Pinagpawisan si Zhao Feng sa talento ni Sun Yuanhao dahil ito ay tunay na Changeable Body. Ngunit dahil walang masyadong alam si Lord Guanjun tungkol sa Changeable Bodies dahil na rin sa sobrang bihira nito, wala siyang sinabi.
Sa oras na ito, lahat kabilang si Deacon Qiu ay nagulat. Ang ilaw mula sa Spiritual Sky Beam binalot ang kalahati ng Sky Moon Mountain.
"Changeable Body, higit sa peak tier Spiritual Body, perpekto! Direktang tanggap na sa clan!" Sa wakas ay inanunsyo na ni Deacon Qiu.
Natalo ni Sun Yuanhao si Liu Yue'er, at siya ay agad na kinuha ng Clan. Habang naglalakad siya pababa sa entablado, tinitignan siya ng iba nang may inggit at selos.
"Ang henyong katulad niya ay magiging disipulo ng taong may malakas na kapangyarihan," napa buntong-hininga si Lord Guanjun. Naalala niya si Bei Moi nang makita niya si Sun Yuanhao at siya'y nalungkot.
Sou----
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com