webnovel

Kabanata 191: Paglabas ni Zhao Feng (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

"..... Final score: 2570.

Kalahok, ang score mo ay lumagpas sa 1000 at ikaw ang makakatanggap ng pinakamataas na pabuya mula sa Floating Crest Palace."

Nakatayo si Zhao Feng sa white crystal hall, maputla ang mukha at pinunasan niya ang dugo sa kaniyang mga labi.

Bago siya mamatay, ang eksena sa Mountain Monster ay ikinagulat niya. Sa harapan ng kapangyarihang iyon, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay langgam lamang.

Hmmm?

Isang puting ilaw ng liwanag ang lumamon kay Zhao Feng at nagpadala ito ng isang alon ng kainitan sa kaniyang katawan na nagpagaling ng lahat ng kaniyang mga pinsala. Ang alon ng kainitan nito ay katulad ng jade na nakuha ni Zhao Feng mula sa treasury at mayroong mga katangian na nagpapagaling.

"Mukhang masiyadong mataas ang 2750. Makukuha ko rin ang pinakamataas na pabuya?"

Nakabawi na si Zhao Feng mula sa kaniyang pagkahilo at nagsimulang isipin ang tungkol sa sinabi ng boses. Siya ang huling tao na lumabas sa trial, ibig sabihin na siya ang natitiyak na una. Ngunit ito rin ay dahil sa kadahilanang hindi siya maikukumpara sa mga nakaraang kalahok.

"Kadalasan, isang tao lamang sa isang libong taon ang nakakasira ng thousand point mark. Para sa score mo, natalo nito ang pinakamataas na score na naitala sa Floating Crest Palace sa nakalaipas na sampung libong taon."

Ang anyo ng isang matangkad, at makapangyarihang lalaki ay lumitaw mula sa kawalan. Ang anyo ay binubo ng mga puting liwanag at kahit hindi ito totoo, mayroon itong tiyak na bilang ng katalinuhan.

Mariing tumingin si Zhao Feng at napagtanto niya na ang mga katangian ng taong ito ay bahagyang pamilyar.

Bigla niyang naalala ang isang batang nagngangalang 'Li Ji' sa canyon illusion.

"Ikaw si Li Ji?"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng sambitin. Ang dalawa ay sobrang magkatulad - ang tanging pagkakaiba ay ang lalaki ay mas maygulang.

"Hehe, ako nga si 'Li Fuji'. Ang anyo na nakikita mo ngayon ay isa lamang pag-iisip mula sa totoong ako." Paliwanag ng lalaki.

Kinagat ni Zhao Feng ang kaniyang dila - ang lalaking ito ay hindi tunay na may buhay, ngunit mayroon siyang katalinuhan.

Miao miao!

Sa oras na ito, ang munting pusang magnanakaw ay umakyat palabas ng interspatial ring at nagtataka nitong sinuri ang lalaki ng ilang sandali bago umupo sa balikat ni Zhao Feng.

Nang makita ng lalaki ang munting pusang magnanakaw, pagkahilo ang kumislap sa mga mata niya ngunit wala siyang tinanong.

"Kalahok, ang iyong score ay nakalagpas sa 1000 at matatanggap mo ang mga sumusunod na pabuya.

1. Gamitin mo ang iyong mga points at ipagpalit ito para sa mga skills, weapons at iba pang kagamitan.

2. Tanungin mo ako tungkol sa kahit anong makakayanan ko. Siyempre, magkakahalaga ito ng kaukulang bilang ng points.

3. Bigyan ka ng isang simpleng inheritance ng walang halaga."

Sinabi ng nagliliwanag na lalaki.

Tatlong pabuya sa kabuuan?

Napaisip ng malalim si Zhao Feng.

