webnovel

Battle for the Blades! [2]

Éditeur: LiberReverieGroup

Patuloy na nababsag ng mga dagger na ito ang void, kaya maraming void fragment itong nagagawa.

Kung hindi ito maiwasan nang maayos ni Marvin, kahit na hindi siya tamaan ng blade, pipira-pirasuhin naman siya ng mga void fragment.

Mahinahon naman na hinarap ni Marvin ito sa kritikal na pagkakataon.

Sa harap ng pagpapaulan ng pag-atake ng bangkay, isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas sa kanyang katawan.

Shapeshift Sorcerer – Diamond Shape!

Walong segundo nang mataas na resistance sa mga pisikal na pag-atake!

Isang makinang na liwanag ang bumalot sa katawan ni Marvin. Kung hindi dahil sa pananamit niya bilang isang rouge, ang sino mang makakita nito ay mag-aaklaang isa siyang Monk na gumagamit ng [Unbreakable Diamon]!

'Krash!'

Hindi mabilang na mga void fragment ang tumamasa katawan ni Marvin, ngunit tila hangin lang ang mga ito na tumama sa isang mapayapang lawa. Bukod sa kaunti at maliliit na pag-alon, wala na itong naging epekto.

Kasing bilis ng kidlat ang pagkilos ni Marvin at hinawakan niya ang bangkay!

Mahinahon lang siyang naghintay habang nag-iisip ng akmang gagawin para labanan ang Spirit. Ngayon naka-isip na siya!

[Edge Snatch]!

Hinawakan ng kanyang kanang kamay ang braso ng bangkay at ginamit ang skill na natutunan niya mula sa Elven Prince!

[Ginamit ang Edge Snatch….]

[Skill check..]

[Pumalya ang Edge Snatch!]

Pumiglas palayo ang braso mula sa mga kamay ni Marvin at muling umatake ang dagger sa kanya, punterya naman nito ngayon ang leeg ni Marvin!

Sumimangot si Marvin. Kahit na aktibo ang Diamond Shape, hindi ito ang tunay na Unbreakable Diamon skill!

Kung mahiwa ang kanyang katawan ng mga nakakatakot na dagger na ito, masasaktan pa rin siya.

Shadow Escape!

Bigla naman siyan nawala at saka muling lumitaw, iniwasan niyang muli ang pag-atake.

Pagkatapos muli na naman niyang hinawakan ang braso nito!

[Edge Snatch!]!

Hindi ito gumana noong una kaya susubukan niya ito muli.

Walang magawa si Marvin kundi umasa na magatatagumpay na siya!

Sa pagkakataon na ito, marahil dahil sa mayroon pang ibang ginawa si Marvin, iba na ang naging resulta.

Hinawakan ng kanyang kaliwang kamay ang likod ng kaay ng bangkay, at sinipa niya ito gamit ang kanyang kanang paa mula sa isang magandang anggulo!

"Bam!"

Tumama ang kanang paa ni Marvin sa kaliwang kamay ng bangkay!

Mayroong malutong na tunog at kahit na hindi niya nabalian ang kamay, panandalian itong nawalan ng lakas.

'Ngayon na!'

[Matagumpay ang Edge Snatch!]

Agad na napunta ang mapulang dagger sa mga kamay ni Marvin.

Isang malakas na pwersa ang pumasok sa kanyang isipan, at pakiramdam niya ay sasabog siya!

Isang boses ang kanyang narinig sa kanyang isip, 'Ang lakas ng loob mong nakawin ang pag-aari ko!?'

'Pipira-pirasuhin kita!'

'Magiging alipin kita at mababaon ka na sa limot!'

Ngumisi naman si Marvin sa kanyang isip at sinabing, 'Hindi ako natatakot, Kamahalan.'

'Maaari mo sigurong magawa 'yan dati, pero ngayon, wala ka nang ganyang kakayahan.'

'Isa lang lang kawawang Evil Spirit na nagtatago sa sarili mong dagger. Ni hindi ka isang tunay na Spirit. Ano pa bang silbi ng paggamit ng ganitong pamamaraan para mapanatili ang isang bahagi ng kamalayan mo?'

Hindi naman napirmi si Marvin habang nag-uusap sila.

Umatake na rin ito pabalik.

Malapit nang mawalan ng epekto ang Diamong Shape. Gusto niyang gamitin ang oras na ito para tapusin ang bangkay na ito!

Isa pang Edge Snatch!

Matapos mawalan ng isang dagger, labis na bumagal ang pagkilos ng bangkay. Tila wala na itong Godly Dexterity.

