webnovel

Assassination

Éditeur: LiberReverieGroup

Malaki ang pinagbago ng Lion Town matapos ang paglusob ng mga pwersa ng Underdark.

Napuno ng hukay at butas ang kapaligiran dahil sa malalaking Ankhegs. Nakahilig sa iba't ibang anggulo ang mga bahay.

Dahil sa proteksyon mula sa Shroud the Sun, ang nilalang ng Underdark ay hindi gaanong nanghina. Pero mas sanay pa rin silang mamuhay sa mga kweba at hindi sa bahay ng mga tao.

Isang malawak na kweba ang hinukay ng mga ito sa ilalim ng isang maliit na burol sa kanlurang bahagi ng Lion Town.

Isang maliwanag ilaw ang lumalabas mula sa kweba, maya't maya, mayroong mga nakakapangilabot na sigaw ang maririnig.

Kung sapat ang taas ng Listen skill ng isang tao, maririnig pati ang tunog ng paghagupit ng latigo.

Pinakinggan ni Marvin ito mula sa malayo at hindi mapigilang manlamig.

Kahit na alam niyang masama ang mga Drow, iba pa rin na siya mismo ang makaranas nito.

Ito ang pansamantalang tinutuluyan ni Tess, at ito rin ang nagsisilbing kampo ng mga Dark Race.

Isang grupo ng mga Dark Elf ang nagbabantay sa labas ng kweba,binabantayang maigi ng mga ito ang kanilang kapaligiran.

Nahirapang lumapit si Marvin dahil dito.

Mataas man ang Stealth niya, pambihira naman ang Perception ng mga high level na mga Drow, at napakarami pa ng mga ito.

Mapapansin ng mga ito kahit pag-ihip ng hangin sa damo.

Kahit pa ang isang Ace Assassin tulad ni Xiu ay hindi magagawang makalagpas sa grupo ng mga Drown a ito, paano pa kaya ang isang Ranger na gaya ni Marvin.

Kailangan nilang makahanap ng ibang paraan.

Kahit pa hindi alam ni Marvin ang lokasyon ni Xiu, alam niyang kumilos na ang taong ito.

'Napakayabang pa naman na tao non. Siguradong hindi na siya makapaghintay na ipakita ang lakas niya.'

'Tssk… sabihin mo ba naman na hindi mo kailangan ang tulong ng kahit na sino. Siguradong gusto pa non na panuorin siya ng mga tao.' Isip-isip ni Marvin.

Kahit pa mapag-isa si Marvin dati at hindi niya gusto ang pakikipagtulungan sa mga mayayapang na manlalaro, hindi pa rin siya tulad ni Xiu.

Nagiging arogante dahil sa mahusay ka? Baaah!

Tumayo lang doon si Marvin, at hindi gumagalaw.

Alam niyang kailangan niya lang hintayin ang Ace Assassin para gawan ng paraan ang problemang ito.

At tulad ng inaasahan niya, paglipas ng tatlong minute, sa isang malawak na kalsada sa Lion Town, dalawang Fomorian ang biglang lumitaw!

Ang dalawang Fomorian na ito ay mabibilis. Magkahawak nag mga ito at nakakagulat na nag-aaway ang mga ito!

Malaking gulo ang dinulot ng away na ito, at isa pa, papalapit na ang mga ito sa tinutuluyan ni Tess!

'Ang galing naman non.' Panunuyang sabi ni Marvin.

Nauunawaan na ni Marvin ang kakayahan ni Xiu.

Nagdulot ito ng away sa pagitan ng dalawang mangmang na Fomorian, kaya naman nabaling ang atensyon ng mga Drow sa mga ito. Isang tunay na expert nga si Xiu.

Sa bangis at ingay ng away ng mga Fomorian, bahagyang nayanig pa nito ang lupa.

Kaya naman naistorbo nito ang pagbabantay ng mga Drow.

"Awatin niyo ang dalawang tanga na 'to!" Seryosong utos ng isang babaeng Drow.

At agad naman na sumugod ang apat na Dark Elven Warrior para subukang paghiwalayin ang dalawang Fomorian.

Ang ganitong uri ng sitwasyon ay pangkaraniwan na lang. Mahusay makipaglaban sa digmaan ang mga Fomorian ngunit hindi rin marunong lumugar ang mga ito.

Iilan lang ang may kakayahang pigilan ang mga ito bukod kay Lady Tess.

Masyadong mababa ang Intellegence ng mga halimaw na ito, kaya naman hindi masyadong nag-iisip ang mga ito at mas mabuting gawing utusan.

Sinamantala naman ni Marvin ang kaguluhan at tahimik na pumasok sa kweba.

Siguradong pumasok na rin si Xiu.

Pero hindi alam ni Marvin kung nasaan ito.

Maingat siya sa kanyang pagkilos.

Malalim nag kwebang ito at maraming mga lagusan at mga kwarto.

Sinundan niya ang palakas na palakas na tunog ng latigo at sa wakas ay natagpuan niya si Tess.

Sa loob ng malawak na kweba, dalawang Dark elf ang nakahubad at nakatali sa isang posteng gawa sa tanso. Hinahagupit ang dalawang ito ng Dark Elven Matriarch!

