webnovel

Ang Manlolokong Pusa

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang atensyon ni Zhao Feng ay napukaw ng interspatial bracelet.

Ang interspatial bracelet ay nasa isang metro kwadrado ang sukat at mayroong ilang pangakat ng gantimpala sa digmaan na nakuha ni Zhao Feng sa loob.

Ang paggalaw ay nanggaling dito.

Nang isinama ang kaniyang kamalayan sa loob, napagtanto ni Zhao Feng na ang mga kayamanan ay bahagyang nanginginig at kalahati ng isang prutas ang may kagat na.

Ang salarin ay isang maliit at mabalahibong kulay abong pusa na tila kakapanganak pa lang – na halos kasinglaki ng isang palad. Mayroon itong pares ng nagkikislapang mga itim na mata na tumitingin sa paligid.

Ang pusang mahilig sa pagkain at tila naramdaman ang anyo ni Zhao Feng at napatigil sa gitna ng pagkain.

Tumigil muna si Zhao Feng at napagtantong ang bilang ng mga kayamanan ay nabawasan nang kalahati.

"Saan nanggaling ang pusang ito na kumain ng kalahati ng aking kayamanan?"

Lubos na nagalit si Zhao Feng.

Chapitre verrouillé

Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com

Chapitre suivant