Batay sa kaalaman niya tungkol sa Floating Crest Trial, ang mga normal na kalahok ay makakatanggap lamang ng unang pabuya. Para naman sa tala, hindi pa niya ito naririnig ngunit para sa ikatlo, naalala niya ang First Elder na nagkukwento tungkol dito - mayroong mga pagkakataon ng mga inheritance sa trial.

"Ang pinakamalaking kalamangan ko ay ang ikalawang pabuya - upang humiling ng kahit ano."

Pinag-isipan nito ni Zhao Feng, ngunit kailangan niya munang maintindihan kung paano ipagpalit ang kaniyang mga points.

Nagsimulang magpakita ang impormasyon sa kaniyang Floating Crest Token.

Una ay kung paano nakuha ni Zhao Feng ang kaniyang mga points.

20 para sa pagpasa sa unang stage. 30 para sa pagpasa sa ikalawang stage.

Para naman sa ikatlong stage, ito ay tinantsa depende sa oras kung kailan nagsimula ang pagtutugis.

Ang una hanggang ikasampung araw ng pagtutugis ay nagbigay ng 10 points araw-araw.

Kung ganoon, nakatanggap si Zhao Feng ng 100 para sa unang round ng pagtutugis.

Ito ay nakumpleto nila Zhao Feng, Bei Moi at Yang Gan.

Sa ikalawang sampung araw ng pagtutugis ay nagbigay ng 20 bawat araw, nagbibigay kay Zhao Feng ng isa pang 200.

Si Zhao Feng at Bei Moi lamang ang nakayanang makakumpleto nito at ang unang nabanggit ang tanging taong natira sa ikatlong round ng pagtutugis.

Nakayanan lamang ni Zhao Feng manatili ng isang araw sa ikaapat na round bago mapatay ng 'Mountain Monster'.

Kaya naman, ang stage-passing score ni Zhao Feng ay: 720.

"Ang performance score ko ay masiyadong malaki - 1350!"

Mariing tinignan ito ni Zhao Feng. Bawat black metal monster na napatay niya ay nagbigay sa kaniyang 100 at dahil nakapatay si Zhao Feng ng walo, mayroong 800 points.

"Hindi man lamang nakapatay si Bei Moi ng isang halimaw. Ibig sabihin nito mayroong halos 800 points sa pagitan namin at dagdag pa ang katotohanan na nanatili siya ng mas maikling oras kaysa sa akin, mayroon kaming pagitan na halos isang libo."

Isang ngiti ang nabuo sa mga labi ni Zhao Feng.

Ibig sabihin nito na kahit ang mga ikalawang pinakamagaling na kalahok ay mayroong halos isang libong points na pagitan sa kaniya. Sunod ay nagsimula ng maghanap si Zhao Feng ng impormasyon tungkol sa mga kagamitan na maaaring ipagpalit.

"Peak class Mortal skill - 80 points para sa isa.

Peak grade Mortal weapons - 100 para sa isa.

Low class Spiritual skills - 400 para sa isa.

Low grade Spiritual weapon - 500 para sa isa…"

Ang mga kagamitan na tinignan ni Zhao Feng ay lahat top tier. Ang pinakamatataas na skills at weapons na maaaring maipagpalit sa Floating Crest Trial ay Middle class Spiritual skills o Middle grade Spiritual weapons, na nangangailangan ng kaukulang 1500 at 2000 points.

Halatang hindi ipagpapalit ni Zhao Feng ang kaniyang points para sa mga kagamitang iyon. Pagtapos mag-isip ng ilang sandali, napakagdesisyon na si Zhao Feng: "Kukuhanin ko muna ang simpleng inheritance."

Ito ang ikatlong pabuya na maaaring wala ang ibang kalahok maliban kay Bei Moi.

"Sige."

Sa oras na banggitin ito ng lalaki, isang malinaw na puting ilaw ng liwanag ang dumaloy sa katawan ni Zhao Feng.