Ibinuhos na ni Marvin ang kanyang lakas, at matapos dalawang magkasunod na paggamit ng Edge Snatch, nagawa na niyang makuha ang isa pang dagger!

Muli na naman nakaramdam ng malakas na pwersa si Marvin sa kanyang dibdib, utak, at lahat ng bahagi ng kanyang katawan!

Tila ba lalamunin siya ng kapangyarihan na ito!

Pero nilabanan ito ni Marvin.

Tinitigan niya ang bangkay.

Nakatayo lang ito doon, naninigas at hindi gumagalaw.

"Rumble…" Isang hindi kaaya-ayang tunog ang lumabas mula sa lalamunan nito. .

Sa sumunod na sandali, mabilis na natuyot ang katawan nito.

Kung wala ang kapangyarihang ng Sodom's Blades para suportahan ang katawan nito, wala nang pinagkaiba ang bangkay na ito sa iba pang mga bangkay.

Blag!

Hindi nagtagal, naging kalansay na lang ito at kumalat kasama ng iba pang mga buto sa lugar na ito.

Nakahinga naman nang maluwag si Marvin.

Tama ang naging desisyon niya.

Sa pagkatao ng Bloody Emperor noon, paano niya nagawang panatilihin ang isang bahagi ng kanyang kaluluwa bilang isng tunay na Spirit? Hindi naman siya isang dakilang karakter gaya ng Night Monarch.

Kaya naman naisip ni Marvin na malamang ay itinago niya ang isang bahagi ng kanyang kaluluwa sa lugar na ito.

Ligtas ang lugar na ito.

Kaya agad niyang naisip ang mga nakakamanghang dagger!

Malamang ay may natitira pa itong pagmamahal sa Artifact nito na malaki ang naitulong sa kanya, at maituturing din na isa sa mga pinakamagandang Artifact ang Sodom's Blades.

Kaya malamang ay inilagay niya ang kanyang Spirit sa kanyang mga dagger!

Ito rin ang dahilan kung bakit walang reaksyon ito bago hawakan ni Marvin ang Sodom's Blades. Nagparamdam lang ito nang mahawakan n ani Marvin ito.

At doon na nga nagising ang Spirit dahil kay Marvin.

At ngayon, sapilitan nang ninakaw ni Marvin ang Sodom's Blades, gamit ang Edge Snatch, at naiwan na lang ay isang walang laman at tuyong bangkay.

Nasa loob pa rin ng Artifact ang Spirit!

Kadalasan, ang mga ordinaryong tao na hindi sumailalim sa mga Protective Ritual ay hindi maglalakas loob na humawak ng sandatang mayroong Spirit sa loob.

Lalo pa at ang mga ganitong sandata ay sinusunod nang walang pasubali ang Spirit. Mahihirapan si Marvin na makuha ang Sodom's Blades habang nasa loob pa nito ang Spirit.

Posible rin na kapag naging pabaya siya, lalamunin siya ng kamalayan ng Spirit at magiging buhay na tirahan nito!

Pero kampante naman si Marvin sa parte na ito.

Dahil sa paggamit niya ng Book of Nalu, umabot na sa nakakatakot na level ang kanyang willpower.

At dahil sa Wisdom Chapter, ang lakas ng kanyang pag-iisip ay halos kapantay na ng mga God.

Ano mang subukan gawin sa kanya ng masamang kapangyarihan na ito, hindi maiimpluwensyahan ang kanyang isipan.

Nararamdaman ni Marvin ang mabagsik at nakakapasong hangin na nagmumula sa mga Sodom's Blades, na sinusubukan atakihin ang kanyang isipan.

Pero malas ng Boody Emperor, sa tuwing susubukan umatake ng kapangyarihan na ito, ang mga lumulutang na rune ay kusang maglalabas ng nakakakalmang enerhiya!

Ang mga runes na ito na nakasulat gamit ang Ancient God Language at ito ang bumubuo sa nilalaman ng Wisdom Chapter.

Hindi maunawaan ni Marvin ang mga nakikita niya, pero natutulungan ng mga ito si Marvin.

Ang kanyang willpower ay hindi naaapektuhan kay na paulit-ulit itong atakihin ng Bloody Emperor Spirit.

"Sumuko ka na."

Makikita ang ngiti sa dulo ng labi ni Marvin, "Kung makikiusap ka ng maayos, baka magbago ang isip ko."

Nang biglang, sa kabilang dako ng kwarto, ang malaking imahe ng Black Knight ay lumitaw mula sa gate na bato!

Chapitre suivant