dahil sa hindi pa naglalaban si Zhao Feng at Quan Chen. Pero nagawa na nila ito sa trial, at sa huli, nalinlang at natalo lamang si Quan Chen.

"Zhe zhe, Kapatid na Quan Chen, gusto mo bang padaliin ko lamang sa'yo?"

Gaano ba katalas ang mga mata ni Zhao Feng? Pati ba naman ang bakas ng pagkatakot sa mga mata ni Quan Chen ay nakita niya. Ni wala nga rin itong intensyon na lumaban.

"Tumahimik ka! Hindi ito labanan ng ating mga dila!" Bulalas ni Quan Chen.

Kinuha niya ang kanyang ispada at saka humiwa kay Zhao Feng. Ilang mga marka sa itim na bato ang nagawa sa entablado. Ang bato na ito ay higit pang mas matigas sa low grade Mortal weapons.

"Isang napakalakas na kapangyarihan!"

Umurok ang dila ng mga disipulo na nasa ibaba.

Ang sandatang hawak ni Quan Chen ay isang Middle Grade at siya mismo ay sinanay ang kanyang sarili sa high ranked skills nito. Kanina habang nilalabanan si Bei Moi ay wala siyang gamit na sandata.

"Hehehe, naniniwala ka bang kaya ko lang manalo dahil 'sa paggamit ng aking dila?''" Mahinang tawa ni Zhao Feng.

Shua!

Ang kanyang anyo ay biglang nawala at iniwasan niya ang atake.

"Huwag kang maging arogante. Kung mayroon kang mga skills, huwag mong gamitin ang iyong mga kamay." Bulalas ni Quan Chen.

"Oo naman, ipapakita ko sa'yo."

Tumayo si Zhao Feng habang nasa likod niya ang kanyang mga kamay at saka huminga nang malalim.

Boi~~

Binuksan niya ang kanyang bibig at isang hindi makitang mental energy attack ang dumiretso kay Quan Chen. Kung saan man napunta ang mental energy sound attack na ito ay maririnig ang tunog ng kidlat.

Huang!

Tila ba tinamaan ng kidlat si Quan Chen. Ang kanyang anyo ay nanginig at ang kanyang dugo ay kumulo. Ang atakeng iyon ay halos pasukahin siya ng dugo.

Ang mental energy sound attack ni Zhao Feng ay kayang humiwa ng kanyang kaluluwa at gumamit rin ng high vibrations para kuryentehin ang kanyang katawan.

Pagkatapos matanggap ang Lightning Inheritance, ginagamit na ito ni Zhao Feng bilang basehan niya sa lahat. Kahit ang kanyang mental energy sound attack ay naglalaman ng simoy ng kidlat.

Dagdag pa roon, mahina ang loob ni Quan Chen – napakahina niya kumpara kay Bei Moi at Lin Fan. Kung kaya, ang unang atake pa lamang ng mental energy sound attack ay nagdulot na agad kay Quan Chen ng pagnginig at halos pagsuka ng dugo.

Boi! Boi!

Agad na napadura na ng dugo si Quan Chen habang namumutla ang kanyang mukha. Kahinaan niya ang mental energy at sa ngayon, mas malakas na ang sound attack ni Zhao Feng kaysa noong trial, lalo na nang mapag-isa niya ito sa kakarampot ng kanyang Lightning Inheritance.

"Paano ito naging posible!?"

"Ni hindi nga ginalawa ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay. Ang kanyang bibig laman ay sapat na para mapaubo ng dugo si Quan Chen!"

Nagulantang ang lahat ng mga manonood.

"Kapatid na Quan, gamitin mo ang iyong true force para protektahan ang iyong tainga at iba mo pang mahihinang parte." Pagsasabi ni Yuan Zhi.

Alam niyang ang mental energy attack ni Zhao Feng ay gumagamit ng tunog para makapinsala.

"Dahil sa mahina ang kanyang loob, kahit gumamit pa siya ng true force bilang proteksyon, masasalag lang nito ang sampu hanggang 20 na porsyento ng aking atake." Wika ni Zhao Feng.

Sa mental energy sound attack, ang mental energy ang mahirap labanan at salagin sa lahat. Kaya nitong patarantahin ang isang tao at sa ganitong sitwasyon, paano sila makakalaban?

Kung ang kalaban niya ay may napakalakas na loob at mataas na cultivation, ang epekto ng mental energy sound attakc ni Zhao Feng ay bababa ng kalahati.

Sa kasamaang palad, hindi ganoon si Quan Chen. Sa totoo nga ay lalo pa itong natakot kay Zhao Feng.

Boi… Boi… Boi…

Ilang atake pa ang ginawa ni Zhao Feng.

Plop!

Dumaloy ang dugo mula sa mga tainga at ilong ni Quan Chen nang mahimatay ito.

"Napakahina."

Napailing si Zhao Feng at naisip niyang talentado siya sa larangan ng mental energy. Pero kahit sa Floating Crest Trial ay walang nababagay pa pamana para sa kanya.

Ang Lightning Inheritance lamang ang pangalawa sa pinakamagandang opsyon para sa kanya.

Chapitre suivant