Isa itong misteryosong aura na walang kahiy anong malisyosong pagnanais dito. Sa kabilang banda, mainit at taimtim ito. Ang ilaw ay dumaloy sa kaniyang dugo, mga buto at kahit sa kaniyang mental energy, ngunit nang magpunta ito sa asul na liwanag sa loob ng kaniyang kaliwang mata, ay naglaho ang liwanag.

"Sa kasamaang palad, hindi ko nagawang makabuo ng isang perpektong inheritance para sa'yo. Ang landas na bumabagay sa'yo ay 'mental energy', na ang siyang 'kaluluwa'. Halimbawa, mental illusions, predictors o kahit corpse-summoner ang maaaring maging forte mo."

"Bakit hindi ito maaaring mabuo?"

Bahagyang nayamot si Zhao Feng - ang suwestiyon ni Li Fuji ay katulad ng sa mga First Elders.

"Ang Floating Crest Palace ay isang 'Righteous ground ng Inheritance'. Walang masiyadong pagsasanay gamit ang 'mental energy' at ito ay bahagyang itinuturing na 'masama'. Dagdag pa rito, ang bloodline mo ay nagdudulot upang mas mahirapan pa ang pagbuo ng isang nababagay para sa'yo. Siyempre, dahil nakuha mo ang Floating Crest Lightning Seal at mayroon kang ilang Lightning skills bilang pundasyon, maaari kong ibigay ang pinakamagandang inheritance ng Floating Crest Palace, ang 'Lightning Inheritance', sa'yo." Sinabi ng nagliliwanag na lalaki.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng. Kahit papaano ay nagawa niyang makuha ang pinakamagandang inheritance ng Floating Crest Palace.

Booom!

Isang malaking bilang ng enerhiya ang dumaloy sa isip ni Zhao Feng at pinaliwanag nito ang buong bulwagan.

Makalipas ang ilang sandali.

Isang tore na may tatlong palapag ang lumitaw sa isipan ni Zhao Feng.

Ang eksena sa unang palapag ay kaparehas ng sa Floating Crest Lightning Seal. Naglalaman ito ng enlightenment at mga paraan kung paano gamitin ang Lightning.

Para naman sa ikalawa at ikatlong palapag ng tore, ito ay kulay abo at hindi makapasok dito si Zhao Feng.

"Ang Lightning Inheritance ay naselyuhan na sa iyong isipan. Sa Ascended Realm, ang maaari mo lamang maintindihan ay ang unang palapag. Sa ikalawang palapag nangangailangan na makaabot ka sa True Spirit Realm at sa ikatlong palapag ay kailangan ikaw ay nasa 'True Lord rank', ang ikatlong Heaven ng True Spirit Realm. Kung kaya mong tuluyang maintindihan ang Lightning Inheritance, hindi imposible sa'yo ang makatungtong sa tuktok ng kontinenteng ito." sabi ng nagliliwanag na lalaki.

"Talagang malakas ang Lightning Inheritance. Ang True Spirit Realm ay nahahati sa tatlong ranks: ang True Human rank, True Mystic rank at ang True Lord rank. Siguro ang mga Elders ng Broken Moon Clan ay hindi pa nakakaabot sa ikalawang rank ng True Spirit Realm." Naisip ni Zhao Feng.

Kabilang sa Lightning Inheritance ay ang mga paraan kung paano gamitin ang Lightning, offense, movement at mga sikretong techniques. Ibig sabihin ng Inheritance na ito ay ang lahat ng landas ng Lightning, ngunit ang kaya lamang matutunan ni Zhao Feng ay ang mga dulo nito mula sa Unang palapag. Kung tuluyan niyang maintindihan ang unang palapag, ang mga normal na cultivators na nasa True Human rank ay maaaring hindi siya kayang matapatan.

Nang matapos ang inheritance , pinuntirya na ni Zhao Feng ang ikalawang pabuya kung saan gagantimpalaan siya ni Li Fuji ng mga hiling na makakayanan niya.