Tinanggal nito ang kanyang misteryosong damit at hubo't hubad na rin!

Pagkatapos ay nagsuot ito ng isang pares ng gwantes na gawa sa balat ng ahas habang makikita ang galit sa mga mata nito!

"Walang silbi!"

"Hindi niyo man lang nahanap si Raven!"

"Naubos ang mga tauhang ibinigay ko sainyo at wala man lang kayong nadala pabalik kahit bangkay! Sa tingin niyo, paano ko ipapaliwanag lahat ng 'to sa Great Dragon God!"

Lalo itong nagagalit sa bawat salitang binibitawan nito. Lumapit ito at sinipa ang ibaba ng isang lalaking Dark Elf.

Napahiyaw naman sa sakit ito.

Nakasuot pala si Tess ng sapatos na may mataas na takong!

Tumingin palayo si Marvin, bigla siyang nakaramdam ng panlalamig sa kanyang katawan!

Pero mas ikinagulat niya ang mga sinabi ni Tess.

'May koneksyon ba si Raven sa Black Dragon God? Kung hindi, bakit parang masyadong malaki ang pagpapahalaga niya sa kanya?'

Nanatiling mahinahon si Marvin at nakatago sa dilim.

Mukhang matyagang naghihintay lang si Xiu.

Paglipas ng ilang sandal, tila napagod na si Tess sa pagsermon at pagpaparusa sa dalawa. Nakakgulat na pinakawawalan niya ang dalawang Dark Elf.

Bigla lang itong humiga sa isang kama at walang emosyong sinabi, "Lumapit kayong dalawa, kung mapapasaya niyo ko ngayon, hindi ko kayo papatayin."

Nagkatinginan ang dalawang Dark Elf at agad na lumapit!

Pero noong mga oras na iyon, biglang may nagbago sa paligid.

Napansin ni Marvin si Xiu na nagsimula nang kumilos!

Biglang may kislap sa mga mata nito.

Tapos na maghintay ang taong ito.

Isang anino ang bumaliktot at sumaksak sa katawan ng isang Dark Elf at inatake si Tess!

Ang unique skill ng isang Ace Assassin, ang [Shadow Pierce]!

Kaya nitong tumagos sa isang Shadow Plane sa isang iglap at mapunta sa harap ng sino mang pinupunteryang taong gumagamit nito!

Kilala ang skill na ito dahil sa pagiging direkta nito. Paderetso lang ang direksyon ng pagsaksak nito pero napakabilis nito!

Sa sumundo na segundo, isang nakakatakot na dagger ang biglang lumipad.

Hindi inaasahan ni Tess na mayroong isang Assassin sa kanyang kweba!

Mayroong isang grupo ng Dark Elf na may napakataas na Perception ang nakabantay sa labas!

Subalit, bilang Apostle ng Black Dragon God, mayroon siyang pamamaraan para mailigtas ang kanyang sarili sa ganitong klase ng sitwasyon.

Sa gitna ng pag-atakeng ito, sapilitang kumilos si Tess at may binigkas.

Isang malaking halaga ng Divine Power ang lumabas mula sa kanyang katawan at bumuo ng isang malakas na barikada.

Gumamit siya ng Divine Power para protektahan ang kanyang katawan.

Hindi kayang lampasan ng mga pangkaraniwang sandata ang depensang ito.

Pero dahil nangahas si Xiu na subukang patayin ang Apostle ng isang God, pinaghandaan niya ito nang mabuti.

Ang kanayng straight dagger ay may bakas ng pulang ilaw dito.

Ang dagger na ito ay direktang tumagos sa Divine Power na pumuprotekta kay Tess at nasaksak siya sa kanyang dibdib!

Fatal Injury!

Deadly Poison!

Bigang namutla si Tess!

Isang kampanteng ngiti ang gumuhit sa mukha ni Xiu.

'Isang sandata na panlaban sa Divine Power, hindi ko inaasahan 'to.'

'Isa nga talaga siyang Ace Assassin…'

Nagulat rin si Marvin sa nasaksihan.

Pero biglang isang itim na awra ang lumitaw sa mukha ni Tess.

Iyon ang kapangyarihan ng Black Dragon God!

Biglang nagbago ang mukha ni Xiu. Hindi na nito hinintay na makabawi pa si Tess at agad na nawala.

Nagpumiglas si Tess sa kanyang kama. Nagdurugo pa rin ang kanyang sugat, pero tila hindi niya ito nararamdaman.

Napuno ng galit ang kanyang mga mata.

Kung hindi dahil sa ibinigay sa kanyang [Major Regeneration] ng Black Dragon God, marahil napatay na siya ng Assassin.

Iuutos na sana niya sa kanyang mga tauhan na hanapin ang Assassin, nang biglang mayroong dalawang anino ang nagsalubong!

Kaawa-awang inihagis si Xiu sa lupa. Kagagamit lang nito ng isang escape ability pero bigla itong pinigilan ng isang tao.

Biglang napasigaw sa saya si Tess.

"Raven!"

Chapitre suivant