"Ang unang kahilingan ko ay maintindihan ang kasaysayan ng pusa at pumirma sa isang kasunduan kasama ito." Sabi ni Zhao Feng.

Ang kasaysayan ng munting pusang magnanakaw ay misteryoso at walang kahit anong koneksyon sa dalawa. Pagtapos ng trial, maaaring umalis ang pusa kung kailan nito gusto.

Miao miao!

Winagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito sa mga balikat ni Zhao Feng, pinapahayag ang kaniyang pagkadismaya.

"Pasensya na, kahit ako ay hindi alam ang kasaysayan ng pusang iyan, ngunit alam ko na lubhang kakaiba ang bloodline niya. Tungkol naman sa kung gagana ang blood pact o hindi, depende iyon kung gaano kalakas ang pagpalag ng pusa pati na rin ang lakas ng iyong bloodline."

Sumulyap ang nagliliwanag na lalaki sa munting pusang magnanakaw at tumango ito.

"Sabihin mo sa akin kung paano gumawa ng kasunduan at tulungan ako na magtagumpay."

Nais ni Zhao Feng sumubok.

Tumango ang nagliliwanag na lalaki: "Magkakahalaga ito ng 200 points."

Pagtapos nito, sinabi niya kay Zhao Feng kung paano gumawa ng isang pet blood pact.

Nakatayo ang nagliliwanag na lalaki sa gitna ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw sa magkabila.

Batay sa mga kailangan, ang bawat panig ay kailangang maglabas ng ilang patak ng dugo. Pagtapos magawa ito, hinawi ng nagliliwanag na lalaki ang kaniyang kamat at ang dugo ay bumuo ng isang kakaibang litrato sa himpapawid.

Bahagyang kumibo ang bibig ng munting pusang magnanakaw at hindi ito lumaban. Siguro ay alam nito na kahit pumalag siya, ay wala pa rin siyang magagawa.

Ang dugong litrato ay nabuo sa pagitan ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw at habang winawagayway ng lalaki ang kaniyang mga kamay, isang misteryosong alon mula sa litrato ang dumaloy sa katawan ni Zhao Feng at sa katawan ng pusa.

Hindi nagtagal, nararamdaman na ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw.

"Nagtagumpay ito."

Bahagyang nagulat si Li Fuji at siya ay tumingin sa munting pusang magnanakaw ng may malalim napagtitig. Hindi niya naisip na magiging maganda ito para kay Zhao Feng.

Ibig sabihin ng blood pact ay ang munting pusang magnanakaw ay opisyal na magiging alaga ni Zhao Feng at malilimitahan ito. Nagulat din si Zhao Feng na hindi pumalag ang puso. Sa halip, mayroon itong ngiti na may kabatiran sa mukha nito.

"Ang ikalawang kahilingan ko ay matutunan ang kasaysayan ng Yin Shadow Cloak at malaman kung maaayos pa ba ito o hindi at kung oo, paano."

Mabilis na napag-isipan ni Zhao Feng ang kaniyang ikalawang kahilingan.

"Ito ay isang sinaunang kayamanan na kayang mapataas ang bilis ng isang tao at itago ang aura ng isang tao. Isa itong 'inheritance ng Gantimpala' at ang potensyal nito ay hindi pa tuluyang nabubuksan. Para sa'yo, ang halaga nito ay sampung beses na mas malaki kaysa sa isang Spiritual grade weapon." Nakangiti si Li Fuji habang siya ay nagpapaliwanag.

Talagang natuwa si Zhao Feng sa kasagutan.

Ang mga inheritance ng Gantimpala ay maaaring magamit ng mga nasa Ascended Realm at True Spirit Realm. Ito ay ang mga kagamitan na maaaring lumago habang palakas ng palakas ang gumagamit - halatang hindi isang bagay na maaaring maikumpara sa Spitirual weapon. Depende sa lakas ng gumagamit, ang kapangyarihan ng cloak ay maaaring magbago.

Chapitre suivant